Tenerife Sea II

3K 68 9
                                    

"Dada,bakit may junjun din si baby? Hindi ba dapat po flower?" Takang tanong ni Pio nang makita ang ibabang bahagi ng bagong silang na kapatid

"Mali tayo anak eh.Baby boy ulit." Saad ni Vice at ginulo ang buhok ng anak

Nasa nursery room ang mag-amang Vice at Pio.Isang taon na makalipas nang maikasal si Vice at Karylle.Ngayong araw ay isinalang ang kanilang pangalawang anak.Expected nilang lahat ay girl ito lalo na si Vice at Pio na nag-isip pa ng ipapangalan.

"Eh,Dada,palitan natin.Ayon na lang,o.Yung girl doon." Turo ni Pio sa isang babaeng sanggol na katabi ng kapatid

"Anak,hindi natin pwede palitan 'yan. Magagalit mga magulang niya." Nakita ni Vice na na disappoint talaga ang anak kaya sinenyasan niya ang nurse kung pwede ba sila pumasok at tumango naman ito.Nag suot muna sila ng scrub bago pumasok

"Pio,huwag ka na magtampo ha? Bad 'yon. Dapat maging thankful pa din tayo kasi healthy si baby 'tsaka si Mama." Paliwanag ni Vice sa anak at inayos ang buhok na nakatakip sa mata nito "Kuya ka na kaya dapat tama na masyadong harot ha? Your baby brother will always look up to you.Can you promise me to love him,little bud?"

"Yes,Dada.I promise." Nakangiting balik niya sa ama at sinulyapan ang kapatid "Dada,what will be his official name?"

"Ikaw..what do you want?"

"How about Philo?" Suggestion niya na ikinangiti ng malawak ni Vice

"Philo...Philo Anton.Do you like that,bud?" Tumango ng paulit-uli si Pio at nakipag high five pa sa ama

"Let's go check your Mama.Baka gising na siya. Say bye-bye muna to baby Philo."

"Bye,little Philo.Kuya Pio loves you!" Para namang nanlambot ang puso ni Vice nang halikan ni Pio ang kapatid sa noo at ngumiti dito genuinely



Habang tinatahak nila ang daan sa kwarto ni Karylle,ilang tao din ang bumati sakanila lalo na kay Pio.Cute na cute ang mga ito dahil kada taong sinasalubong nila ay sinasabi ni Pio na pinanganak na ang kapatid niya.Napailing nalang si Vice sa kadaldalan nito.



"Mahal,gising ka na pala." Binaba ni Vice ang anak at hinanda ang mga pagkain na binili nila kanina "You hungry?"

"Slight..Parang naubos lakas ko sa pag-ire eh. Mas mahirap pa kay Pio." Hindi alam ni Vice kung matatawa ba siya o maawa sa asawa dahil naalala niya kung paano ito nagsisigaw kada manganganak

"Mama,may junjun si Philo." Sabat naman ni Pio at tumabi kay Karylle

"Philo?" Pagtataka ni Karylle

"Yes,Mama.Ayon ang ginawa namin name ni Dada kay baby.Philo Anthony,'di ba po,Dada?" Binaling niya ang tingin sa amang nagbabalat ng prutas

"Philo Anton lang.Balak mo pa talaga gawin kagaya sa'yo ha?" Natatawang aya ni Vice at tumabi na sa mag-ina niya "Say ah mahal ko."

"Vice,kaya ko naman kumain mag-isa." Pilit nilalayo ni Karylle ang kutsara sa kanyang tapat

"Nope! Ako magpapakain sa'yo.Alam kong dalawa na kasalanan ko eh."

"Bawi ka naman.Yung dalawang kasalanan mo saakin ang source of happiness ko." Balik ni Karylle na ikinapula ni Vice

"Hahaha! Dada,pangit mo mag blush." Pang aasar ni Pio sa ama na ikinatawa ni Karylle

"Balik kita sa tiyan ng nanay mo eh!" Ganti naman ni Vice at sasagot pa sana si Pio nang may kumatok at bumukas ang pintuan

"Ito na po si baby" Nakangiting saad ng nurse at binigay si Philo sa mga braso ni Karylle

ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now