5. Love is a promise

355 139 13
                                    


Hinihintay nya na lang sa labas si Aubrey. Napangiti sya ng makita ito. Agad syang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you." Sabi nya rito. Yumakap din ito sa kanya.

"I miss you too." Sabi nito. Kumalas sya sa pagkakayakap dito at inakay ito sa kotse nya. Paalis na sila ng makitang lumabas ang Mom ni Aubrey. Kinawayan nya ito.

"Ayaw mo bang pumasok muna, Shawn?" Sigaw nito sa kanya.

"Mamaya na lang po, Tita. Ihahatid ko naman si Aubrey. Bye po." Sabi nya rito at kumaway dito.

"Bye. Drive safely." Narinig nyang sabi nito. Habang nasa biyahe ay kinuha nya ang isang kamay ni Aubrey at hinalikan iyon.

"Your parents worried too much." Nakangiting sabi nya rito.

"Alam mong kahit ako mag-aalala sayo."



-----




Naka-akbay sya kay Aubrey ng pumasok sya sa bahay nila. Dumiretso agad sya sa kusina. Sinalubong sya ng mabangong amoy ng pagkain. Nag-request kasi sya sa Mom nya na magluto ng masasarap na pagkain. Bago pa nya malapitan ang Mama nya ay nilapitan na sya ng kapatid nya.

"What's the occasion, Kuya?" Nakangiting tanong nito. Hinapit nya si Aubrey palapit sa kanya. Napatingin ito sa kanila.

"I just want us to enjoy each other's company. Don't you miss your Ate Aubrey?" Sabi nya rito.

"Yeah. I miss her. Pero hindi mo kailangang pagurin ng ganto si Mama para lang sa kanya." Matabang na sabi nito. Binitawan nya si Aubrey.

"Pwede bang sa sala ka muna? Mag-uusap lang kami ni Sean." Sabi nya rito.

"Shawn, don't say something you'll regret later." Bilin nito at iniwan sila. Galit na hinarap nya ang kapatid na nakatingin na rin sa kanya.

"What the hell is your problem, Sean? Bakit ganyan ka kay Aubrey? Nakalimutan mo na ba yung mga bagay na ginawa nya para sayo non? Inalagaan ka rin nya nung bata ka pa, Sean. Stop disrespecting her." Galit na sabi nya rito.

"Naaalala ko lahat ng ginawa nya para sakin, Kuya. I'm not mad at her. I'm mad at you!" Galit rin na sabi nito. Naihilamos nya ang kamay nya sa mukha nya.

"I get it, okay. Pero wag mong idamay si Aubrey sa inis mo!" Inis na sabi nya rito.

"Yeah? Why not? Sya na lang palagi ang bukambibig mo, Kuya. Aubrey this, Aubrey that. Aubrey likes this, Aubrey likes that. Masyado mo syang mahal! That's the problem, Kuya!" Sagot nito.

"Wala kang alam, Sean. You don't know how Aubrey helped me! Stop being a brat!" Sabi nya rito.

"You might get hurt for loving too much! Nakakalimutan mo na nga kami!" Sabi nito sa kanya.

"Wag mo kong sagarin, Sean." Warning nya dito.

"I'm doing this for you. What you're doing is not healty, Kuya. I like, Ate Aubrey. But the world doesn't revolve around her!" Sagot nito.

"Ofcourse. Because she's my world." Seryosong sabi nya rito. Napatitig ito sa kanya.

"Mahal ko ang Ate Aubrey mo. I'm not going to let her go anytime soon." Pahabol nya pa rito. Napailing ito sa kanya.

"I'm sorry, Kuya. I'm sorry."



-----




"Shawn will you slow down?!" Pangaral nito sa kanya. Binagalan nya ang pagma-maneho nya. Nagmamadali nya kasing hinila si Aubrey paalis sa bahay nila. She doesn't deserve to be treated like that. Itinigil sya sa isang-tabi ng hindi nya na mapigilan ang inis.

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon