10. Love is a nightmare

287 129 13
                                    


"Aubrey? San ka pupunta?" Nagtatakang tanong nya rito. Humarap ito sa kanya. Her eyes are full of sorrow. Ilang beses nya itong sinubukang lapitan pero hindi nya magawa. Kahit anong gawin nya ay hindi nya mailapit ang distansya.

"I'm leaving, Shawn." Simpleng sagot nito. Kinabahan sya bigla.

"Leaving? San ka ba pupunta?" Tanong nya rito.

"Somewhere where you can't find me." Sagot nito sa kanya. Sinubukan nya ulit lumapit dito, pero wala pa ring silbi.

"Isama mo ko. Please. Wag kang umalis." Nagmamaka-awang sabi nya rito.

"Hindi pwede, Shawn. Live your life. Be happy without me. You have to let me go someday, Shawn." Malungkot na sabi nito.

"No! Isama mo ko! Ano ba tong mga kalokohan na sinasabi mo? Kung may problema ka sabihin mo naman sakin! Natatakot ako, Aubrey." Naiiyak na sabi nya rito. Nakita nya ang malungkot nitong mukha.

"I'm sorry, Shawn. I'm so sorry. I love you." Sabi nito at unti-unti na itong nawawala. Pinipilit nyang abutin ito pero hindi nya talaga magawa.

"Aubrey, no!" Sigaw nya rito.

"Let go, Shawn. Darating ang araw na kakailanganin mo na kong bitawan." Tila bulong na sabi nito.

"Aubrey, please. Stay with me. Wag mo kong iiwan. Isama mo na ko." Sabi nya rito. Palayo ng palayo na ito sa kanya. Naiiyak na pinapanuod na lang nya ito. Bago ito tuluyang mawala ay narinig nya ang sinabi nito.

"I believe in you, Shawn. You know I do." Sabi nito at bigla na lang itong naglaho na parang bula.

"Aubrey!" Sigaw nya.

Nagising sya ng may maramdamang malakas na sampal sa mukha nya. Naramdaman nya ang bigat sa dibdib nya. Naramdaman rin nyang basa ang pisngi nya. Binabangungot na naman pala sya.

"Aubrey." Tanging nabanggit nya. Nakita nya ang nag-aalalang mukha ni Sean.

"You're having a nightmare again, Kuya." Sabi nito sa kanya. Ilang araw ng sunud-sunod na napapanaginipan nya iyon. Na iiwan sya ni, Aubrey. Simula kasi nung narinig nyang nag-uusap ang parents nito ay nababalisa na sya. Kaya siguro hanggang panaginip ay hinahabol sya ng takot nya.

"Okay na ko, Sean. Bumalik ka na sa kwarto mo." Sabi nya rito.

"Do you want me to stay here with you, Kuya?" Nag-aalalang tanong nito. Mabilis syang umiling rito.

"No, Sean. Thankyou, but I'm fine. Matulog ka na ulit." Sabi nya rito. Pinakatitigan muna sya nito bago dumiretso sa pinto.

"No matter what happen, Nandito lang kami for you, Kuya. Wag kang magpatalo sa mga nararamdaman mo." Sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto nya. He exhaled loudly.

Hindi nya na alam kung anong gagawin nya. Ayaw rin naman kasing magsabi ni Aubrey sa kanya. Kung alam lang sana nya ang dapat gawin. Kung alam lang sana nya.



-----




"Shawn, ayos ka lang?" Tanong sa kanya ng ka-trabaho nya. Nilingon nya ito.

"Yeah, hindi lang ako nakatulog ng maayos." Sagot nya rito.

"Mukha nga. May lakad kami mamaya. Gusto mong sumama? Pampatanggal ng stress lang. Mukhang stress na stress ka na sa buhay mo, pre." Sabi nito sa kanya. Napabuntong-hininga sya bago sumagot dito.

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon