History III

2.3K 84 7
                                    

(Sorry kung natagalan hehehehe!)









"Boys, wait for Tatay!" Sigaw ni Vice habang hinahabol ang mga anak


"Tatay, I want to swim na!" Excited na sabi ni Ethan at hinubad ang backpack na suot

"Ethan, wear your backpack." Madalian niya sinuot ang bag sa anak at hinabol naman si Xander

"Xander, don't run. Baka madulas ka." Patuloy niya itong hinahabol hanggang sa may kumarga kay Xander at binigay ito kay Vice

"Thank you," Pasalamat niya dito at ngumiti lang ang tumulong sakanya

"Tatay, swimming na tayo." Nagsisimula na mainip si Sandro na hatak-hatak ang bag ni Vice

"Yes, later. We have to get a table first para malagay natin yung gamit natin." Tugon niya bago binaba si Xander at sinuot niya ang kanyang bag at saka muling hinawakan ang kamay nito.

"Sandro, can you hold Ethan's hand for me?" Pakiusap niya sa anak na kaagad sumunod kaya hinawakan na din niya ang kamay ni Sandro "Very good. Thank you, baby."

Hindi pa man sila nag su-swimming pero pagod na si Vice. Kanina pa kasi niya hinahabol ang mga anak na sobrang sabik na mag swimming. Kailangan din niya mabantayan ang mga ito ng maigi dahil baka tumalon ang mga ito nang hindi niya namamalayan.

Dinala ni Vice ang mga anak sa Fontana na isang leisure park sa may Clark, Pampanga. Madalas siya pumunta dito noon kasama ang mga bakla at ngayon lang ulit siya nakapunta na kasama ang mga anak. Nag request kasi ang mga ito na gusto daw nila pumunta ng water park kaya dito agad naisip ni Vice na dalhin ang triplets.

Nang makahanap na sila ng table, nilapag na ni Vice ang iba nilang gamit doon. Tinago din niya maigi ang mga valuable things nila at tinakpan ng mga dalang towels. Nag pahid din muna sila ng sunblock para hindi magkaroon ng sunburn. Sinuotan din ang mga anak ng life vest para safe. Nakasunod din sakanila ang mga camera men at kinabitan sila ng go pro camera.


"Okay, ano unahin natin?" Tanong niya sa mga ito


"Pirate!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito kaya agad na silang tumungo sa parte ng water park na iyon




Noong una ay natakot pa ang tatlo dahil first time nga nila sa water park pero inalalayan sila ni Vice at pinalakas an kanilang loob

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Noong una ay natakot pa ang tatlo dahil first time nga nila sa water park pero inalalayan sila ni Vice at pinalakas an kanilang loob. Sobrang enjoy ang mga triplets at paulit-ulit na umakyat sa slide. Si Vice naman ay nakaabang lang at sinasalubong sila sa baba.


"Enjoy kayo?" Nakangiting tanong niya sa mga anak nang magsawa sila sa kaka slide

"Yes! Thank you, Tatay!" Pasasalamat ni Ethan sa ama at yumakap sa binti ni Vice

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now