2. Love is colorful

535 148 16
                                    


"Oh Shawn? Nagmamadali ah. May lakad?" tanong sa kaniya ng katrabaho niya.

"Oo, pare. May date kasi kami ng girlfriend ko." nakangiting sagot niya rito.

"May girlfriend ka pala?"

Natawa siya rito. "Oo. Matagal na nga kami. Sige na pare, mauna na 'ko. Magkikita pa kasi kami. Ayaw ko sjyang paghintayin," sabi niya rito at isinukbit na sa balikat niya ang bag niya.

Pasipol-sipol siya habang naglalakad. Magkikita sila ni Aubrey sa isang Art Gallery. Aubrey loves art so much. She's actually an artist herself. Tuwing nakikita niyang nagpe-paint si Aubrey, pakiramdam niya ay nakakakita siya ng anghel. She's very passionate with her arts. She's very good at it. Nagtuturo nga ito ng free drawing lesson sa mga less fortunate na mga bata. Kahit siya ay tinuturuan nito. Hindi niya makakalimutan kung paano niya unang na-meet si Aubrey.

May drawing contest noon sa school nila at si Aubrey ang nanalo. Noong nakangiting kinuha nito ang premyo nito sa stage, alam niya na sa sarili niya na may magbabago sa buhay niya. Because from the very first time that he saw her smile, he knew that he was in deep trouble.

He instantly fell inlove with her smile.



-----


Nauna siyang dumating sa Gallery. Hinintay niya muna ito sa labas. Nararamdaman niya ang mga mata ng tao sa kaniya, naririnig niya ang bulungan ng mga ito, ang pagtataka sa mukha ng mga ito sa kung ano'ng nangyari sa kaniya. His scar is so visible. Ito nga ang una mong mapapansin kapag tinignan mo siya.

Hindi niya na lang pinansin ang mga ito. Their opinions doesn't bother him anymore. With or without scar, mahal siya ni Aubrey. Her opinion is the only thing that matters to him.

He was so excited to bring her here. Art is Aubrey's obsession. The way her eyes would light up everytime na may makikita itong isang masterpiece, parang gugustuhin niyang magpatayo ng isang Art Museum para lang dito. Para palagi niyang makita ang kislap sa mga mata nito. Everytime that she would look at him, pakiramdam niya isa siyang magandang sining. It's like he takes her breath away. He love the way she looks at him.

Simpleng tao lang si Aubrey. Isa iyon sa nagustuhan niya rito. A kind-hearted person. Aubrey is the most beautiful art that he ever laid eyes on. She's that multiple beautiful colors in the plain white canvas. She made his black and dull world so bright and colorful. She made him see how beautful life is.

"Kanina ka pa?" Naputol ang pagmumuni-muni niya ng marinig ang boses nito. Her voice is so calming. So soothing. Nakangiti ito sa kaniya, and for a moment ay naisip niya kung gaano siya ka-suwerte rito.

Nakangiting lumapit siya rito at niyakap niya ito nang mahigpit. Napangiti siya nang gumanti rin ito ng yakap sa kanuya. He deeply inhaled her scent. It was so familiar. She keeps him warm.

"Medyo kararating ko lang din," sagot niya rito at bumitaw na sa pagkakayakap. He noticed that people were staring at him again. They are openly staring at his face. Hinarap niya ang mga ito sa inis at tinignan ang mga ito nang masama. Nag-iwas ang mga ito ng tingin. Nakita niyang nagbulungan ang mga ito.

"For goodness sake, ano ba'ng mga problema niyo? Sure, may malaki akong peklat sa mukha, but my face is none of your business! Get a life!" singhal niya sa mga ito.

Hinawakan ni Aubrey ang braso niya. "Shawn, don't," sabi nito.

Tumingin siya rito at huminga nang malalim. Buti na lang ay kasama niya ito. Kung hindi, baka napaaway na siya. "I'm sorry. I don't mean to ruin our date. Naiinis lang talaga 'ko kapag tinitignan nila ang mukha ko, tapos magbubulungan sila," sabi niya rito.

Hinawakan nito ang kamay niya. "There's nothing wrong with your face. I love you," sabi nito. Unti-unti ay kumakalma na ang pakiramdam niya.

Hinalikan niya ang noo nito. "Thankyou, Aubrey. I love you more," sabi nya rito.

Hinaplos nito ang pisngi niya. "I know."



-----


"Did you enjoy our date?" nakangiting tanong niya rito. Nasa biyahe na sila pauwi. Nakangiti na tumingin ito sa kaniya mula sa passenger seat.

"Ofcourse. You know how much I love art," nakangiting sagot nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Tahimik lang sila habang nasa biyahe. Thirty minutes later ay nasa tapat na sila ng bahay nila Aubrey.

"Hindi na 'ko papasok. Ikamusta mo na lang ako kayla Tito at Tita," pagbasag niya sa katahimikan.

"Okay. Take care. Drive safely," bilin nito sa kaniya. Hinalikan niya ito nang mabilis bago siya lumabas ng kotse niya para pagbuksan ito ng pinto.

"Goodnight. I love you," sabi niya rito nang buksan niya ang gate ng bahay ng mga ito at pumasok na ito sa loob.

"Goodnight, Shawn. I love you. Mag-ingat ka," sabi nito. He kissed her one last time bago isinara ang gate ng mga ito. He waved her goodbye. Nakita nuyang bumukas ang pinto at lumabas ang Dad ni Aubrey.

Kinawayan niya ito. "Goodevening Tito! Hinatid ko lang po si Aubrey," sabi niya rito.

"Gusto mo bang pumasok muna sa loob, Shawn?" tanong nito.

Nakangiting umiling siya. "Hindi na po, Tito. It's late na rin po. Sige po, mauna na 'ko," sagot niya rito.

"Take care, Shawn. You can visit us anytime. Let's have a drink some other time," sabi nito.

"Sure, Tito. Salamat po!" sagot niya.

"Anytime, Shawn. You're like a son to me," nakangiting sabi nito.



-----



"Anong oras na, Kuya ah. Bakit ngayon ka lang?" nakasimagot na sabi ng bunso niyang kapatid na si Sean. Sean is sixteen years old. Dalawa lang silang magkapatid.

"Lumabas kami ni Ate Aubrey mo," sagot niya rito.

"Si Ate Aubrey na naman. Nakalimutan mo 'yong promise mo sa'kin na lalabas tayo ngayon," nakasimangot na sabi nito. Nagi-guilty na napatingin siya rito. Nakalimutan nga niya.

"Sorry, Sean. Babawi na lang ako sa'yo. promise," sabi niya rito.

"Palagi mo namang sinasabi sa'kin 'yan," malungkot na sabi nito. Huminga siya nang malalim at ginulo ang buhok nito. Naiinis na itinulak siya nito.

"I'm really sorry, kiddo. Babawi si Kuya sa'yo," sabi niya rito.

"Huwag kang mangako, Kuya. Nakaka-disappoint lang. Si Ate Aubrey na lang naman kasi palagi ang nasa isip mo. Nakakalimutan mo yatang nandito rin kami. Ang pamilya mo at mga kaibigan mo," sabi nito at iniwan siya. Napabuntong-hininga siya at pumunta na sa kwarto niya. Pagpasok sa kwarto niya ay humiga agad siya sa kama niya. Inaamin niya, may pagkakamali rin siya. But can you blame him? Natakot siya. After the accident ay mas naging clingy siya kay Aubrey.

Huminga siya nang malalim. Naaalala niya ang malungkot na mukha ng kapatid niya. He loves Sean. He will always be his baby brother. His best buddy. But he needs Aubrey in his life too. Lalo na ngayon sa sitwasyon niya. Aubrey lifts up his spirit. They need to undertand that. If mahal talaga siya ng pamilya at mga kaibigan niya, maiintindihan ng mga ito na kailangan niya sa buhay niya si Aubrey. Dahil napapawi ang sakit na dulot ng tingin ng mga mapanghusga na tao sa kaniya tuwing nakikita niya ang mapagmahal na tingin nito sa kaniya. That's how powerful she is to him. Imagine a world without any color. That's a world without Aubrey. Atleast for him.



-----

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon