7. Love is a battlefield

299 138 12
                                    


It's been a week since nung aksidente nyang narinig ang usapan ng parents ni Aubrey. Magsisinungaling sya kung sasabihin nyang hindi sya naba-bother sa issue na yon. Because he was really worried. Aubrey's acting weird the past few days. Tuwing tinatanong naman nya ito ay sinasabi nitong walang problema. Alam nyang nagsisinungaling si Aubrey. Alam nyang may hindi ito sinasabi sa kanya. Nag-aalala na sya. Natatakot sya.

Buong buhay nya, bilang lang kung ilang beses syang natakot. At kahit pagsama-samahin pa lahat ng kinatakutan nya noon, walang-wala yun kumpara sa takot na nararamdaman nya ngayon. Hindi nya alam ang nangyayari. Wala syang kahit na anong ideya. One thing is for sure though. He's scared of not knowing anything. He's scared to lose Aubrey.

It might be stupid worrying too much. Mamaya nyan wala naman pala talagang problema. But the way her parents talk, he knows something's up.

Malalaman ko din. Sabi ni Aubrey ay malalaman ko din.




------




"Wait lang Aubrey ha. C.R lang ako." Pagpapaalam nya rito. They are on their date. Nasa isang fastfood sila.

"Ok. Hintayin na lang kita." Nakangiting sabi nito. Nagmamadali syang umalis don para mabalikan din ito agad.

Medyo natagalan sya sa C.R dahil medyo mahaba ang pila. Sino bang nagsabi na sa C.R lang ng girls ang may mahabang pila?

Kumunot ang noo nya ng makitang may mga lalaking nakaupo malapit kay Aubrey. Napansin rin nyang tulala lang ito. Nagmamadali syang lumapit sa mga ito.

"This is our table." Sabi nya sa lalaki.

"Makiki-share lang, bro. I think okay lang naman sa kasama mo?" Sabi nito.

"Find your own table. Nagde-date kami ng girlfriend ko." Inis na sabi nya rito. Hinawakan ni Aubrey ang kamay nya.

"Okay lang, Shawn. Okay lang." Kalmadong sabi nito. Umiling sya rito.

"No, Aubrey. Kapag nakita nilang may nakaupo, dapat alam na nilang kailangan nilang maghanap ng table nila." Sabi nya rito. Napansin nyang nakatitig na sa mukha nya yung lalaki.

"The hell happened to you, dude?" Tanong nito na nakatingin na sa peklat nya. Susuntukin nya na sana ito ng awatin sya ni Aubrey.

"Shawn wag! Please. Wag mong ipahamak ang sarili mo." Nag-aalalang sabi nito.

"They are being rude, Aubrey." Sabi nya rito. She touched his cheeks. Awtomatikong napapikit sya sa hawak nito.

"Hayaan mo sila. Hindi nila alam kung anong pinagdadaanan mo." Mahinang sabi nito. Lumapit sya dito at hinalikan ito sa noo. Hinarap nya ang mga lalaki.

"Did you bother my girl bago ako makabalik dito?" Matalim na sabi nya rito. Kumunot ang noo nito.

"Why would we bother her?" Balik-tanong nito.

"Siguraduhin nyo lang. Dahil pag nalaman kong ginulo nyo sya...." Sabay akbay kay Aubrey.

"... Malilintikan kayo sakin." Pagtatapos nya. Nagtinginan ang tatlong lalaki at nagtawanan.

"Kami? Malilintikan sayo? Mag-isip ka. Nananahimik kami. Nakikiupo lang kami. Atsaka ano bang meron dyan sa girlfriend mo?" Sagot nito. Naramdaman nya ang kamay ni Aubrey sa balikat nya.

"Maganda kasi yung girlfriend nya pre. Tignan mo. Todo akbay nga sya oh." Sabad pa nung isa. Nagtawanan ang mga ito. Susugurin nya na ito pero inawat ulit sya ni Aubrey.

Aubrey (completed)Where stories live. Discover now