[3] Spy

176 2 5
                                    

[3] Spy

Angel's POV

"Waaaahhhhhhhh! What are you doing?!!" Tanong ko.

"I'm taking a picture of you. What do you think? Para dun nalang kita tititigan, baka kasi matunaw ka sa titig at sa kagwapuhan ko." Proud pa niyang sabi.

"Alam mo ba ang salitang privacy? Lahat ng tao kelangan yon lalo na ako. Hindi naman kasi pwedeng lagi nalang may nakabantay sakin."

"Bakit ka ba nagagalit? Simpleng picture lang naman yun. Tska diba nga dapat mag thank you ka pa dahil niligtas kita kanina at inalagaan pa kita ngayon." Natahimik ako. Kundi dahil sa kanya baka nga namatay na ako kanina. Ang daming beses na niya akong tinulungan tapos kahit isang thank you lang hindi ko pa nasabi sa kanya.

"S-sorry. Thank you na. Thank you sa pagligtas mo sakin kanina at thank you sa pag alaga mo sakin." Nag iba na yung expression ng mukha niya. Bumaba nalang siya sa kama at lumabas ng kwarto. Ilang minuto ay bumalik na din siya.

"Oh ano? Nakaalis na ba sila?" Tanong ko.

"Oo. Chineck ko rin sa labas ng building at nakita ko sila na natakbo palayo. Ang galing mong mag acting ah." Sabi niya.

"Napasali na kasi ako dati sa theater play kaya sanay na ako. Sayo ako namangha. Ang galing mo kaya parang hindi halata na acting lang lahat." Sabi ko.

"Wala yun. Nga pala, sino ba yung nakikinig satin kanina? At bakit kilala ka nila?" Tanong niya at tumabi na sa pag upo sakin sa kama.

"Yun siguro yung spy na kinuha ni Joaquin para bantayan ako. Narinig ko kasi kanina na sinabi nung dalwang lalaki eh. Kapag nahuli daw natin sila malalagot daw sila kay Joaquin." Sabi ko.

Eto kasi yung nangyari. Nung nandun ako sa pool may tumulak sakin tapos nalunod ako. Niligtas lang ako ni Nathan. Tapos nagkalagnat na ako. Siya yung nag alaga sakin tapos nakilala ko pa yung mom niya. Nung matutulog na kami may narinig naman kaming dalwang lalaki na naguusap. Napag alaman ko na kinuha pala sila ni Joaquin para bantayan ako at para ireport sa kanya yung mga ginagawa ko. Kaya nag act kami ni Nathan para umalis sila.

"Oh ano? Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong niya at hinawakan ang leeg ko.

"Hindi pa eh. Medyo masakit parin yung ulo ko." Sagot ko habang nakalagay parin yung kamay niya sa leeg ko.

"Ay oo nga. Pati mainit ka pa rin." Habang nagkukumot na kami ay nagsalita nanaman siya. "Sayang kasi kanina eh. Naistorbo pa tayo." Namula ako dun sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?" Tanong ko.

"Wala, sabi ko magpahinga ka na." Sabi niya. Hindi na ako inaantok kasi nakatulog na ako kanina nagising lang ulit kami kaya hindi na ako matutulog.

Eto nanaman yung posisyon namin. Magkaharap kami sa isa't isa habang nakayakap siya sakin. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko rin siya. Namula siya sa ginawa ko pero namula din naman ako sa ginawa niya. Hinigpitan pa niya lalo yung pagkakayakap sakin kaya napalapit pa ako lalo sa kanya kaya ngayon ay magkadikit na yung katawan namin. Magkalapat na yung ilong namin at isang maling galaw lang ay maghahalik na kami. Napatingin ako sa labi niya at ganun din siya.

"Can I have the permission to kiss you?" Tanong niya. Nararamdaman ko na yung hininga niya sa pisngi ko. Actually hindi mabaho, ang bango nga eh. Amoy bubble gum.

"There's only one way to find out." Sabi ko at ngumiti. Lumapit lalo siya sakin at magdidikit na ang labi namin ng hinarang ko ang isa kong daliri sa labi ko kaya yun yung nahalikan niya.

"Do you really think that I'll let you kiss me?" Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"No. I already expected that it was going to happen. I know you don't want to be kissed by someone other than your boyfriend." Natatawa tawa pa niyang sabi pero, biglang lumungkot yung mukha niya. Para namang may kumirot sa puso ko ng makita ko siyang malungkot. Niyakap ko nalang siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Niyakap din niya ako ng mahigpit.

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now