Sila

2.2K 73 7
                                    

(Since this is my favorite opm song at na lss si Kurba, gawan natin ng hopia 😂)













Kakagising palang ni Vice mula sakanyang siesta nang madatnan niya si Karylle na abala sa pag-aayos ng sarili. Napangiti siya dahil doon at bumangon ng kama para lapitan ito.

"Where to go, wifey?" Tanong niya sa asawa at niyakap ito mula sa likod

"UST invited me for their tonight's event. Sama ka?" Aya sakanya ni Karylle na abala sa paglalagay ng lipstick

"Really? Hindi ako tatanggi diyan!" Mas lalo pa humigpit ang yakap ni Vice at halatang excited ito

"Yep! Go and have a quick shower. Aalis tayo in an hou—." Hindi pa tapos si Karylle sa pagsasalita at agad na dumiretso si Vice sa banyo para maligo. Napailing nalang si Karylle sa pagka childish ng asawa pero hindi maitatangging mas lalo siya na cu-cutan sa ganoong ugali ni Vice


"Make it fast, babe! Baka ma traffic tayo!" Pahabol niyang sigaw dahil sobrang bagal pa naman nito kumilos

After twenty minutes, lumabas na si Vice at bihis na. Tagusan kasi ang banyo sa walk-in closet nilang dalawa.

"Tapos na ako. Tara na?" Chill na sabi ni Vice at pumunta sa harap ng salamin bago sinuot ang sumbrero

"Light makeup ka lang?" Takang tanong ni Karylle dito

"Yiz! Tatamad ako eh."

Kinuha ni Karylle ang towel at tumungo sa harap ng asawa. Tumingkayad siya para matanggal ang sumbrero nito na kaagad ipinagtaka ni Vice.

"Patuyuin mo naman 'tong buhok mo. Kaya lalo kumokonti eh." Biro ni Karylle sa asawa na kaagad na sumimangot

"Eh kung bigyan mo kaya ako ng buhok mong saksakan ng kapal?" Ganti naman ni Vice na ikinatawa ni Karylle

Matapos mapatuyo ang buhok, kinuha niya ang suklay at simulang suklayan ang asawa. Nangawit naman siya dahil sa tangkad nito.

"Umupo ka nga muna. Sakit na sa kili-kili eh!" Reklamo niya at hinatak si Vice paupo sa vanity chair


"Dahan-dahan, girl. Ikaw na mismo nagsabing konti nalang 'yan." Paalala ni Vice nang suklayin na ulit ni Karylle ang kanyang buhok

Ilang minuto na nakakalipas pero hindi pa din sila tapos sa parlor games nila. Kung anu-ano kasing hairstyle ang pinaggagawa ni Karylle. Hindi kasi niya malaman ang gusto niya.

"Babe, mauubos oras natin 'yan. Magsusuot naman ako ng cap eh!" Bahagya na naiinip si Vice dahil kanina pa siya sinusuklayan ng asawa

"Teka, last na. Alam ko na bagay sa'yo." Focus na focus si Karylle hanggang sa makuha na niya ang gusto niya

"Sabi na bagay talaga sa'yo brush up eh! You look so pogi, babe!" Kinikilig na sambit nito at kinuha ang kanyang phone para magpicture sila ni Vice

"Ana Karylle!" Pilit na umiiwas si Vice pero sige lang si Karylle sa pag picture kaya kinuha na niya ang cap niya at daliang sinuot


"You're so cute, babe!" Aliw na sabi nito at habang tuwang-tuwa na tinitignan ang mga pictures ni Vice "I'm gonna post this!"


"Don't! Mag-aaway talaga tayo. Mukhang airport noo ko." Seryoso ang itsura ni Vice kaya naman napa pout nalang si Karylle at tinago nag kanyang phone

"Good girl. Tara na nga. Ano pa maisip mong gawin eh." Kinuha na niya ang bag ni Karylle at saka ito hinatak pababa




Habang nasa kotse, panay lang ang pagkanta ni Vice at tawang-tawa naman si Karylle dahil mukha itong nakainom na hindi mo maintindihan. Hindi mapigilan ang sarili at vinideohan si Vice at pinost ito sakanyang ig story.

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now