All of Me

2.5K 91 11
                                    

"Oh, bakit naka sumbakol 'yang mukha mo, bruh? Monthsary niyo ng asawa mo 'di ba?" Puna ni Vhong kay Karylle na mag-isang naka upo sa couch at himala ata na hindi nakikipag pda sa asawa

"Monthsary niya mukha niya. Mas mabuti pa sana kung cellphone nalang niya pinakasalan niya." Mataray na balik ni Karylle at tumingin sa asawa na abala talaga sa pag ce-cellphone

"Baka naman kaya busy kasi may ka— Joke lang, bruh!" Nabatukan na kasi siya ni Karylle hindi pa man niya natatapos ang sasabihin

"Kalaro kasi sasabihin ko. Baka nag e-everwing lang naman 'yan." Pagbawi ni Vhong na napahawak sa batok at hinilot ito dahil totoo nga ang sinasabi ni Vice na halos sing bigat ng bakal ang kamay nito kapag umiiral ang pagiging sadista




Halos buong Showtime ay hindi siya kinikibo ni Vice. Nagtataka nga ang ilan dahil sanay sila na makita ang dalawa na magkasama at magkadikit parati na akala mo ay hindi magkasama sa bahay. Himala yatang hindi nila nakikita si Vice na nakayakap at nasa tabi nito ngayon.

Nang oras na para umuwi, padabog na nililigpit ni Karylle ang kanyang mga gamit at napansin naman iyon ng kanyang team at ng Team Vice. Mula kasi nang ikasal ang dalawa, share na sila ng dressing room.


"Tulungan kita maghagis, gusto mo?" Natatawang panunukso ni Sidney dahil ilang gamit na ang hinahagis ni Karylle sa kanyang bag

"Baka may nakain lang si Meme kaya ganun. Mamaya papansin ka na nun." Sinubukan ni Archie na i-comfort ito dahil baka mas lalo pa ito magalit at lumabas ang tunay na kulot

"Oo, nakakain ng ibang putahe." Pang-aasar ulit ni Sidney kaya sinamaan na siya ng tingin ni Karylle


"Nako, kung ako sa'yo aalis na ako sa dressing room na 'to. Kung nakakamatay ang tingin, plakda ka na ngayon." Pagdagdag ni Buern na nagpatawa sa lahat ng nandoon


Habang patuloy na nagbibiruan ang mga ito, nanatiling nakasimangot si Karylle. Hindi naman siya na o-offend dahil sanay na din siya sa ganitong asaran. Ever since she became Vice's girl, naging parte na din ng mundo niya ang laitan at asaran kasama ang mga gay friends nito.







Hanggang sa kotse ay dedma lang si bakla at abala pa din sa pag pho-phone. Si Karylle naman ay pinapakiramdaman lang ang asawa at hindi maiwasan na mainis ng tuluyan sa pagiging manhid at pagbabago ng ugali nito ngayon.

Inisip niya kung ano ba nangyari sa kanila dahil okay naman sila kagabi. Nanood pa nga sila ng A Walk to Remember kung saan grabe ang hagulgol ni Vice pero kaninang umaga, nagising siyang mag-isa sa kama at pagbaba niya, nauna nang kumain ang asawa. Doon pa lang ay nagtaka na siya dahil lagi sila sabay kumakain at inaantay siya nito kapag nauunang nagigising pero inisip niya na baka hindi lang maganda gising nito.

Nagtaka siya lalo nang dumating sila sa studio ay biglang naging hyper ang bakla at kinakausap pa ang lahat pwera lang sa kanya.




Abala siya sa pag-iisip at nakatingin sa bintana ng sasakyan nang biglang tumunog ang kanyang phone at agad naglabasan ang madaming notifications. Nagtaka siya dahil wala naman siyang pino-post or tinu-tweet.



vicegandako: Coz im ur end and ur beginning. Even when u lose ur winning. Ikaw na magtuloy ng lyrics #AllOfMe



Pagkabasa ng tweet na iyon ay agad siya napatingin siya kay Vice na nakatutok pa din sa phone pero may malaking ngiti sa labi at bino-browse din ang replies sa kanyang quote tweet.

Hindi man siya naka tag sa tweet, alam niyang para sa kanya iyon dahil quote tweet ito ni Vice galing sa vicerylle baby at siyempre tinag siya kaagad ng mga babies.


"Mali naman lyrics ng nag tweet na 'to. Ba-bash ko 'to." Pasimpleng bulong ni Karylle at natawa na ng tuluyan si Vice before he pulled her closer to give her a tight hug

"Alam ko! Iniba ko lang for a change." Palusot pa ni Vice na bilib sa sarili

"Sige nga, interpret mo saakin lahat." Pang hahamon ni Karylle at ayaw din patalo ni Vice


"Totoo naman na I'm your end and I'm your beginning kasi kahit ano gawin mo, saakin ka lang hanggang huli." Hirit ni Vice at naramdaman niyang napasiklot si Karylle. Sinyales na kinikilig ito at napailing naman si Vice dahil doon. Mahirap talaga maging gwapo.


"Even when u lose ur winning kasi ang gwapo ng asawa mo tas maganda din kaya talagang panalong-panalo ka." Mahanging puri ni Vice sa sarili at tinawanan na lang din ni Karylle si Vice


"Wow, humble ah?"

"Talaga! Sa sobrang humble ko, ilang oras lang kita hindi pinansin kahit na balak ko tatlong araw."

Napa pull away si Karylle sa pagkakayap at naalala ang kasalanan ng asawa.


"Sabihin mo, nakalimutan mo lang na monthsary natin. Papalusot ka lang eh!" Bintang ni Karylle dito


"Hindi kaya. Sinusubukan ko lang 'yung article na nabasa ko." Pag she-share ni Vice at binigyan lang siya nagtatakang look ni Karylle


"Ang tagal na kasi ng huli nating ano tapos kapag nag iinitiate ako, umiiwas ka kaya nag research ako kung paano ka maattract saakin. Masyadong malaswa ang iba at ito na ang nakita kong way. Kapag daw kasi dine-dedma mo ang partner mo, namimiss niya ang physical contact niyo at may malaking chance na baka siya pa ang mag-aya sa'yo." Parang batang nagtatampo at nagsusumbong na sabi ni Vice (gawa-gawa ko lang 'to ah? 😂)

"Oh my gosh, Vice! I'm on my period and I'm definitely sure na ayaw mong malagyan ng ketchup 'yang hotdog mo." 

Karylle's jaw literally drop sa explanation ng asawa dahil hindi siya makapaniwala na ito lang pala rason nito. Buong akala niya ay malalim na dahilan ang hindi pagpansin sa kanya nito pero ayun pala, nagtatampo lang ito dahil hindi nakaka score.


"And for your information, bago ako nagkaroon naka score ka pa. Last friday lang kaya 'yun." Dagdag pa ni Karylle pero nakapout pa din si Vice


"Kahit na. Namamanhid na kaya kamay ko kakasarili." Nagtatampo pa din pero may halong pagka pilyong balik ni Vice


"Tapos na ba period mo? Baka naman pwede na mamaya. Humingi akong masking tape sa writer." Taas baba pa ang kilay ni Vice at hindi makapaniwala si Karylle na sineryoso ni Vice ang masking tape lang ang susuotin niya


"Mukha ngang may nakain kang ibang ngayon. Hindi ko kinakaya mga sinasabi mo." Napasapo na lang sa noo si Karylle at tinignan si Vice na may malagkit na tingin at kinagat pa ang labi

















Halu!! Ang tagal na simula noong last ud ko dito hahaha kasi naman may pa All of Me si baks. Hindi natin maintindihan lyrics niya kaya adjust na lang tayo hahahaha importante may pa quote tweet 😂 Ito lang muna ma u-ud ko kasi busy pa sa school. Bawi na lang 😉☺️







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now