15. Love is forever

307 120 11
                                    


Palagi nyang naririnig sa mga tao noon na highschool relationships doesn't last. Minsan nga may nakapagsabi na sa kanya na masyado na syang seryoso sa relasyon nya kay Aubrey. Bakit papasok ang isang tao sa relasyon kung hindi naman pala seryoso in the first place? Hindi biro ang ganung bagay. Hindi na dapat pasukin kung laro lang naman pala ang tingin dun.

But for him, the moment he saw Aubrey smiled, he knew that he found the one. Alam nya agad sa sarili nya na nakita nya na ang babaeng ipapakilala nya sa pamilya nya. Ang babaeng ipagmamayabang nya sa mga kaibigan nya. Ang babaeng ipaparada nya sa mga kamag-anak nya. Ang babaeng ihaharap nya sa Diyos. He just knew. Alam nyang si Aubrey na yon.

Alam nyang si Aubrey na ang makakasama nya habang-buhay. Si Aubrey na ang magiging ina ng mga anak nya. si Aubrey na ang makakasama nya sa pagtanda. Si Aubrey na. Sya na yon.

Wala na syang makitang ibang babae na hihigit pa kay Aubrey. Masyado ng mataas ang standards na inilagay ni Aubrey.

Yeah sure. Aubrey's not perfect, but she's definitely perfect for him.

From head to toe. He's head over heels inlove with her.

Hindi nya maisip kung bakit kailangang patagalin pa ang lahat. Matagal na silang nasa tamang edad. He can provide for her needs. He can even give her what she wants. Wala ng rason para maghintay pa.

Kaya hindi na sya nagdalawang-isip pa na bilhin na ang singsing na kanina pa nya tinitignan. Siguradong-sigurado sya na magugustuhan ni Aubrey iyon. Simple lamang ang disenyo noon. Aubrey likes simple things.

Napangiti sya. He can't wait to be with her forever.




-----




Iniisip nyang puntahan na ang parents ni Aubrey at kausapin. Gusto nya ng hingin ang kamay ni Aubrey sa mga magulang nito. Kaya lang ay naisip nyang kausapin na muna ang pamilya nya. He needs to ask for their permission first. Gusto nyang kasama nya ang mga ito pag hiningi nya na ang kamay ni Aubrey.

Naisip nya bigla si Aubrey. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng isugod nya ito sa ospital, at hanggang ngayon ay wala pa syang balitang nasasagap. Itine-text nya ito pero wala syang reply na nare-receive.

One time tumawag sya sa bahay ng mga ito. Ang Mom ni Aubrey ang nakasagot, he asked her how Aubrey was, umiyak lang ito at nag-sorry sa kanya. Hindi sya nakatulog non. He even went to their house. But Aubrey's Dad asked him to stay away from them for a while. Mukha itong pagod na pagod. He looked so stress kaya pumayag sya sa hiling nito.

It was so painfully obvious that Aubrey has been avoiding him. She's been hiding something, and up until now, wala syang alam. He knows it's bad.

He missed her so much. Hindi nya kayang hindi pa nya makita ito. He's going to sneak up on her room.




-----




Dahan-dahan at naging maingat ang bawat pagkilos nya. He just hope na sana iniwang hindi naka-lock ni Aubrey ang sliding window nya. Maingat nyang inakyat ang kwarto nito mula sa labas ng bahay. Napangiti sya ng makitang hindi nga naka-lock ang bintana ni Aubrey.

His eyes zeroed in on her. Tahimik syang lumapit dito. Payapang natutulog lang ito. Huminga sya ng malalim.

"I miss you." Bulong nya rito. Mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Pinag-alala mo ko. Bakit mo ba ko iniiwasan?" Pagkausap nya rito. She remained still. Hindi man lang ito nagigising. Umupo sya sa sahig sa gilid ng kama nito at sumandal doon.

Aubrey (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя