The One That Got Away

2.7K 46 3
                                    

"Karylle,tapusin na natin 'to."





"A-Anong ibig mo sabihin?"





"Ikakasal ka na kaya please...huwag na tayo maglokohan.Alam ko naman na kahit ano mangyari siya pa din eh."




"Vice,huwag naman ganito,o.Mahal kita at alam mo 'yan.Kaya ko ito ginagawa para saatin."




"Masakit kang mahalin,K.Gusto ko sabihin sa mundo na mahal kita pero hindi ko magawa. Para matapos na ito,let go of me...please."




"No,Vice! Mahal kita! Huwag mo gawin saakin ito..."







"Pakawalan mo na ako...utang na loob. Maawa ka saakin.Durog na durog na ako,K. Durog na durog na."












"Babe,are you okay?" Napabalik sa ulirat si Karylle nang marinig niya ang boses ng asawa "Umiiyak ka ba?"

"N-no...may pinapa practice lang saakin si Ate Ruth for sine mo 'to." Pagdadahilan niya na mukha naman kinagat ng asawa

"If you say so...I'll go ahead.Ingat ka dito." Karylle went near to him and gave her spouse a sweet kiss

"Ingat ka din."

Pagkaalis ni Yael ay agad bumalik si Karylle sa kwarto at kinuha ang kwintas na susi na binigay sakanya ni Vice noon

"Nasaan ka na ba,Viceral?" Napapikit siya nang mariin nang maalala na naman ang mga pinagsamahan nilang dalawa






















"Vice,what are we doing here? Hindi ba magagalit mga ate mo at si Nanay? Nasa baba lang sila!" Reklamo ni Karylle nang hatakin siya ni Vice sa kuwarto nito

"Naisip ko lang...hindi pa tayo nakakapag date eh hindi naman natin 'yon magawa sa public so..." Literal na nanlaki ang mga mata ni Karylle nang makita niya ang isang table for two na puro pagkain.Sa side naman ng kwarto ay may naka set up na maliit na fort kung saan pwede sila mahiga at mag movie marathon

"You like it?"

"Wow! This is just...nakaka speechless haha kasi I never thought that this could be possible sa isang kwarto."

"Siyempre,para sa Kurba ko lahat possible!" Kasabay nito ay nag pag backhug niya kay Karylle

"Sus bola!"

"Totoo nga haha!"









//









"Kapag nagka anak ka,ilan gusto mo?" Pagtatanong ni Karylle sa seryosong nag se-cellphone na si Vice

"Kung ikaw nanay,mga 15 okay n- aray ko!! Hahaha!" Agad naman siya nakatanggap nang isang hampas mula kay Karylle

"Seryoso kasi."

"Ewan ko.Bakla ako tas tatanungin mo ako niyan."

"Pero hindi mo ba naisip na magka anak?"

"Gusto ko din naman pero hindi ko alam paano pero kung bibigyan man ako,okay na ako sa dalawa.Kawawa naman kung mag isa lang eh." Napatango lang si Karylle bilang sagot

"Bakit,gusto mo na gumawa tayo?"

"Ewan ko sa'yo!" Saad ni Karylle at lumabas na ng dressing room

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now