Viceral Fam(Special Chap)

3.3K 91 9
                                    

"Mama!!" Sigaw ni Philo na ikinataranta ni Karylle kaya agad niyang iniwan ang kanyang niluluto


"Hey,what happened?" Pagkita niya sa mga anak sa sala ay punong-puno ng chocolate ang mukha ni Philo habang palihim na tumatawa ang panganay na si Pio


"Pio,what did you do to your brother?" Mahinahon na tanong nito at hindi maiwasan na matawa sa itsura ni Philo na mukhang nalugi




"Yow making fun of me,Mama!" Reklamo nito sabay punas ng nutella sa mukha at kinain



"Philo! Oh my gosh!" Natawa na talaga siya nang tuluyan sa ginawa ni Philo na hindi na rin niya ipinagtaka kung kanino ito natutunan ng bata



"It's dewicious,Mama! Wanna twy?" Pag-alok nito sa ina sabay kuha ng nutella sa mukha agad naman umiwas si Karylle dito pero paglingon niya ay naharang siya ni Pio.




"Hi,Mama!" Binigyan niya ang ina ng nakakalokong ngiti at hindi nagtagal ay sabay na sila ni Philo na nagpahid sa mukha ni Karylle



"It's malagkit kaya!!" Pilit na umiiwa si Karylle sa mga ito hanggang sa hindi niya namalayan ang pagbukas ng kanilang front door



"Anong kaguluhan ito?!" Sa boses na iyon,agad silang napatigil na tatlo at lumapit kay Vice na kakarating lang "Ano 'yang nasa mukha niyo?"
Gulat na gulat ito dahil halos hindi na niya makilala ang asawa at mga anak




"Hi,mahal! How's work?" Bungad na tanong ni Karylla at si Vice naman ay umatras papalayo dahil natutunugan na niya ang gagawin ng asawa "Bakit ka lumalayo? Ayaw mo ba akong i-kiss? Nakakatampo ha!"


"Mahal,ano ba 'yan! Maghilamos muna kayo doon.Mukha kang este kayong biik." Higanti ni Vice at ayon ang akala niya


"Biik pala ah?" Bigla niyang niyakap ng mahigpit ang asawa dahilan para matumba sila at siya ang nasa ibabaw "Pio,Philo,attack!!"



"Kadiri kayo!!! Yuckk!!!" Lahat kasi ng chocolate nila sa mukha ay pinasa nila sa mukha ni Vice


Nagkakatuwaan silang apat nang makarinig sila nang malakas na iyak ng sanggol.Napatigil sila at sabay na natawa si Vice at Karylle.


"Lagot kayo! Hindi niyo sinasali ang pinaka mabait kong anak." Kakababa lang ni Pipo na buhat-buhat ng kanyang yaya "Hindi ka sinasali nila Mama ha,anak? Bad sila 'no? Tignan mo ginawa nila sa face ni Dada." Tumigil na si Pipo sa pag-iyak at agad ito napalitan ng tawa


"Pinagtulungan ba naman ako!" Reklamo ni Vice at kunwaring nagtatampo



"Ako,Dada,love kita!" Sambit ni Pio sabay yakap sa binti ng ama pero kabisado na ni Vice ang anak



"Sa ngiti mong 'yan,maniniwala ako sa'yo? Do not me,Pio." Ganti ni Vice sa anak at ito naman ang napa pout



"Hindi ako donut!" Pilosopong sagot nito sa ama kaya natawa ng malakas si Karylle



"Ano,nakahanap ka ng katapat mo? Hahaha!" Sinamaan lang ng tingin ni Vice ang asawa


"Saya niyo ah? Bahala kayo.Sayang,pupunta pa naman sana tayo ng mall pero inaaway niyo ako kaya huwag na." Hindi na niya inantay na magsalita si Karylle at mga anak at dumiretso na siya sa kanilang kwarto



ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now