Fix You

2K 52 6
                                    

Kakauwi lang ni Vice mula sa ilang oras na photoshoot. Ilang models din ang kanyang pinicturan ngayon at naka ilang palit sila ng theme kaya naman ubos na ang kanyang energy pagka uwi ng condo.

Hindi na niya inisip na kumain at maglinis ng katawan basta diretso higa na siya ng kama. Papikit na ang kanyang mga mata nang tumunog ang kanyang phone. Hindi niya sana papansinin kung hindi lang paulit-ulit ang pagtawag.



"Make sure this is important or else!"




"Brad, Vhong 'to."


Para namang nagising ang diwa niya nang mapagtanto na seryoso ang kaibigan.


"Oh, Navarro. May kailangan ka?"



"Pasensya na kung naistorbo kita pero dating gawi. Punta ka na ngayon. Billy needs us right now."


Napabuntong hininga siya at napahilot sakanyang sentido.


"Let me guess,she turned down his proposal?"


"Mamaya mo na alamin basta punta ka na. Ikaw nalang kulang."


Agad na binaba ni Vhong ang tawag kaya napahilamos ng mukha si Vice bago bumangon ng kama at agaran na nagbihis at agad na umalis patungo sa restaurant na pagmamay ari ng kaibigan din nila na si Erwann.

Pagkadating ni Vice,tanging ang mga kaibigan nalang niya ang nandoon dahil sarado na din ang restaurant at nag uwian na ang mga empleyado. Natanaw niya agad si Billy na nakatungo at halata ang lungkot sa mukha. Nakita din siya ng mga kaibigan kaya agad itong sumenyas sakanya para lapitan si Billy.



"Hey, Billy boy!" Sinubukan niyang pasiglahin ang boses at inakbayan ang kanyang bestfriend.Sakanilang magkakaibigan kasi,si Billy ang kasama niya mula bata pa sila kaya sila talaga ang malapit sa isa't isa.


"I just got home from work at na lowbatt ako. Ngayon ko lang nabasa lahat ng messages mo mula kaninang umaga... I'm sorry." Hindi na napigilan ni Billy ang kanyang mga luha nang yakapin siya ni Vice at doon na niya naibuhos lahat ng sakit.


"I thought she was ready to settle down.I thought this would be the perfect night for us. Akala ko din na mahal niya ako pero..." Billy stopped at pinunasan ang kanyang mga luha habang nailing "Four years... four fvck*ng years kaming dalawa pero hindi niya nagawang sabihin saakin na kaya lang niya ako sinagot because of a deal na dapat isang taon lang pero na duwag siyang aminin na niloloko niya ako kaya pinatagal pa niya.Hindi niya alam na mas lalo niya ako sinaktan."



"She doesn't deserve you, man.Hindi lang siya nag-iisang babae and I'm sure marami pang mas maganda at mabait kaysa sakanya na bagay sa'yo." Pagpapalakas naman ng loob ni Jericho sakanilang kaibigan


"Yup! I agree to that! The whole gang is here for you, Billy boy! We always got each other's back." Sambit naman ni Erwann at tinapik ang balikat ni Billy


"Tutulungan ka namin makalimutan yung babaeng 'yon."


Hindi maiwasan na mapangiti ni Billy sa mga sinabi ng kaibigan. Kahit na abala sa kani-kanilang trabaho, isang tawag lang niya ay dumating na ang mga ito para damayan siya.


"Single na ulit tayong lahat." Natatawa niyang sabi na ikinatawa ng mga kaibigan


"I think, hindi talaga tayo bagay sa mga commitments. Pang fling fling lang talaga ka gwapuhan natin." Biro ni Vice para maging light ang mood



ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now