[23] Cold

45 1 0
                                    

[23] Cold

Third Person's POV

Kanina pa pauli uli si Joaquin sa campus dahil hinahanap niya si Angel. Nakaka ilang ikot na siya at kanina pa nagtatanong sa mga nakakasalubong niya kung nakita nila ang dalaga. Hindi niya rin ito matawagan dahil nakapatay ang cellphone ng dalaga.

Bumalik naman siya sa booth nila na alalang alala na.

"Oh anong nangyari sayo?" Tanong ng kaklase niya.

"Hindi ko mahanap si Angel, nandito lang siya kanina eh." Sagot ng binata habang patingin tingin sa paligid.

"Tinawagan mo na ba?"

"Nakapatay ang phone niya." Sabi niya.

'Saan ka ba nagpunta, Angel?' Isip isip ng binata.

Sinabi na rin niya sa Demons na nawawala ang dalaga at lahat sila ay nagtulungan sa paghahanap. Pati ang mga estudyante sa campus ay tinutulungan sila. Iba talaga pag famous at queen heartthrob ka ng school niyo.

Ang mga Demons ay kasama si Joaquin na maghanap sa mall, park at sa kung saan nila makikita si Angel. Kanina pa sila nagaalala sa kanilang leader at iniisip kung saan kaya ito nagpunta. Pati ang dalawang kasintahan ay hindi na alam ang gagawin.

Nagtipon tipon ulit sila para pagusapan kung saan naman maghahanap. Natahimik ang lahat nang may tumawag kay Fearl.

"Hello?"

["Don't worry about her. Everything's fine. We're just making her pay for what she did."] sabi ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Saan mo siya dinala?! What are you going to do with her!?!" Fearl can't control her anger that she yelled at the guy she's talking to. She was going to throw her phone when the guy didn't answer her and just laughed devilishly and the call got cut off.

"Sino yung tumawag?" Tanong ni Mae. Agad naman siyang sinagot ni Fearl habang nagta type. "Nakidnap si Angel." Sabi niya.

Using the phone number that called her, she traced the caller and in a minute she was able to find the trace.

"Alam ko na kung nasaan sila." Sabi nito at sumakay na sa kotse.

"Joaquin, stay here." sabi ni Mae pero nagpumilit si Joaquin.

"No. I'll go with you." Sabi ni Joaquin.

"It's too dangerous." sabi ni Mae.

"Angel's life is on the line here! I can't lose her!" He yelled.

"You won't lose her. We promise to bring her back to you. Because if something bad happened to you, hell knows what will Angel do to us. So just listen to me and stay here!" Fearl yelled back. Natahimik si Joaquin at napatungo nalang. Gusto niyang iligtas si Angel pero bawal. Alam niyang mapapahamak siya pero si Angel parin ang iniisip niya.

Umalis na sina Fearl at sumunod naman sa kanya ang iba. Kanya kanya silang sumakay sa kanilang mga kotse at sinundan ang kotse ni Fearl.

Inabot sila ng isa't kalahating oras bago makarating sa isang gubat at sa gitna ng gubat ay isang abandonadong bahay kung saan dinala si Angel.

Samantala. Si Angel naman ay wala pang malay at hindi pa nagigising. Naka kadena ang kamay at paa nito at nakadikit sa pader. Para siyang preso na nakahiga dun.

Nakatingin lang sa kanya ang lalaking kumidnap sa kanya at saka hinawakan ang mukha.

"Why did you make it so hard for me? Ako ang nahihirapan sayo. Hindi naman para sakin itong gagawin ko kundi para sayo narin." Sabi nito at hinalikan ang dalaga.

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now