[19] Dance practice

47 1 0
                                    

[19] Dance Practice

Joaquin's POV

[Saturday 7:30am]

Eto kami ngayon sa bahay na tinutuluyan ng gang ni Angel. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito. Last na pumunta ako dito ay nung pasko at bagong taon. Magkakasama kaming lahat na nagcelebrate kaya dito kami natulog.

Anyways, kaya kami nandito ay dahil sa dance practice nila para sa program next next week. Puro sayaw naman ng BlackPink ang sasayawin nila kaya madali lang yun para sa kanila. Pero parang magsasayaw din ata sila ng sayaw ng lalaki.

Hindi namin kasama si Nathan dahil naghahanap pa siya ng condo at bibili pa siya ng mga gamit. Yun ang sabi sakin ni Angel.

Nanunuod lang ako sa kanila. Yung ibang members ng gang ay may kanya kanyang ginagawa. Si Cedric at Kris naglalaro ng xbox, si Luke nanunuod din sa practice, si Tristan nagbabasa ng libro, si Jacqueline at Cathlene nanunuod din ng practice. Ang magsasayaw ay si Angel, Fearl, Mae, at Prim. Silang apat since magaling sumayaw si Angel at Prim sila yung nagtututo nung steps at ituturo kina Fearl at Mae.

Unang prina practice nila ay 'Playing with Fire'. Yan pala yung naririnig ko kahapon na pinapatugtog ni Angel. Sinearch na kasi niya kahapon yung dance practice ng BlackPink tapos dinownload niya.

Nandito kami sa bakanteng kwarto sa bahay sa second floor. Malaki naman yung kwarto kaya pwede silang magpractice dito. Maliit kasi sa condo ni Angel kaya dito nalang sila magpra practice.

Nakaprojector sila para kita nila yung steps at para makita rin ng iba kung ano yung sasayawin nila.

"Okay. Since si Angel yung leader siya yung sasayaw as Jennie. Fearl as Jisoo, Mae as Rosé, and me as Lisa. Ihae deoseyo?" (Do you understand?) Page explain ni Prim.

"Ne." (Yes.)Sabi nung tatlo.

Natapos nang panuorin at aralin nina Angel at Prim yung steps at sinayaw na nila para idemonstrate nila kina Fearl at Mae. Pinatugtog na nila yung music at nagtayo na si Angel at Prim.

Habang pinapanuod ko siya napapansin kong nagagaya talaga niya yung mga galaw ni Jennie at yung expression ng mukha niya.

Medyo namamali naman siya pero alam naman niya yung next step dun.

Pagkatapos nilang sayawin itinuro na nila yung steps kina Fearl at Mae. Madali lang naman yung intro at yung step 1 kaya natapos agad nila yun at nasa step 2 na sila.

Nagpahinga muna sila bago simulan yung step 2.

Nagorder sila sa pizza hut ng mga pagkain. Ilang mga minuto lang may dumating na delivery boy. Yung mga lalaki na ang kumausap dun sa delivery boy at pagdating nila nagulat ako ng limang box ng pizza yung dala nila. Malaki na nga yung pizza lima pa yung inorder nila. O_O' Dafuq?!

Nasa dinning room kaming lahat na nakain. Bago ko makalimutang masabi, nagpapatugtog nga pala sila ng pagkalakas na akala mo may party dito.

Pagbukas ng pizza box isang malaking pizza ang nakita ko. Malamang saan ka nakakita ng malaking pizza box tapos maliit lang ang pizza. –.–'

Ang laaki ng mga slice. Halos di ko na maubos yung isang slice. Habang nakain ako napatingin ako kay Cedric. Nakita kong pinutol putol niya yung isang malaking slice ng pizza at sinubo lahat sa bibig niya tapos kumuha ulit siya ng isang pang slice at hinati ulit yun tapos nilagay ulut niya sa bibig niya. Nabulunan ako ng makita ko yun. Wtf!? Kaya niya yun?!! Eh hindi pa nga niya nalulumod yung sinubo niya kanina tapos susubo ulit siya.

"Oh." Inabot sakin ni Cath ang isang baso ng orange juice. Ininom ko yun at hinagod naman ni Angel yung likod ko.

"Dahan dahan lang kasi bro. Hindi ka mauubusan marami pa yan. Wag kang magmadali." Nagsalita ang hindi nagmamadali.

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now