[2] Headshot

267 3 0
                                    

[2] Headshot

Angel's POV

"Mga bruh laro naman tayo! Bored na kami eh!" sigaw ni Jack.

"Okay, sabi niyo eh. Tara girls laro tayo." sabi naman ni Ailee at sumunod naman kaming mga babae sa kanya.

Lahat kami ngayon nakashorts na blue yung pang volleyball, tapos tshirt na blue.

Tss. Ayoko ng ganitong suot! Masyadong nae expose yung legs ko.

Tamo yung mga lalaki naglalaway na sa legs kong maputi. Haha.

Ang lalaruin namin ay volleyball. Yung mga lalaki nakaupo nalang dun sa bench. Bigla daw kasi silang tinamad. Pero alam ko naman na kaya ayaw na nilang maglaro ay gusto lang nilang manuod at tingnan ang magandang view. And what I mean is magandang view sa ano... Basta alam niyo na yun.

Lima kami sa group namin at lima din naman sa kabila. Ang mga nasa team namin ay si Ailee, ako, Sylvia, Keily, at Lucy.

Samin ang first ball at si Keily ang magse serve. Pagdating sa kalaban ng bola ay tinamaan agad ito ni Levy. Pumunta ang bola kay Canon at binigay kay Carry. Nagtoss si Carry at inispike naman yon ni Joanne. Nagblock naman sina Sylvia at Lucy at tinamaan sila pero tumaas yung bola papunta samin sa left side. Ako yung tumama ng bola at binigay kay Ailee, nagtoss siya at mula sa left side namin ay mabilis akong tumakbo papunta dun sa right side at inispike ko yung bola. Tumama sa sahig yung bola dahil walang nagbabantay dun sa right side. Unang point samin agad.

"Woah!"
"Ang bilis!"
"Ang galing."
"Nakakamangha."

Yan agad nasabi ng mga lalaki.

Nasa kabila na ang second ball at si Amy na ang magse serve. Pagtira niya ako ang nakasalo. Binigay ko kay Lucy at muntik pa niyang hindi masalo pero natamaan agad niya yon at napapunta sa taas kaya agad namang naspike ni Sylvia papunta sa kalaban. Hindi nablock yung pagspike pero nasalo ni Joanne yun at pinasa kay Carry at papunta samin.

"Mine!" sigaw ni Ailee kaya hinayaan na namin sa kanya yung bola. Pinasa naman niya yun kay Keily. Pinasa niya kay Lucy at nagtoss naman si Lucy pero mababa yung toss niya kaya nung pagkaspike ko, tumama yung bola sa net. Sila naman yung naka score. All one na.

Pangatlong bola nasa amin nanaman. Palitan lang kami ng bola pag may nakapoint.

Si Ailee na ang nagserve papunta sa kalaban. Nasalo ni Amy yung bola at pinapunta kay Carry. Pinasa naman ito ni Carry kay Levy at binigay kay Canon at nagtoss naman si Canon pabalik kay Carry at nagspike. Malakas yung spike at walang nagblock sa kanila at muntik nang tumama yung bola sa sahig at one inch nalang ito pero tumakbo ako ng mabilis at siningit yung kamay ko bago pa makalapat yung bola sa sahig kaya umubtol ulit yung bola at tinamaan naman ni Lucy. Nagka galos pa ako sa mukha at braso dahil sa pagkakadapa ko pero hindi ko yun inalintana at nagpatuloy parin ako sa paglalaro. Pagkaangat ko ng ulo ko papunta na sakin yung bola pero natamaan ko parin yun. Muntik pa akong mapaupo dahil sa lakas ng recieve ko ng bola pero buti nalang at nabalance ko pa.

Ang tagal na naming naglalaro at tied na ang score, all 4 na kami. Last na bola ay nasa kabilang team. Si Canon ang nagserve at pagpunta samin ay ako ang nagrecieve.

Pinapunta ko kay Lucy at tinoss naman niya at nagspike si Ailee. Pagpunta sa kalaban. Si Levy ang nagrecieve at pinapunta muna ss likod, kay Amy at pinapunta niya ulit sa unahan ng net, kay Canon. Parang alam ko na ang gagawin nila ah.

Nagtoss si Canon at mabilis na tumakbo si Carry at tumalon tapos inispike niya ng malakas yung bola. Sabi na nga ba.

Tumama sakin yung bola at tinamaan ako sa mukha. Sh*t! Yung maganda kong mukha!

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now