All I Ever Need

3K 82 2
                                    

1. Go to an adventure together








"Vice,dali! Malapit na tayo sa tuktok!" Sigaw ni Karylle na nagunguna kay Vice sa pag akyat ng bundok


"Karylle,malapit na din....malapit na ako umayaw." Hinihingal na reklamo nito dahil sobrang taas nga kasi ng bundok na inakyat nila at isa pa,ngayon pa lang niya na try ito.



"Ngayon ka pa ba susuko? Ilang hakbang nalang,love!" Pilit na hinila ni Karylle ang nobyo at sinabayan ito paakyat kaya naman napasunod na din si Vice



Kung tutuusin,ilang hakbang na lang din ang kailangan para makaakyat sila sa tuktok pero panay hinto nga sila gawa ng madali si Vice hingalin at hindi naman alam ni Karylle kung matatawa o maawa sa nobyo.


"Pinagtatawanan mo lang ako eh!" Parang batang maktol ni Vice


"Hindi kaya! Ang cute mo kaya!" Pagbawi ni Karylle at sabay kurot sa pisnge ng nobyo "Konti na lang,love.Mga 6 steps pa."


"Talagang bilang mo ah?"


Umakyat na ulit sila at sa wakas ay nakarating na sila sa tuktok.Hingal na hingal si Vice at nakahawak pa sa tuhod samantalang si Karylle ay namangha sa ganda ng view at kitang-kita ito sakanyang mga mata.



"Ang ganda,Vice!" Napatili si Karylle at yumakap ng mahigpit sa nobyo na ikinagulat ni Vice.Buti nalang naka balance siya maigi

"Thank you so much for coming with me here. Hindi ko 'to magagawa kung hindi mo ako pinush na ituloy 'to." Naluluhang sambit nito habang nakayakap pa din


"Bakit ko ba kasi naisip pa na pilitin ka?" Biro ni Vice pero sa loob niya ay tuwang-tuwa siya at parang nawala lahat ng pagod niya nang makita ang kasiyahan ni Karylle


"Love naman eh!"


"Joke lang! It's my first time to do this and I'm so happy na nagawa ko na kasama ka.I love you."


"I love you so much!!"












2. Cook dinner together



Nasa grocery si Vice at Karylle.Nagpasama kasi ang huli dahil kailangan niyang bumili ng stocks niya para sakanyang condo.

Si Vice ang nagtutulak ng push cart at sunod lang siya kung saan pumupunta si Karylle. Paminsan-minsan naman ay nag vivideo ito sa ig story niya.


"Parang trip ko magluto ngayon." Sabi ni Vice na nagpatigil kay Karylle


"Kung ganyan trip mo araw-araw,matutuwa ako." Nabigla kasi siya dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Vice ang magluto dahil lagi niya nasusunog

"Salamat sa support ah?" Sarcastic na sabi niya bago naghanap ng pwedeng lutuin


"Turuan mo akong mag luto ng Sinigang." Agad na kumuha si Vice ng ingredients at si Karylle naman ang nagsasabi sakanya kung ano at hindi dapat bilhin


Pagdating nila sa bahay,inayos muna nila saglit ang mga binili bago hinanda ang kanilang lulutuin.

Maayos naman ang kanilang pag hihiwa ng gulay at nang hiwain na ni Vice ang baboy,may naalala siya.


"Hindi pa pala ako naghuhugas ng kamay hehehehe!" Nahihiya niyang sabi at nanlaki ang mga mata ni Karylle


"Yuck,Vice! Nag cr ka bago mag hiwa 'di ba? Kadiri!!!! Hugasan mo ulit 'yan!" Nandidiring sambit nito at tuwang-tuwa naman si Vice sa reaksyon ng nobya


ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now