Say You Won't Let Go

3.3K 60 2
                                    

"Meme,gising na.May meeting ka pa chuday." Pag gising ni Buern kay Vice na agad bumangon ng kama

"Mga beks.." Pag tawag niya dito "Nag text ba sainyo si Karylle?" Malungkot na tanong ni Vice kaya nagkatinginan ang mga kasama niya sa kwarto

"Hindi meme eh." Agad bumagsak ang balikat ni Vice nang marinig ang sagot ni Archie "Pero nag text saakin si Sid kagabi."

"Anong sabi?" Para naman biglang nabuhayan si Vice dahil doon

"Halos isang linggo na daw walang tulog ang jowa mo.May musical show daw kasi si Kurba at magbubukas na din yung cafe niya sa Eastwood kaya medyo hagardo si ateng."

Napahilot nalang sa sentido si Vice kasabay ng paglagay ng kamay sa kanyang mukha.

"Mamaya,pwedeng pakisuyo? Bibilhan ko siya ng breakfast tas kayo nalang mag-abot.Hindi niya kakainin kapag ako nag bigay." Seryosong sabi ni Vice

"Warla pa din ba kayong dalawa? Akala ko ba okay na kayo?" Tanong ni Buern

"Malaki tampo saakin nun.Hindi ko rin naman siya makausap dahil busy ang sched ko ngayon." Tumayo na si Vice sa kama at tumungo na papuntang banyo "Sige,mga 'te. Kumain na muna kayo sa baba.Maliligo na muna ako."

"Hindi ka na mag be-breakfast muna? Hindi ka nag dinner kagabi ah?"

"Hindi na.Mamaya nalang ako kakaing lunch." Pagpasok ni Vice sa banyo ay agad siniko ni Archie si Buern

"Nakakalokang mag-away 'tong dalawa parang matira matibay.Patagalang walang kain ganern." Biro ni Archie na ikinatawa ng malakas ni Buern

"Naririnig kita,Arseneo!" Sigaw ni Vice na hindi pa pala nagsisimulang maligo

"Sabi ko nga hahaha! Labyu,Meme!" Sambit niya bago bumaba kasama si Buern


















Napapikit si Vice ng mariin ng mapagtanto niya ang mga pagkukulang niya sa nobya.Ang tagal na din simula nang huling nilabas niya ito.Hindi rin naman kasi sila pwedeng basta-bastang lumabas at baka ma issue sila–bagay na kinaiinisan nilang dalawa

Tatlong taon na ang kanilang relasyon pero hindi nila magawang maamin sa mga tao kung anong meron sila.Kahit na gusto na ni Vice pakasalan ito,hindi pa pwede dahil mas magiging mahirap ang sitwasyon kung magpapakasal sila nang hindi pa umaamin sa mga tao.




Dalawang linggo na simula nang maging malamig ang pakikitungo ni Karylle kay Vice. Nagsimula ito noong hindi nakadalo si Vice sa dalawang concert ni Karylle.Nung una ay pinalagpas ni Karylle dahil nga may trabaho si Vice nang gabing iyon pero noong pangalawang concert niya ay nangako si Vice na manunood siya pero laking gulat niya nang hindi niya ito nakita at nalaman na nanood pala ito ng Divas in Manila.

Tanggap naman niya ang rason ni Vice na baka mahalata sila ng media kung siya lang ang manunood sa Showtime Family pero napapadalas na din kasi ang pagiging busy ni Vice at hindi na siya nabibigyan ng oras samantalang sa ibang tao ay nakakagawa ang nobyo ng paraan.

















Sandali dumaan si Vice sa pancake house para bilhin ang paborito ni Karylle na Bacon Waffle at dumaan na rin siya Starbucks para naman bilhin ang madalas nitong kainin na Blueberry Cheesecake.Sinamahan na din niya ito ng note sa loob

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now