Coldplay

2.7K 90 10
                                    

(May hangover pa din ako dito kaya pagbigyan 😂)




Dalawang araw nalang at babalik na si Vice sa Manila pero wala pa din naiisip si Karylle na regalo para sakanyang nobyo.Ang hirap nga naman kasi regaluhan ang tao halos na sakanya na lahat.Balak nga niya sana ito puntahan sa LA para doon sila makapag celebrate ng birthday nilang dalawa since hindi pa nila ito nagagawa na silang dalawa lang pero hindi siya pwede mag leave dahil konti lang ang hosts kaya hindi na naman natuloy ang kanyang plano.Halos buong hapon ay ayon lang ang kanyang iniisip hanggang sa nag message sakanya ni Vice at sinabing mag FaceTime sila.






"Hi,baby!!! Tapos na show namin dito yey!!"



Masayang bungad sakanya ni Vice na halatang kakarating lang sa hotel dahil naka full make up pa ito.


"How was the last show? For sure puno ulit."

Pinapanood lan ni Karylle ang nobyo na naghihilamos na at nagtatanggal ng make up


"Yep! Malaki na ipon natin.Makakauwi na ako diyan tapos matutubos na natin yung bahay."



Natawa naman si Karylle sa sinabi ng nobyo dahil kinareer talaga nito ang kunwaring ofw para hindi daw niya masyado mamiss si Karylle.

Nahiga na si Vice sa kama at kung anu-ano ang kinwento kay Karylle.Sakto naman na napa dako ang tingin niya sa tattoo ni Vice na stars sa leeg nito at para bang may pumasok na ideya sakanyang isip.


"Love? Are you okay?"


Napabalik siya sa ulirat at nakita ang pag aalala sa mukha ni Vice but she just smiled at him



"Wala...I'm happy kasi another successful tour na naman and uuwi ka na talaga.I'm really missing you right now."


Pareho naging malungkot ang kanilang mga mukha pero sinikap ni Vice na patawanin ulit si Karylle dahil nga ayaw niya talaga na malungkot ito.Inabot din sila ng ilang oras sa pag uusap bago sinabi ni Karylle na magpahinga na si Vice dahil madaling araw na sa LA.


Kinabukasan ay naging abala si Karylle sa pagpaplano niya ng surprise niya kay Vice. Simple lang naman ito pero gusto niya na lahat ay maayos pag dating ng nobyo bukas.


"Love!!! I miss you!!!" Sinalubong niya si Vice ng sobrang higpit na yakap pagka kita pa lang niya dito sa may arrival


"Namiss kita sobra." Yumakap din si Vice at hindi na pinansin kung pinagtitinginan sila ng mga tao


"Ehem,Vicerylle! Oo,pinagtitinginan na kayo, oo." Pagsingit ni Buern sakanila kaya sinamaan siya ng tingin ni Vice


"Gusto mo 'yan? Gusto mo 'yan?"Saad niya sabay taas ng middle finger at natawa naman ang Team Vice dahil sila lang din nagkakaintindihan


"Love,let's go?" Pag aya sakanya ni Karylle


"Saan ba tayo punta after nito?"



"Basta,you'll see." Kumindat siya sa nobyo bago sumakay ng kotse at parang may ibig sabihin iyon kaya napalingon si Vice sa mga bakla na nakangiti din sakanya ng malaki


"Kinakabahan ako sa 'you'll see' mo na 'yan ah?" Nagdalawang isip pa si Vice sumakay ng kotse pero hinatak na siya ni Karylle kaya napilitan siyang sumakay


ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now