Walang Iba

2.7K 74 3
                                    

"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalagaaa!"





Pagkarinig pa lang ni Karylle nun ay alam na niya sino ang paparating kaya naman dali-dali niyang niligpit ang mga gamit at aalis na sana pero may humarang kaagad sa harap niya



"Saan ka pupunta,baby? Tatakasan mo na naman ba ako?" Malanding sambit nito sakanya at may ngumiti pa ang loko


"Pwede ba,Vice tantanan mo muna ako? Naasiwa na ako sa mukha mo eh." Mataray naman niyang balik at aalis na sana ulit pero ayaw din magpaawat ni Vice



"Asus,ang baby ko nagpapalambing!" Kinurot niya ang pisnge ni Karylle na ikinagalit ng huli kaya nahampas siya nito


"Ouch,masakit!" Kita na niya ang pagkapikon sa mukha nito at mas lalo pa niya gusto asarin "You like hard huh?" Kinagat niya ang labi niya na animo'y nang seseduce pa



"Lalayas ka sa harap ko o makakatikim ka ng ng HARD?!" Itinaas ni Karylle sa ere ang makapal niyang libro



"Woah! Easy,bruh!" Natatawang awat sakanya ni Vhong at kinuha sakanya ang libro



"Kayong dalawa,walang araw na hindi kayo nag-aaway at nag-aasaran.Simula maging college tayo,ganyan na kayo.May balak pa ba kayo mag bago?" Saad ni Anne dahil sawa na din siya makita ang dalawa na puro bangayan araw-araw



"Yieee!! Diyan nagsimula lolo at lola ko!" Pang-aasar ni Billy na ikinatawa nila pwera lang kay Karylle na masama pa din nakatingin kay Vice



"Kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki sa mundo,hinding-hindi kita papatulan."






Sa kasamaang palad kay Karylle,pareho sila ni Vice ng schedule ngayon kaya halos buong araw na niya ito kasama.Kabaligataran naman ito kay Vice dahil tuwang-tuwa siya lalo na kapag naasar niya si Karylle.


"Babe,tabi ka saakin." Tinuro ni Vice ang upuan sa tabi niya na bakante pa at wala naman choice si Karylle dahil ayon nalang ang natitirang upuan


Nagsimula na ang klase kaya tahimik ang lahat.Nakikinig si Karylle at abala sa pagnonotes nang may biglang hawakan ni Vice ang kanyang kamay.Hindi niya ito mabawi sa pagkakahigpit ng hawak at kapag pinwersa niyang kunin,baka makaagaw atensyon pa sila.

Pilit niya talagang tinatanggal ng palihim pero may nilagay si Vice na papel sa ibabaw ng desk niya.



Our hands fit together.I would like to hold it forever.




Napangiwi siya sakanyang nabasa at gustong-gusto na batukan si Vice sa sinulat. Ginantihan niya ito nang makaisip siya kalokohan.Imbes na gantihan si Vice, sasabayan nalang niya ito at makikipagharutan nalang din para ito naman mapikon sakanya.

Natapos ang klase nila na magkahawak ang kanilang kamay.Hindi na din umalma si Karylle at inaya pa si Vice na pumunta ng canteen na magkahawak pa din ang kamay nila.Nagulat sila Anne sakanilang nakita pero mas gulat pa din si Vice dahil iniisip niya kanina na pagkatapos ng kanilang klase, makakatanggap siya ng sapak o batok kay Karylle.



"Hon,bakit hindi ka kumakain? Akala ko ba gusto mo ng fries?" Kunwaring malambing na sabi ni Karylle na ikinagulat na naman ng apat. Mas lalo nalaglag ang panga nila nang kumuha si Karylle ng fries at isusubo sana kay Vice pero halata pa din sa mukha nito ang pagkagulat sa pinaggagawa ng dalaga. Napabalik lang siya sa ulirat nang pinisil ng sobrang diin ni Karylle ang kamay nito



ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now