[4] Nightmare

134 3 1
                                    

[4] Best Friend

Angel's POV


ENGAGEMENT????!!!!!!!


SH*T!! Bakit naman engagement agad? Eh nasa courting stage palang kami. Saka matagal pa para pag planuhan yung mga ganyang bagay.

"Bakit naman engagement agad?!" Napatayo na ako nun at napahampas yung kamay ko sa lamesa. Mukhang nagulat si Nathan, wait let me rephrase that. Mukhang natakot siya, kasi napatalon at napaatras siya sakin. At nung napatingin ako sa kanya ay nakita ko na napalunok siya. Calm down Angel. Wag mo siyang takutin. Pwede pa yang mapag usapan.

"Eh ano kasi. Matanda na ako. 21 na ako pero wala parin akong girlfriend kaya nga kapag nakahanap na daw ako kelangan na daw ng engagement kasi nahuhuli na daw ako. Saka gagraduate na tayo after 3 years. At sabi naman ni Dad kapag nakagraduate na daw ako ay pwede na daw akong ikasal." Sabi niya at napakamot. Ang pula na rin ng mukha niya.

"Bakit naman kasi agad agad? Matagal pa naman para grumaduate tayo. Hindi naman siguro nagmamadali ang Dad mo niyan? Saka hindi naman pwedeng sagutin nalang kita ng ganun ganun lang. May Joaquin pa ako. At kung sino ang mananalo sa inyo siya ang pipiliin ko." Sabi ko. Kumagat na ako dun sa barbeque kasi nagutom ako bigla dun sa statement niya.

"Kaya nga eh. Hindi ko ba alam kung nagmamadali si Dad or excited siya. Buti pa si Mom hinay hinay lang. Sinusuportahan lang niya ako sa mga desisyon ko." Sabi ni Nathan. Ang sweet naman ng Mom niya, 'di katulad sakin. Pinapahirapan at pinapagalitan ng walang rason kaya nga pinalayas ako eh. Binigyan lang ng pera para mabuhay na daw ako ng sarili ko. Nabu bwisit lang ako pag naiisip ko yun. Pero kahit na ganun sila mahal ko parin sila. Lalo na si Dad. Kahit na binubugbog ako nun at sinasaktan mahal ko parin yun, Daddy ko yun eh.

"May problema ba?" Tanong ni Nathan.

"Ahh, wala. May naalala lang ako." Sabi ko. Nag aalala na yung mukha ni Nathan kaya nginitian ko siya. Nagulat naman ako nung hawakan niya yung mukha ko. Unti unti niyang nilapit sakin yung mukha niya, akala ko hahalikan niya ako pero mabilis niya akong niyakap. Nung humiwalay na siya sa yakap ay hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti.

"Tara na. Ligo na tayo." Pag akit niya sakin.

"Teka eh pano itong mga pinagkainan natin?" Tanong ko.

"May magliligpit na niyan, hayaan mo na yan. Kaya tara na sa pool." Magsasalita pa sana ako kaso nga lang natangay na niya ako papunta sa pool.

Pagdating namin sa pool area, lima lang silang babae na nandun tapos tatlong lalaki. Asan kaya yung iba? "Asan yung iba nating kagroup Ailee?" Tanong ko.

"Andun parin sa kubo. Tinatamad na, busog pa daw sila... Aayyy! Yanu naman eh!! Napasukan kaya ako sa tenga!" Binasa kasi siya ni Joshua, kaya nakatanggap ng sapok kay Ailee. Ikaw ba naman ang hindi magalit, eh napasukan ng tubig sa tenga. Nakita ko naman sa isang sulok sina Philip at Carol na nag uusap. Tapos sina Anna, Michelle at Pauline ay naglalaro ng habulan kasama si Anthony. Naku tingnan ko lang kung anong mangyari pag naging taya yan si Anthony. *evil laugh*

"Anong tinatawa mo jan? Baliw ka na ba?" Tanong ni Nathan ng nagtataka.

"Ahh wala..." hininaan ko yung boses ko. "Wala ka kasing napapansin na mangyayari. Hihihi."

"Ano yun?" Tanong ulit niya.

"Ahh wala wala." Kawawa naman si Nathan pinagmumukha kong t@ng@.

"Tara dito, turuan kitang maglangoy." Sabi niya at pumunta sa mababaw. Napaigtad ako pero nung narinig ko yung pagahon ni Nathan sa pool at paglakad niya palapit sakin ay kumaripas na ako ng takbo. No way in my life na maglalangoy ako, nakakatakot kaya pag napunta sa malalim, ang dilim. Nung malapit na ako sa kubo ay bumagal na ako ng takbo pero biglang may humawak sa bewang ko. Sa bilis ng pangyayari ang alam ko na lang ngayon ay buhat buhat na ako ni Nathan pabalik sa pool. Eeeehhhhhh!!! T^T

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now