O Pag-Ibig

2.7K 38 0
                                    

Bakit ganito ang nadarama.
Makita lang kita ng isang saglit.
Ang araw ko ay buong buo.
Sa gabi ikaw ang panaginip

















First day of school.New student ako sa school na pareho natin pinasukan noon.Pareho tayong third year nun.I must admit,unang kita ko pa lang sa'yo,nabighani mo na agad ako. Para akong nakakita ng isang anghel.Swerte ko pa at nakatabi kita kaya naman nagkaroon ako ng chance na mas titigan ka pa lalo hihihihi









Dahil sa iyo
Puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali
Ngiti ay laging nasa labi









Umuulan ng malakas nun at sakto naman na walang magsusundo saakin dahil coding ang kotse namin.Basang-basa na ako sa ulan sa kakaantay ng tricycle nang may humintong kotse sa tapat ko.Pagbaba ng binta,I was surprised nang makita kita.Inalok mo ako at pinasabay sa'yo.Nahihiya pa nga ako eh kaso sino ba ako magpabebe? Hello,si Ana Karylle Tatlonghari na nag alok saakin kaya siyempre g na!












Nakakakaba,Nakakaaliw,Nakakakilig
Nakakabaliw,Napapakanta,Napapaisip
Napapangiti,Nakakabaliw
Oh oh pag-ibig(4x)









Alam mo ba halos sumabog na dibdib ko habang pinag-iisipan ko kung i-aadd ba kita o hindi.Ewan ko ba bakit hirap na hirap ako eh pipindutin ko lang naman yung 'Add friend' button.Hiyang-hiya talaga ako kaya naman i-lologout ko na sana account ko nang biglang hinablot ni Vhong ang phone ko at nakita ko nalang na na-add na kita.Halos masapak ko na siya nun kaso nakita ko na in-accept mo kaagad ang request kaya ayon...I ended up hugging him hahahaha!











O ano itong aking nadarama
Marinig ang boses mong kay tamis
Ang araw ko ay puno ng musika
Sa gabi ikaw ang nasa isip










Valentines Day.Nakita ko na halos pumila na ang mga lalaking nag bigay sa'yo ng mga regalo.Mga bongga pa ang binigay nila kaya naman nahiya na akong ibigay ang regalo ko. Paalis na sana ako nang tawagin mo ako. Tinanong mo kung para kanino yung hawak kong scrapbook.Kahit hindi ko nakita sarili ko nun,alam kong pulang-pula na ako.Hindi ko na nga nagawang mag salita eh at hindi ko na din napansin na nalaglag ko yung scrapbook. Nakita nalang kita na aliw na aliw na pinag mamasdan ang mga pictures sa loob nun.Aliw na aliw kang pinagmamasadan ang mga stolen shots mo na ako mismo kumuha.

Sa dulo ng page,nakita mo ang tanong na hindi ko akalain na maitatanong ko.

"Prom?"

Nagulat nalang ako nang kinuha mo ang marker mo at sinulatan ang last page ng "yes!!"
Hindi pa man ako nakakabalik sa ulirat, nagpaalam ka na kasi nandoon na ang sundo mo pero kinuha mo ang scrapbook.

Pag-uwi ko sa bahay ay laking gulat ko na bahang-baha na ako ng notifs.Ajdkakdja pinicturan mo pala ang scrapbook at pinost sa twitter mo.Wahhhhhhhhh!!!!!!!! Hindi ko inexpect 'yon lalo na yung caption!

@anakarylle: Thank you for this.Will treasure it forever 💛

GGSS NA KUNG GGSS PERO FEELING KO TALAGA AKO NA PINAKA GWAPONG LALAKI!! PAANO BA NAMAN KASI 'DI BA SA DINAMI-DAMI NAMIN NA NAHAHANGAD SA'YO EH BINIGYAN MO AKO NG CHANCE NA MAGING DATE MO SA PROM










Dahil sa iyo
Puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali
Ngiti ay laging nasa labi










Siyempre,hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.After ng prom,mas lalo pa tayo naging close at tinanong na kita kung pwede kitang ligawan at agad ka naman um-oo. Pinakilala mo din agad ako sa magulang mo kaya ganun din ginawa ko.Pati mga magulang natin ay boto saatin kaya naman pinush ko na talaga lahat ng powers ko para mapasaakin ka.

Ikaw ang valedictorian nung graduation natin at habang sinasabi mo ang speech mo,nakita ko na suot mo na ang kwintas na binigay ko sa'yo nung unang araw kitang niligawan.Sabi ko sa'yo na kapag sinuot mo 'yon,ibig sabihin tayo na.Nakakatawa nga eh mukha na akong ewan kasi mas malakas pa iyak ko sa mama at papa mo habang nag se-speech ka hahaha courted you for 6 months but I was all worth it.











Nakakakaba,Nakakaaliw,Nakakakilig
Nakakabaliw,Napapakanta,Napapaisip
Napapangiti,Nakakabaliw
(repeat 2x cho.)











Hindi ko na mabilang kung nakakailang away na tayo lalo na nung nag college tayo.Nandiyan na ang mga selosan at kakulangan sa oras pero siyempre may pangako tayo at center natin si God kaya naman natupad ang pangarap natin dalawa.Sabay tayo nag marcha at sabay na nakatapos ng college.Sobrang saya ko nun dahil napatunayan natin na kaya natin ipagsabay ang studies at ang relationship natin.

Nang parehas tayo nagkaroon ng stable na trabaho,nag-antay pa ako ng ilang years bago ako nag propose sa'yo.Gusto ko kasi muna na ma enjoy natin kung ano muna ang meron tayo.Kaya naman nung nag sixth anniversary tayo,nag propose ako sa'yo and you said yes.I swear,wala nang mas sasaya pa saakin nun.

Look at us now,kasal na tayo and you're already pregnant with our first baby hahaha nakaka pressure pero kakayanin naman natin lahat.Hindi ako magsasawang titigan ang maganda mong mukha.Cliche man pakinggan babe pero para saakin ikaw na talaga ang pinakamagandang babae na nakita ko.Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos at binigay ka niya saakin.Napaka swerte ko at gumigising ako araw-araw katabi ang isang anghel na ipinagkaloob saakin.

Happy 1st anniversary saatin,mahal ko.Naka isang taon na pala tayo mula nang tayo ay kinasal.Bilis ng panahon pero I promise,sa lahat ng mangyayari sa buhay ko,lagi kang kasama doon pati ang mga magiging anak natin.I love you and I always will.



















A/N: Ano na momshie hahahaha sabi ko Nov 2 ako mag uupdate pero hindi ko nagawa hahaha pasensya kasi ang dami talagang greetings nun ang ganda ko naman para hindi mag thank you 'di ba? actually yung iba nga hindi ko na nasagot 😂 ito yung naisip kong kanta kasi naiihi talaga ako sa kilig kapag pinapakinggan ko siya parang wala lang sarap maging in love ay harottttt!!!!!! Thank you na din sa pagbabasa.Best birthday gift na din yung mga reads niyo dito labyu!!!

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now