Cheerleader

7.3K 91 1
                                    

"Uy,wala ba kayong napapansin sa ViceRylle?" Tanong ni Billy sa mga kaibigan

"Hmm nakabusangot ang mukha ni Karylle,so baka may ginawa na naman si wakla." Tugon ni Anne habang kumukuha ng slice of pizza

"Sa tingin ko dahil 'yon dun sa babaeng muntik halikan ni Vice.Muntik na nga halikan,kinuha pa ang number hahaha!" Bagamat hindi sigurado,kampante si Vhong na 'yon ang dahilan

"Kinuha yung number as in he asked for the girl's number while he has a girlfriend?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Anne at nang tumango si Vhong at napanganga siya lalo

"Kaya pala galit si Kumander kasi pasaway hahaha!" Biro ni Billy

"Sinong pasaway?"

Nagulat ang tatlo nang biglang pumasok si Vice sa dressing room.

"Yung kaibigan kasi namin.May girlfriend kaso nung may nakitang magandang babae,ayon muntik ng halikan tapos hiningi pa ang number." Parinig ni Anne kaya napairap nalang si Vice sa mga ito

"Pero,brad kunwari hindi kayo ni Karylle, liligawan mo ba yung babae?" Mapang asar na tanong ni Vhong na kaagad sinagot ni Vice

"Oo naman sa ganda ba naman niya eh!" Diretsahang sagot ni Vice na napagpalaki sa mata ng mga kaibigan

"Bawiin mo 'yan! Nako sinasabi ko kapag narinig ni Karylle 'yan baka maudlot pa plano mo mamaya." Banta ni Anne at pinalo si Vice

"Aray naman!! Patapusin niyo muna kasi ako.. 'Yon nga maganda siya pero kontento na ako kay Karylle.Siya lang sapat na." Maala bhouxz mapagmahal na sabi ni Vice at nagpose pa

"Sira ulo ka talaga hahaha! Pero paano na mamaya?" Seryosong tanong ni Vhong

"Basta...Abangan niyo nalang." Simpleng sagot nito

Nag start na ang show pero hindi pa din nag uusap ang dalawa.Sa opening speils naman ay magkatabi sila kaya pasimpleng umakbay si Vice dito.

"Babe,usap tayo mamaya,ah? I just need to tell you something before I leave next week.Ayoko kasi na iisipin ko pa 'yon...whatever it is,just always remember that I love you so much." Mahinang bulong niya kay Karylle na siyang nagpakaba dito

Buong show ay hindi sila nagpapansinan pero kapag may pagkakataon ay niyayakap ni Vice ang nobya at hinahawakan ang kamay nito. Lalong kinabahan si Karylle sa mga inaakto ni Vice.Gusto na niyang maluha sa mga bumabagabag sa isip niya at naiisip niya na baka makikipaghiwalay na ito sakanya pero kailangan niyang maging okay dahil may show pa sila.

Nagtaka si Karylle dahil 6 pm na pero hindi pa din sila umaalis ng studio.Tatanungin sana niya si Vice nang hatakin siya nito sa stage. May mga lobo sa paligid at lights na design. May mga props din na kunwaring puno at doon ay nakadikit ang mga pictures nila simula nang magkakilala sila,hanggang sa naging magkabigan,at nauwi sa pagmamahalan.

"Happy 4th anniversary,babe." Nakangiting bati ni Vice sa dalaga

"H-hah? Next week pa anniversary natin ah?" Takang tanong niya dito kahit sa loob-loob niya ay kanina pa siya kinikilig

"Next week pa ba?! Baka iba ang ka anniversary ko dapat ngayon!" Pang aasar ni Vice kay K

Akmang aalis si Karylle ng bigla siyang yakapin ni Vice ng mahigpit

"Nag jejelly na naman ang baby ko...lagi mong tatandaan na ikaw lang Kumander ni Benjamin.Walang makakapalit sa trono mo 'no!" Natatawang saad ni Vice at hinigpitan pa ang yakap sa nobya

"Pero bakit nga nag celebrate tayo ng ganito kaaga?"

Bahagyang lumuyag ang pagkakayakap niya kay K.Tinignan niya ito sa mata at ngumiti ng mapait.

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now