6. Love is confusing

342 138 14
                                    


"I'm sorry, I'm late. Naabutan ako ng traffic. Kanina ka pa?" Tanong nya rito. They are in their favorite coffee shop in Makati. They really liked the romantic feeling the coffee shop gave them. Hinalikan nya ito at umupo sa bakanteng upuan sa harap nito.

"Hindi naman. Kararating ko lang rin halos." Nakangiting sabi nito.

"Bakit hindi ka pa umo-order. Dapat nag-order ka na for yourself." Sabi nya rito.

"I wanted to wait for you." Sabi nito. Napangiti sya.

"I have the sweetest girlfriend in the world." Biro nya rito. Natawa lang ito sa kanya. Tinawag nya ang waiter na kanina pa nakatingin sa kanila.

"What can I do for you, sir?" Polite na tanong nito. Napansin nyang nakatingin ito sa mukha nya.

"You can quit staring at me and get us two cups of latte." Sabi nya rito. Napayuko ito bigla.

"I'm sorry, Sir." Natatarantang sabi nito.

"Just get us our drinks." Inis na sabi nya rito. Nagmamadaling umalis ang waiter sa harap nila. Naramdaman nya ang kamay ni Aubrey sa kamay nya. Ipinatong nya ang isa nyang kamay sa nakahawak nitong kamay sa kanya. Mga ilang sandali ay bumalik na rin ang waiter na dala na ang coffee nya. Galit na hinarap nya ang waiter.

"I said two lattes! Hindi ka ba nakikinig ng maayos? Bakit isa lang to?" Galit na sabi nya rito. Pinisil ni Aubrey ang kamay nya at napatingin sya rito.

"I'm sorry, Sir." Kinakabahang sabi nito. Naiinis na kumuha sya ng pera sa wallet nya at padabog na ibinagsak sa table nila.

"Calm down, Shawn." Sabi ni Aubrey sa kanya. Hinawakan nya ang kamay nito at hinila patayo.

"Come on. The people here are rude and stupid. They keep on staring at me." Galit na sabi nya at nagmamadali silang umalis doon. Nakatingin pa rin sa kanila ang mga tao sa loob ng coffee shop.

Some people just didn't know when to mind their own business.



-----



Badtrip pa rin sya hanggang sa makarating sila sa bahay nila Aubrey. Nasa work ang parents nito. They are currently lying in her bed. She's playing with his hair. Niyakap nya to ng mahigpit. Nagdilat sya ng mata at tumingin dito.

"Aubrey, pumapayat ka ah." Puna nya rito. Naramdaman nya ang kapayatan nito ng yakapin nya ito. Nag-iwas ito ng tingin.

"Nagkasakit kasi ako last week." Sagot nito. Nagtaas ang kilay nya.

"Kaya ba hindi ka masyadong nagpaparamdam sakin last week ay dahil may sakit ka?" Tanong nya rito.

"Yes." Sagot nito. Kumunot ang noo nya.

"You should have told me, you know. Nag-alala ko sayo." Sabi nya rito. Hinawakan nito ang pisngi nya.

"I'm fine now." Sabi nito sa kanya.

"Next time sabihan mo ko. Hindi yung bigla ka na lang hindi nagpaparamdam." Sabi nya rito. Tumango ito at niyakap sya.

"Yes sir." Biro nito sa kanya. Natawa na lang sya dito at hinalikan ito sa noo bago sya tuluyang dinalaw ng antok.



-----




Naalimpungatan sya at napatingin sa paligid. Naghihikab na bumangon sya sa pagkakahiga. Mahimbing na natutulog si Aubrey sa tabi nya. Napangiti sya at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha nito.

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon