9. Love is freedom

317 129 17
                                    


Naranasan mo na ba yung pakiramdam na para kang nakakulong? Sya, Oo. Nakakulong sa mga masasakit na alaala noon ng Papa. Alaala ng pagkamatay nito. Alaala ng pangungulila ng Mama nya. Alaala ng bata nyang kapatid na hindi na lalaki ng kasama ang Papa nila. Alaala nya nung mga panahong pinipilit nyang buuin muli ang pamilya nya. So you see, bilanggo sya. Lahat ng tao ay dumating sa point na pakiramdam nila ay nakagapos sila. Na wala na silang takas. Wala ng kawala.

Then Aubrey came into his life nung mga panahong wasak na wasak sya. Nung litong-lito pa sya. Nung nakakulong pa sya sa mga masasakit na alaala na pilit nyang tinatakasan. Minahal sya nito ng buo sa kabila ng mga kakulangan nya. Tinanggap nito ang mga kapintasan nya. Hinila sya nito sa bilanggun na iyon. Pinalaya sya ng pagmamahal ni Aubrey.

Hindi na mahalaga sa kanya kung hindi maintindihan ng ibang tao kung bakit ganun sya kay Aubrey. Kung bakit ganun nya ito kamahal. Wala silang alam. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan nila. Hindi nila alam kung gano binago ni Aubrey ang buhay nya. Wala silang ideya na si Aubrey ang nagbalik ng kalayaan nya. She freed him from pain and suffering.

Nung malapit nya ng sirain ang buhay nya noon, si Aubrey lang ang hindi sumuko sa kanya. Si Aubrey lang ang hindi napagod. Si Aubrey lang ang nanatili sa tabi nya. Si Aubrey lang ang nagmahal sa kanya sa kabila ng kapalpakan nya. Si Aubrey lang. Dahil pati ang Mama nya noon ay sinukuan na sya. Pinabayaan na sya nito. Si Aubrey ang humila sa kanya palabas sa bangungot na kinasasadlakan nya noon.

Aubrey is his freedom.

Hindi na mahalaga sa kanya kung ano ang iniisip ng iba.



-----



"Anong meron, Shawn?" Tanong sa kanya ni Aubrey. Nasa isang secluded area sila ng isang mamahaling restaurant sa taguig.

"Gusto ko lang mag-celebrate kasama ka." Nakangiting sagot nya rito.

"Bakit? Anong occasion?" Nagtatakang tanong nito. She's so cute when she's confused.

"Wala naman. I just want to celebrate my freedom." Sabi nya rito. Nakita nya ang pagtataka sa mukha nito.

"Your freedom?" Takang tanong nito. Kinuha nya ang mga kamay nito at parehas na hinalikan iyon.

"Yes, Aubrey. My freedom. Ito ang petsa nung unang beses na nakita kita. Ito ang petsa nung araw na biglang gusto ko ng makawala sa pagiging miserable ko. Your smile that day sets me free, Aubrey. Thankyou for the freedom, baby. I love you." Sincere na sabi nya rito. Nakita nya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

"Oh Shawn." Bigkas nito sa pangalan nya at nagmamadaling umikot sa table na nakaharang sa pagitan nila para yakapin sya ng mahigpit. Ginantihan nya ang mahigpit na yakap nito.

"You're my freedom, Aubrey. I love you so much." Bulong nya rito at mabilis itong hinalikan.

"I love you, Shawn. I hope someday ay matutunan mo ring palayain ang sarili mo. You don't always need me, Shawn." Bulong na sabi rin nito.

"Kailangan kita, Aubrey. You have that power over me." Sabi nya rito.

"Ehem!" Sabay silang napalingon sa nagsalita. Ang waiter nila na mukhang ilang na ilang sa kanila. Bitbit na nito ang mga order nila. Pagka-serve nito ng foods ay nagmamadali rin itong umalis sa pwesto nila. Nagkatinginan sila ni Aubrey at sabay na nagtawanan.

"Hindi yata sya sanay sa PDA?" Biro nya rito. Isang maliit na ngiti lang ang sagot nito.



-----




Tahimik lang silang habang pinapanuod ang paglubog ng araw. It's been a perfect day. Magkahawak sila ng kamay at nakasandal ang ulo nito sa balikat nya. Huminga sya ng malalim.

Pasimpleng pinagmamasdan nya si Aubrey. Lumalalim na rin ang eyebags nito. It was obvious that she was having a hard time to sleep. Magaan na hinalikan nya ang noo nito. Kung ano man ang pinagdaraanan nito, hinding-hindi sya mawawala sa tabi nito. Hindi nya ito susukuan. Hindi sya mapapagod sa pag-intindi rito. Hinding-hindi nya iiwang mag-isa si Aubrey sa laban nito. Kung anuman ang laban na iyon.

"It's so beautiful." Narinig nyang sabi ni Aubrey. Nakatingin ito sa tuluyan ng lumulubog na araw. The reflection in the sea is very magical. Parang nasa loob sila ng isang litrato. Napaka-ganda ng ambiance sa paligid. The setting is screaming romance. Hindi lang sila ang couple na nandon. Napatingin sya sa papalubog na araw. Hiniling nya ng mga sandali na iyon na huminto ang oras. Gusto nyang manatili pa sila ng ganon ng matagal. Ayaw pa nyang matapos ang mga sandali na iyon. Gusto pa nyang makasama ng matagal si Aubrey.

"Thankyou for everything, Shawn." Sabi nito sa kanya.

"I'll do everything for you, Aubrey." Sagot nya rito. Nakita na naman nya ang lungkot sa mga mata nito.

"Everything?" Tanong nito sa kanya.

"Everything." Pag-kumpirma nya rito. Hinawakan nito ang peklat nya sa mukha.

"Then I want you to move on and look forward, Shawn. Forgive yourself. I know that you're still blaming yourself. At ayokong nakikita ang guilt sa mga mata mo. Ayokong nahihirapan ka. Mahal kita, Shawn. Ilang beses ko ba dapat ipaalala sayo na tapos na yun? Nangyari na. Okay na, Shawn." Kalmadong sabi nito sa kanya.

"Naaksidente tayo noon dahil hindi ako nakinig sayo. Muntik ka ng mawala sakin, Aubrey. This scar is a reminder of what I almost lost, Aubrey." Sabi nya rito at hinawakan ang kamay nito na nasa mukha nya.

"Pano kung isang araw bigla akong mawala, Shawn? Anong mangyayari sayo?" Seryosong tanong nito.

"Hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa magpunta, Aubrey." Seryosong sagot nya rito.

"What if it's not possible for you to find me?" Malungkot na tanong nito.

"Then I'll just sit in one place at hihintayin kitang bumalik." Sagot nya rito. Nakita nya ang pagbagsak ng luha nito. Alam nyang may problema si, Aubrey. Alam nyang may hindi ito sinasabi sa kanya. Natatakot sya. Natatakot sya sa paraan ng pagtatanong nito.

"I'm sorry, Shawn. I'm so sorry." Humihikbi na sabi nito. Naramdaman nya na nagbara ang lalamunan nya. Nag-init ang sulok ng mga mata nya. He's scared. No, he's petrified. Pinahid nya ang mga luha nito gamit ang kamay nya.

"Whatever it is, Aubrey, malalagpasan natin to. Nandito lang ako. Wala kong planong bitiwan ka." Sabi nya rito habang nakatitig sa mga mata nito.

"You have to, Shawn. You have to let me go. Masasaktan kita, Shawn." Umiiyak na sabi nito. Hindi nya na napigilan ang pagpatak ng luha nya. Mabilis ang naging pag-iling nya.

"No, Aubrey. Wag mong hilingin sakin na bitiwan ka sa panahong kailangan mo ko. Tingin mo ba magagawa ko sayo yun? Tingin mo ba kaya kong gawin yun?" Pumipiyok ang boses na sabi nya.

"Stop hurting yourself, Shawn. Please. Gusto kong maging maayos ka kahit mawala ako. Gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo." Sabi nito sa kanya.

"You are my life, Aubrey. Kapag nawala ka, wala na rin akong buhay." Sagot nya rito. Narinig nya ang sunud-sunod na paghikbi nito. Wala na syang pakelam kung pinagtitinginan na sila. Wala na syang pakelam sa curious na mata ng mga tao. Wala na syang pakelam sa mapanghusga na titig ng mga ito. Wala na syang pake.

Mabilis na kinabig nya si Aubrey palapit sa kanya at hinalikan ito.

Yes, wala na syang pakelam sa ibang tao. Who cares about them when he's already kissing the person that matters to him the most?




-----

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon