History II

2.3K 80 4
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ang diwa ni Vice.Hindi na nga ata siya natulog dahil abala siya sa pag-aayos ng gamit nilang mag-aama.

Nang masiguro na tapos na at dala na niya ang lahat ng kailangan,nagsimula na siya mag-ayos para sa sarili habang himbing pa sa pagkakatulog ang mga anak.Pihado kasing mahihirapan siya kapag siya ang mahuhuli maligo at baka malate pa sila.

Madalian na ligo lang ang ginawa niya at nag apply ng light make up.Hindi muna siya nagbihis dahil lilinisan pa niya ang tatlong bulinggit niya.


"Anak...gising na." Paggising niya kay Sandro bilang ito ang hindi topakin kapag nasisira ang tulog


"Hmm.Tatay,I'm sleepy." Nag iba ito ng posisyon at tumalikod sakanya

"You have to wake up na.Remember,today is the day." Bulong niya dito at humalik sa pisnge ng anak

Dahil sa sinabi ni Vice,para itong magic word at agad na napabangon si Sandro at kusang nag tanggal ng kanyang pantulog.Ito na din ang nag linis ng sariling katawan at nag toothbrush.


"Can you dress up alone?" Tanong niya sa anak at ibinigay niya ang damit na susuotin


"Yes,tatay.You already taught me how." Nakangiting sagot nito kaya napangiti din si Vice at ginulo ng bahagya ang buhok ng anak


"Sige,I'll wake your brothers up muna ha? Alam mo naman yung mga 'yon,tulog mantika."



Gaya ng sabi ni Vice,halos pahirapan pa bago nagising si Ethan at Xander.Ilang hilahan at kilitian pa bago niya nakumbinsi ang mga ito na mag linis na ng katawan at mag ayos.

Nang maayos na silang lahat,pumasok muna si Vice sa room na iniinterview siya bago sila umalis mag-aama.


"I really put my effort para dito.It's mothers' day and I want it to be special lalo na sa asawa ko.Since she's in Singapore,napag isipan ko na kaming apat ang pumunta doon.

Actually,kulang pa nga ito.Hindi madali magdala ng bata sa sinapupunan kaya bilib ako sakanya kasi isa nga mahirap na,pero siya nakaya niya ang tatlo at naire ng isang beses lang." Kahit puyat dahil sa ilang araw na walang tulog,napangiti pa din si Vice tuwing inaalala ang surprise nilang mag-aama para kay Karylle











Habang nasa biyahe,pinapakain ni Vice ang mga anak.Ayaw niya mag drive-thru dahil nga hindi rin maganda na laging fast food ang kinakain ng mga ito kaya siya nalang ang nagluto ng kakainin ng mga anak.

Pagkababa palang nila ng airport ay agad nila naagawa ang atensyon ng mga tao.Dahil nga hindi pwede humingi ng tulong si Vice,dala niya ang isang malaking maleta at nakasublit ang backpack na iha-hand carry nila.


"Alexander,come here muna.They need to see you." Nasa immigration na sila at nagtatakbo ang tatlo kaya nahirapan siyang paamuhin ang mga ito

"Hi,pretty." Papoging bati ni Xander sa babaeng nasa immigration na agad nag blush at nacutan sakanya


"Thank you,miss.Sorry din kung natagalan." Saad ni Vice nang matapos na silang apat

"No problem po at ang cu-cute po ng anak niyo."




May ilang nagpapicture sakanila pero hiniling ni Vice ng maayos na huwag muna sana i-post ng mga ito dahil nga may surpresa siya para sa asawa.Natuwa ang mga tao at naaliw sakanilang mag-aama.


"Wow! That's huge!" Namamanghang sabi ni Ethan ng makita ang eroplano nilang sasakyan

"Are we going to ride that plane,Tatay?!" Excited na tanong ni Xander habang nagtatalon

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now