3. Love is beautiful

441 142 17
                                    


"Good morning!" masiglang bati niya sa pamilya niya. Umupo siya sa tabi ng kapatid niya at ginulo ang buhok nito. Nakasimangot na tinapik nito ang kamay niya.

"Kuya, 'yong buhok ko nagugulo," reklamo nito. Natawa siya sa inakto nito. Naalala niya kasi na ganoon din siya noong highschool siya.

"Ang arte mo naman," asar niya rito. Kumuha siya ng plato niya at nagsalin na doon ng pagkain.

"Binata na 'yang kapatid mo. 'Wag mo na masyadong alaskahin," sabi sa kaniya ng mama niya. Namatay na ang papa niya. Nagkaroon kasi ito ng sakit na cancer noong sampung-taong gulang pa lamang siya.

Labing-tatlong taon na siya noong tuluyan na itong ginapi ng sakit nito. Nahirapan ang mama niya noong una dahil dalawang-taon pa lang noon ang kapatid niya. Pero kinaya naman nito ang pagpapalaki sa kanilang dalawa.

Naalala niya noong naikuwento niya kay Aubrey kung paano namatay ang papa niya. Natulala ito sa sinabi niya at tila nag-isip nang malalim. Mukha rin itong may gustong sabihin sa kaniya pero hindi na ito nagsalita pa. Niyakap na lang siya nito nang mahigpit. Naramdaman niyang nabasa ang damit niya noon. Umiyak ito. Gusto niya sanang itanong dito noon kung bakit ito umiiyak, pero naalala niyang malambot lang talaga ang puso nito. Na iyakin si Aubrey. Naalala rin niya noong araw na 'yon na kinausap ni Aubrey ang mama niya. Hanggang ngayon ay wala siyang ideya sa pinag-usapan ng mga ito. Ang alam niya lang ay parehas umiyak ang mga ito pagkatapos mag-usap.

"Bakit parang ang saya mo ngayon, Kuya?" tanong sa kaniya ng kapatid niya. Napangiti siya. Naalala niya ang date nila ni Aubrey sa Art Gallery.

"Ang saya kasi ng date namin kahapon ni Ate Aubrey mo," nakangiting sagot niya. Nakita niyang yumuko ang kapatid niya. Bigla niya tuloy naalala na hindi niya ito sinipot sa usapan nila.

"Gusto mo rin bang pumunta doon? Maganda ang Art Gallery na 'yon," sabi nya rito. Nanatili na lang itong tahimik.

Napabuntong-hininga siya. "Sean, I'm sorry okay. Kung gusto mo mag-bonding tayo mamaya pag-uwi ko," sabi niya ulit dito.

Nag-angat na ito ng tingin sa kaniya. "Talaga?" tanong nito.

"Promise," sabi niya rito. Tipid na ngumiti na ito sa kaniya at tahimik na lang ulit na kumain.



-----



"Shawn, gusto mong sumama? Gigimik kami," pagyaya sa kaniya ng ka-trabaho niyang si Jack.

"Naku, pass ako diyan. May lakad kami ng kapatid ko," sagot niya rito. At isa pa, ayaw niyang magalit sa kaniya si Aubrey. Ayaw ni Aubrey na balikan niya ang bisyo niya noon. Naaalala pa niya ang lecture sa kaniya ni Aubrey noon. Kung paanong kailangan niyang pahalagahan ang buhay. Kung paanong dapat ma-appreciate niya ang mga araw na humihinga siya. Dahil hindi raw lahat ng tao ay kasing-suwerte niya. Ang iba raw ay gagawin lahat madagdagan lang ng isang-araw ang buhay nila, samantalang siya ay sinasayang niya ang buhay niya sa mga bisyo niya.

"Ganoon ba? Sige. Basta next time sama ka na sa'min ha," sabi nito. Tinanguan niya na lang ito. Hindi naman din kasi mangyayari ang next time na sinasabi nito.



-----



"Kuya!" nakangiting salubong sa kaniya ng kapatid niya. Napansin niyang nakabihis na rin ito.

"Hindi ka naman excited, Sean?" natatawang sabi niya rito.

Napakamot ito sa ulo. "Gusto ko lang kasi na pag-uwi mo, ready na 'ko," sagot nito. Ginulo niya na lang ang buhok nito.

Naiinis na tinapik nito ang kamay niya palayo. "Sabi ng 'wag mong guluhin ang buhok ko eh!" reklamo nito.

Natawa siya. "Oo na. Sorry na. Nasaan si Mama?" tanong niya rito.

"Nasa work pa rin," sagot nito.

Tumango na lang siya sa sinabi nito. "Magbibihis lang ako tapos aalis na tayo," sabi niya rito at pumunta na sa kwarto niya. Pag pasok niya ay picture agad nila ni Aubrey ang nakita niya. Napangiti siya at tinignan ang litrato nila. Aubrey is beautiful. No doubt about that. But her warm loving heart made her the most beautiful girl in his eyes. Everytime na nakikita niya itong ngumingiti ay nahuhulog siya ng paulit-ulit. Posible pala 'yon. Na mahulog ang loob mo sa isang tao araw-araw.

Kumuha siya ng damit sa cabinet niya. Ang regalo sa kaniya ni Aubrey na black shirt ang napili niya. Aubrey designed the shirt personally. That's why favorite niya ang damit na iyon.



-----



"Thank you, Kuya," sabi ng kapatid niya. Hawak nito ang bagong lego na binili niya para rito.

Napangiti siya rito. "Anytime. Next time ibibili na lang ulit kita ng lego," sabi niya rito. Mahilig mag-collect ng lego ang kapatid niya. Puno nga ng lego ang kuwarto nito.

"No. Thank you for this, Kuya. For your time," sabi nito. Tinignan niya ang kapatid niya. Binata na talaga ito. Konti na lang ay magiging kasing-tangkad niya na ito. Parang kailan lang ay binubuhat-buhat pa niya ito. Ngayon niya naisip na talagang hinahanap ng kapatid niya ang atensyon niya. At naiintindihan niya 'yon. Lalo na't lumaki ito ng walang ama.

"We can do this again. Minsan kung gusto mo, isasama kita sa lakad namin ni Ate Aubrey mo," sabi niya rito.

Sandaling namayani ang katahimikan.

"She made that shirt for you, right? Naaalala ko pa noong ibinigay niya 'yan sa'yo. Ayaw mo ngang hubarin 'yan noong isinuot mo," sabi nito.

Napangiti sya. "Yeah. I love this shirt a lot," sagot niya rito.

Tumingin ito sa kaniya nang diretso. "Kapag niregaluhan kita ng damit, hindi mo na ba isusuot 'yan?" tanong nito.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "You don't have to be jealous with your Ate Aubrey," Sabi niya rito.

Nag-iwas ito ng tingin. "Ang hirap kasing makipag-compete sa kaniya, Kuya," sagot nito.

"Don't compete with her. Mahal ko kayong pareho sa magkaibang paraan," sabi niya rito.

"Para kasing siya na lang ang mahal mo. Siya na lang palagi ang bukambibig mo," sabi nito sa kaniya.

"You're going to fall inlove one day, Sean. At maiintindihan mo rin ako. Your Ate Aubrey is my everything. She's the most beautiful thing that has happened to me. I don't expect you to understand. But I need you to respect my decision, Sean," seryosong sabi niya rito.

"Why, Kuya? Why do you love her so much?" tanong nito.

"I don't know. Ang alam ko lang, wala 'kong planong tumigil sa pagmamahal sa kaniya," sagot niya rito.

Malungkot na nakatingin ito sa kaniya. "We love you, Kuya. I love you. There's more to life than her," sabi nito sa kaniya.

"She's my life. Whether you like it or not."



-----



Nagmamadaling bumaba si Sean sa kotse at pumasok agad sa bahay nila. Hindi niya ito maintindihan. Close naman ito kay Aubrey. Nasa sala ang mama niya pagpasok niya. Humalik agad siya rito.

"Ano'ng nangyari sa lakad niyo?" tanong nito sa kaniya.

Umupo siya sa tabi nito. "Sean is just being the annoying little brother," sagot niya rito.

"You have to understand your brother, Shawn," sabi nito sa kaniya.

"He's being a brat, Ma," sabi niya rito.

"Nami-miss ka na kasi niya," simpleng sagot nito.

"How come? We live in the same roof," katuwiran niya rito.

"Pero 'yong puso at isip mo ay palaging wala rito. Nami-miss ka na ng kapatid mo nang sobra," sabi nito.

"Sinusubukan ko, Ma. Pero may ibang bagay din akong dapat gawin," sagot niya rito.

"Just come back to us, Shawn. Nami-miss ka na namin."



-----

Aubrey (completed)Where stories live. Discover now