17. Love is fantasy

327 121 9
                                    


Bata pa lang sya ay mahilig na sya sa SciFi movies. Bata pa lang sya, malawak na ang imahinasyon nya. Sa imagination nya, sya lagi ang bida. Sya lagi ang panalo. Sya ang pinaka magaling. Sya ang pinaka malakas. Sya rin ang pinaka matalino.

Inside his head, he can be everything that he wanted to be. In his head, he could be the richest man alive. In his head, he could be every girl's dream guy. In his head, he could always get the girl.

Inside his head he created another life. Inside his head, he's a different person. Inside his head, he's almost perfect. But it's only inside his head. The life that he imagined and created are far from reality.

He's been living in a fantasy since he was a child. Since he tried to block the pain of losing his father. Since seeing his family slowly falling apart. Since knowing his mom was in deep depression.

He created everything in his mind perfectly. He's living in a perfect lie. He's been living in his own made fantasy.

What are the consequences?

You will be slapped with reality. You will be forced to leave that perfect fantasy. Because no matter how perfect it was, it was not real.

Truth hurts. Reality sucks. That's life. They said it's a bitch.

Well, he believed them now. Life is a total bitch.

Gumuho na ang mga pantasya nya. Nasira na ang mga magagandang pangarap nya. Nagising na sya sa katotohanan. Na hindi totoo lahat ng nasa isip nya.

Sa kabila non, mas gusto nya pa ring mabuhay sa ilusyon nya. Mas maganda ang mga bagay sa loob ng isip nya. At hindi nya na alam kung kakayanin pa nya ang mga nangyayari sa labas ng utak nya. He can live inside his head for the rest of his life. He can just pretend that his fantasy is real. And that reality is never that far from his fantasy.



-----



"What?" Naguguluhang tanong nya kay Sean. Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Tinignan nya ang parents ni Aubrey. Umiiyak ang mga ito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong nya ulit dito. Nilapitan sya ng Mama nya pero lumayo sya dito. How can they do that to him? Pano nakakaya ng mga ito na gawin iyon sa kanya?

"She's gone, Kuya! Matagal na syang wala." Mahinang sabi ni Sean. Ano bang tingin ng mga ito sa kanya? Tanga?

"Shut up, Sean! I know you're lying! Imposible ang sinasabi mo!" Galit na sabi nya rito. Nanahimik ito. Umiiyak lang ang mga ito pero wala ng nagsalita. Mapaklang natawa sya.

"Hindi totoo ang sinasabi nyo." Natatawa pero umiiyak na sabi nya sa mga ito. Hinawakan ng Dad ni Aubrey ang balikat nya.

"Shawn, stop this. We can't go on like this. Nahihirapan na din kami." Puno ng simpatya na sabi nito. Tinapik nya ang kamay nito at lumayo rito. Sinamaan nya ito ng tingin.

"Ayoko na ring mahirapan pa ko. Ayoko na ring mahirapan pa kayo. Kaya wag nyo ng subukang ilayo sakin si, Aubrey. Wag nyo ng subukang itago sya sakin." Sabi nya rito. Napahilamos sa sarili nitong kamay ang Dad ni Aubrey.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa sitwasyon, Shawn? Gano ba kahirap intindihin na wala na si Aubrey? Wala na sya! Kailangan mo ng tanggapin yon! You can't go on like this, Shawn! Hindi rin magiging masaya si Aubrey na nagkakaganito ka." Madiin na sabi ng Dad nito. Napalunok sya. Huminga sya ng malalim dahil pakiramdam nya ay hindi na sya makahinga. He clenched and unclenched his hands.

"No! Hindi. No! Nagsisinungaling ka! Nagsisinungaling kayo! Hindi yan totoo!" He felt like panicking.

"Kuya, please. Itigil mo na to. Umuwi na tayo." Pagmamaka-awa ng kapatid nya sa kanya.

"No! I need to see, Aubrey. I need to see her. Kailangan ko syang makausap. Kailangan nyang malaman na nandito lang ako. Na hindi ako mawawala." Naiiyak na sabi nya. He can't lose her. He can't. Imposibleng wala na si Aubrey. Parang hindi iyon tama. May mali. There's something wrong with the situation. May hindi tama.

"Please, anak. Tama na. Umuwi na tayo." Umiiyak na sabi ng Mama nya. Hinarap nya ito.

"You fought for Papa until the end, Ma. You stayed with him until his very last breath. You stayed on his side until his last day. So don't ask me to leave Aubrey behind. Don't ask me to leave." Sabi nya rito.

"For god sake, Kuya. Wala na nga sya! Ano pa bang gusto mong sabihin namin sayo para maintindihan mo! Itigil mo na tong kahibangan mo! Wake up! Ate Aubrey is gone! Matagal na syang wala! At buhay ka pa! You're still here! Ano pa bang gusto mo? Masakit na makita kang nagkakaganito, Kuya!" Sigaw ni Sean sa kanya. Nanghihina na natumba sya. Tulalang nakaupo lang sya sa gilid ng kalsada. Naririnig nya ang pag-iyak ng mga ito. Naririnig nya ang pagtawag ng mga ito sa pangalan nya.

He can't breathe. He can't think properly. He felt suffocated. Pakiramdam nya ay lumiliit ang space. Pakiramdam nya ay sinasakal sya. He needs Aubrey. He needs to see her. He needs to hear her voice. He needs to feel her gentle touch. He needs all of her.

Nanghihina man ay tumayo sya. Kahit nagdo-doble ang paningin nya ay pinilit nyang maglakad.

"Shawn? Where are you going?" Tanong sa kanya ng Dad ni Aubrey. Hindi nya ito sinagot. Nagdire-diretso sya sa pagpasok sa loob ng bahay ng mga ito. Aubrey is in her room. Siguradong natutulog lang ito o di kaya naman ay nagpapahinga. Or maybe she's just inside there. Doing nothing. But she needs to be there. She have to.

"Shawn, please." Pag-awat sa kanya ng Dad ni Aubrey. Nagpatuloy lang sya. Malapit na sya sa kwarto ng magbukas ang guest room. Kumunot ang noo ni Mike ng makita sila.

"What's happening?" Tanong nito sa kanila.

"Aubrey's sick, right? She's just sick. Kaya ka nga nandito di ba? Para alagaan sya. Di ba, Mike? Tell them she's just sick and that she's going to get better. Tell them Mike! Tell them!" Umiiyak na sabi nya rito. Hinawakan pa nya ang balikat nito para iyugyog. Natahimik ito.

"I'm sorry, Shawn. I'm here because I need a place to stay." Simpleng sagot nito. Nakagat nya ang ibabang bahagi ng labi nya at napatingin sa pintuan ng kwarto ni Aubrey.

"You're lying to me. All of you are lying to me!" Sigaw nya sa mga ito. Wala ng nagsalita sa mga ito. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha nya.

"She's just inside her room! You'll see! Hindi rin sya matutuwa na nagsisinungaling kayo sakin!" He told them at dumiretso sa kwarto ni Aubrey.

He was met with silence. Tinignan nya ang kama. It was made perfectly. Maayos na nakalagay sa pwesto ang mga gamit. Everything look untouched. The room felt cold and lonely. Sinilip nya ang C.R pero wala ng kahit anong gamit doon. Tinignan nya ang closet pero nakatupi lang ng maayos ang mga gamit nito. Tinignan nya ang bintana. It wasn't lock. Habang ginagawa nya lahat ng yon ay pinapanuod lang sya ng mga ito. Napatingin sya sa study table nito.

Nag-uunahan sa pagbagsak ang luha nya. Dahan-dahan syang lumapit doon. It was a picture of him and Aubrey. They were both smiling. They looked so happy and inlove.

Hindi nya na napigilan ang paghagulgol nya. He can't stop himself from shaking. Umiiyak na niyakap nya ang picture nila.

At parang slide show na bumalik lahat ng nangyari sa isip nya.

"Aubrey." He called her name before everything went black.




-----

Aubrey (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang