Perfect

2.6K 80 3
                                    

From: Hubbylicious 😋

Babe,dito ka ba mag di-dinner? Nagluto ako ngayon


From: Hubbylicious 😋

Text me kung anong oras ka makakauwi para ma prepare ko yung dinner.Iloveyou!



From: Hubbylicious 😋

Answer your phone.Nag-aalala na ako sa'yo.






Ilan lang iyan sa mga text na nabasa ni Karylle pagkabukas ng kanyang phone. Nagkaroon kasi siya ng dinner meeting sa centerstage kasama ang staffs ng restaurant at hindi niya namalayan na naiwan niya ang phone sa kotse sa sobrang busy.

Napapikit siya ng mariin ng maalala na may usapan nga pala sila ng asawa ngayong gabi. Nangako siya dito na sabay sila mag di-dinner pero nawala iyon sa isip niya sa dami nangyari ngayong araw.


Pagbukas niya ng pinto ng kanilang kwatro, agad na bumungad sakanya si Vice na nakahiga sa kama at namumula ang mukha. Isang tingin palang ay alam niyang lasing ito.


Dahan-dahan siyang lumapit dito at hinaplos ang pisnge.Tinanggal niya ang ilang hibla ng extensions na humaharang sa mukha nito at saka muli itong tinitigan.

Sa pagtitig niya sa asawa,muli niyang naalala lahat ng pinagdaanan nila.Naalala niya noong bago palang sila at hindi nila magawang maamin sa mga tao ang totoong relasyon nila, ang kasal nila na tinago din nila ng ilang taon, pati ang pagsurpresa sakanya ni Vice noong concert nito kung saan ay inamin nito ang totoong relasyon nilang dalawa.




"Hmm...beyb.." Hindi niya namalayan na tumagal pala ang pagtitig niya.Napabalik nalang siya sa ulirat nang bahagyang gumalaw si Vice.Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa kanyang pisnge


"Mahal na mahal kita,Karylle.Mahal na mahal. *hik* Ikaw lang nandito." Nakapikit pa din na sabi ni Vice at dinala ang kamay ni Karylle sa bandang dibdib niya


"Ikaw ba....mahal mo din ba ako kahit *hik* bakla ako?" Alam ni Karylle na talagang lasing ang asawa dahil sa pananalita nito


"Mahal na mahal din kita.Sobra." Muling niyang hinaplos ang extensions ni Vice at hinalikan ang ulo nito



"I'm sorry..."











Hindi pa man din sumisikat ang araw ay nagising na si Vice dahil naramdaman niya ang paggalaw ng kanilang kama.Kahit inaantok pa, sinikap niyang imulat ang mga mata.



"Babe? Maaga pa ah?" He said with his husky voice at kinusot ang mga mata


"I have a fun run to attend.Hindi ako pwedeng ma-late because I'll be hosting that event." Nagmamadali itong kumilos at dumiretso ng banyo na hindi pa nakakausap ng maayos si Vice



Paglabas ng banyo ni Karylle ay saktong nakaupo na si Vice sa kama at gising na gising na din.


"You haven't mention that to me.Sana kahit sa text,sinabihan mo man lang ako." Malamig nitong pag uumpisa pero patuloy pa din si Karylle sa pag aayos



"Please,Vice...I don't want to argue." Pakiusap nito as she zipped her bag


"Bakit,Karylle,masama na ba ang hinihiling kong ipaalam mo saakin lahat ng ginagawa at gagawin mo? Asawa mo ako,paalala ko lang." Nagtitimping saad ni Vice na tinitignan pa din ng matalim ang asawa

"I have plans for us today pero mukhang hindi na naman matutuloy." Halos pabulong na sabi ni Vice kaya napatigil si Karylle doon at napatingin sakanya


ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now