[20] Something's Wrong

35 2 0
                                    

[20] Something's Wrong

Joaquin's POV

*Kinabukasan*

Nagising ako nang may gumalaw sa tabi ko. Lumingon ako at nakita ko si  Angel na nakatitig sakin.

"Oh. Kanina ka pa gising?" Tanong ko habang nagkukusot ng mata.

"Hindi naman." Sagot niya at hinawakan ang mukha ko.

"May problema ba?"

"Wala, namimiss ko lang yung mga araw na tayo lang dalawa ang magkasama." Sagot niya.

"Magbabanyo lang ako." Sabi ko at tumango lang siya.

Pumasok ako sa banyo sa loob ng kwarto ni Angel.

Bakit parang ang weird niya ngayon? Alam kaya niya yung nangyari kagabi? Hindi ko nalang babanggitin at alam ko namang hindi rin niya sasabihin sakin.

Nagsipilyo na ako at naghilamos. Pagkalabas ko ng banyo nakaupo na siya habang nakatingin sakin. Hinihintay niya ba ako?

"Hinihintay mo ba ako? Sige ikaw na."

"Hindi, kanina pa ako tapos mag hilamos at mag sipilyo." Sabi niya.

Ang weird talaga. Hindi ko alam kung si Angel ba talaga ito.

Umupo din ako sa kama sa tabi niya.

"Okay kalang ba?" Tanong ko.

"Oo naman." Sabi niya.

Haist. "Kung may problema ka pwede mong isabi sakin." Sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya.

"There's nothing more that you need to know." Sabi niya. "Trust me Joaquin, I'm fine and I don't have any problems." Sabi niya.

You're lying.

Hinawakan ko yung mukha niya at tiningnan ko siya sa mata.

I can see clearly in your eyes that you're lying.

"Are you sure?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yes."

Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan ko siya.

Why can't you tell me? And what more do I need to know?

***

1:26 pm [Same day]

Pumunta ulit kami sa dance room at ngayon may mga salamin na sa dingding na kanina lang pala pinakabit.

Kinausap muna ni Fearl si Angel sa kwarto. Ilang minuto lang sila nagusap at bumalik na rin agad at nagstretching naman sila.

Bigla naman pumasok si Cedric na may dalang video cam.

"Guys say hi!" Sabi niya.

"Annyeonghasseyo!!!" Sabi naming lahat.

Nagla live lang pala sa facebook.

Lumapit naman sakin si Cedric at tinapat sakin yung camera tapos nagwave ako.

"Hi." Sabi ko tapos ngumiti naman ako.

Nilagay niya sa lamesa yung camera tapos tiningnan niya sa screen kung ayos na.

Medyo nakatapat sakin yung camera tapos nasa likod ko sins Angel na nagsasayaw.

"Oh pare ikaw na bahala jan ah, bantayan mo at baka mamatay." Sabi ni Cedric sakin.

"Sige ako na bahala." Sabi ko tapos nagwave siya.

May 1,635 na nanunuod ngayon. '=__=

"Hi." Sabi ko tapos tumingin ako kina Angel.

Gangster In Disguiseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن