Bumalik Ka Na Saakin

4.1K 64 7
                                    

"Karylle,huwag mo akong iwan please? I know I made a mistake pero itatama ko 'yon. Mahal na mahal kita...just don't leave me."

"Maawa ka sa magiging anak niyo,Vice.That child doesn't deserve a broken family.Ayoko maging dahilan kung bakit hindi niya mararanasan ang magkaroon ng masayang pamilya."

"Pero hindi ko siya mahal! Ikaw lang ang gusto ko.Ikaw lang ang pinangarap kong kasama na bumuo ng pamilya."

"Then at least be a father to your child.I'm not doing this dahil nagagalit ako sa'yo.I'm doing this para sa'yo at sa magiging anak mo.I want you to become the best father to him. That's all I want,Vice.Believe me,you'll thank me soon for doing this to you."

"Megan is forcing me to get the child once na napanganak na niya at kapag hindi ko daw ginawa 'yon,ipapalaglag niya ito."

"Kailangan ka ng anak mo,Vice.Huwag mo ipagkait sakanya ang mabuhay.I know there's a part in your heart saying you want to keep it pero alam ko na naguguluhan ka kasi natatakot kang iwanan kita.Fix yourself first and be a father to your kid.Malay natin 'di ba? Who knows,bumalik pa ako sa'yo."

"I love you...Mahal na mahal kita,Karylle."

"Mahal na mahal din kita,Vice.That will never change."



After 1 year...



"Buti naman naisipan mong dalhin ang anak mo dito." Mataray na sambit ni Anne sa kakadating lang na si Vice

"Wow,Anne,parang hindi pa sanggol 'tong anak ko kung maka reklamo ka.Siyempre, ayoko naman ma expose 'to sa malaking bunganga mo!" Ganti ni Vice na ikinatawa ng lahat ng hosts

"Hanep,Vice! Kamukhang-kamukha mo o! Parang kahit saan tignan,Vice na Vice eh!" Puna ni Teddy at sinubukan buhatin ang anak ni Vice.Nag make sound naman ito na parang ayaw magpabuhat sa iba.

"He already knows his Daddy! Ang cute! Pwede ko ba iuwi?" Sabi ni Anne habang pinipicturan ang baby

"Ano itong anak ko,laruan?! Gumawa ka rin ng iyo!"

Six months na ang nakalipas mula nang isilang ang anak ni Vice.Gaya nga ng sabi niya noon kay Karylle,kinuha niya ang anak pagkapanganak ng ina nito at siya na nagpalaki dito.Hindi kasi tanggap nung babae na nabuntis siya dahil masyado pa daw siyang baguhan sa career niya at baka makasira lang sa image niya kapag nalaman na may anak na siya.Hindi na naman pinilit ni Vice ang nanay nito at siya ang mag-isang nagpaka puyat at nag alaga sakanyang first born.Hindi rin naman pinagsisisihan ni Vice na dumating sakanya ito dahil pangarap niya talaga magkaanak pero parang may kulang pa din.

"May balita ba kayo sakanya?" Tanong ni Vice sa mga kasamahan dahil sakanila nalang nakikipag usap ang dating nobya

"Balita ko may show siya sa Singapore pero alam ko anytime this month uuwi na 'yon. Bakit,miss mo na ba?" Mapang asar na tanong ni Billy sakanya

"Oo naman 'no! Wala namang araw na hindi. Kung hindi naman dahil sakanya,hindi naman ako magiging mabuting tatay kay Vincent. Sana nga masaya siya sa ginawa kong 'to."

Bago mag start ang show ay binilin muna ni Vice ang anak sakanyang Team Vice at iniwan ito sa dressing room.Tulog naman si Vincent kaya hindi naman sila mahihirapan. Pagkatapos naman ng show ay agad pumunta si Vice para masilip ang anak.Laking gulat niya na wala ang Team Vice sa loob pero nandoon si Vincent at buhat-buhat ng isang babae.

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now