16. Love is truthful

332 118 14
                                    


Eversince he was younger, hobby nya na ang magsinungaling. Katulad na lang kapag tinatanong sya kung kamusta na sya, palagi nyang sinasabi na okay lang sya. Kapag tinatanong sya kung may problema ba, palagi nyang sagot ay wala.

May mga bagay lang na hindi nya kayang aminin. May mga bagay na hindi nya kayang sabihin. Minsan, mas madaling magsinungaling na lang. Kasi titigil na rin sila sa pagtatanong. But lying has consequences. Pero hindi nya alam na ganito ang consequence ng pagsisinungaling nya noon. That his brother would turn out to be a liar too.

He knows they are hiding something from him. Alam nyang magkaka-kuntsaba lang ang mga ito. Ano bang tingin ng mga ito sa kanya? Tanga? They would choose to lie in front of his face kesa sabihin sa kanya ang totoo? Akala ba nila titigil sya sa paghabol kay Aubrey by telling him thay she's gone? That's the worst lie ever.

Aubrey hate lies. She hate liars. Hindi ito magaling magsinungaling. Ngayon, hindi nya ma-gets kung bakit magkukuntsaba pa ang mga ito para lang hindi nito masabi ang totoo sa kanya. Para lang hindi nya malaman ang tunay na problema. They went too far. Pagod na sya sa pagpapa-ikot ng mga ito sa kanya. He's tired of being in the background.

Hindi sya makapaniwala na aabot silang lahat sa ganito. Hindi sya makapaniwala na pati ang pamilya nya ay magsisinungaling ng ganito. If they love him, they will never hide something from him. Kung mahal talaga sya ng mga ito, hindi ito magsisinungaling sa kanya. He can't believe his brother though. You can't lie about something like that. That's being insensitive.

No. They are lying to him. Hindi sya naniniwala sa sinabi ni Sean. Hindi yun totoo. He knows the truth. Hindi sila makakapag-sinungaling sa kanya.



-----




Nanginginig ang katawan na hinarap nya si Sean. Puno ng luha ang mga mata nito. Gusto nyang palakpakan ang kapatid nya sa husay nitong umarte.

"Come again?" Tanong nya rito.

"She's gone. Ate Aubrey's gone." Umiiyak pa rin na sabi nito. Hindi na nya napigilan ang sarili. Natawa sya. Natawa sya hanggang sa sumakit na ang tiyan nya. Natawa sya hanggang sa hindi na sya makahinga. Natawa na lang sya.

"Nice one, Sean. Itigil mo na ang mga kalokohan mo." Sabi nya rito pag tapos nyang tumawa. Tuloy pa rin sa pag-iyak ang Mama nya at ang kapatid nya. Nararamdaman nya pa rin ang pag-agos ng mga luha nya.

"I'm sorry, Kuya." Mahinang sabi ng kapatid nya. Sa sobrang inis ay dinampot nya ang isang pigurin at ibinato sa kabilang pader.

"Stop this, Sean! Hindi ka na nakakatuwa! Namumuro ka na sakin!" Warning nya rito. Humagulgol na ito. Naninikip na ang dibdib nya. Kailan ba titigil ang mga ito sa mga kalokohan nila? Lalong-lalo na si Sean. Namumuro na talaga ito sa kanya.

"No, Kuya! Ikaw ang tumigil! Just accept it, Kuya! Wala na si Ate Aubrey." Sigaw nito sa kanya. Susuntukin nya sana ulit ito kaya lang ay humarang na ang Mama nya.

"Tumawag sila kanina di ba? Ayan ba ang sinabi nila sa inyo na sabihin nyo sakin? It's not working. Magkasama lang kami kanina!" Sabi nya sa mga ito. Hinawakan ng Mama nya ang mga kamay nya. Tinignan nya ito sa mukha.

"May mga kailangan kaming sabihin sayo, Shawn. Pero kailangan mong maintindihan ang sitwasyon ngayon. Wala na si Aubrey, anak." Umiiyak na sabi nito. Nagbabara na ang lalamunan nya. Tumutulo ang luha na umiling sya rito. No. That can't be true. Hindi sya iiwan ni Aubrey.

"You're lying. Lahat kayo may itinatago sakin! Was Aubrey sick? Alam nyo di ba? Alam nyo pero wala kayong sinabi sakin!" Sigaw nya rito. Niyakap sya ng Mama nya.

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon