Photograph

3.5K 87 8
                                    

Continuation ito ng Tenerife Sea :-))










Alas diyes na ng gabi at kakauwi lang ni Vice mula sa buong araw na rehearsal.Kailangan na kasi tapusin ang lahat na kailangan gawin para sakanyang concert kinabukasan kaya nasagad siya ng todo ngayon.

Pagkapasok niya sakanilang kuwarto, pakiramdam niya nawala lahat ng kanyang pagod.Nadatnan niya ang asawa at dalawang anak sa kanilang kama.Si Karylle ay may hawak na libro at mukhang nakatulugan na ang pagbabasa sa mga anak.Dahan-dahan siya lumapit at iniiwasan na gumawa ng ingay para hindi maistorbo ang kanyang mag-iina.Una niyang hinalikan ang mga anak na namiss niya dahil ilang araw niya din ito hindi nakasama. Sunod niyang hinalikan ang asawa at tinitigan ito sandali.Kinuha niya ang nakapatong na libro at nilagay ito sa table.


"Hmmm....Vice?" Inaantok na sambit nito at mukhang naudlot ang tulog

"Sorry,nagising ba kita? Sleep ka na ulit.Ako na mag aayos sa mga bata."


"Okay lang.Halos buong araw na din kami kain-tulog eh." Napansin ni Karylle ang puyat na mukha ng asawa kaya naawa siya dito "Ikaw ang may kailangan ng tulog.Sinasagad mo na naman katawan mo."


"Alam mo naman na bukas na concert ko.Hindi naman pwedeng basta-basta lang 'yon.I would do everything just to make people happy." Sabi ni Vice at binigyan ng malungkot na ngiti ang asawa



"Alam ko naman 'yon,mahal,pero kailangan mo din naman magpahinga minsan.Halos wala ka ng oras sa sarili mo.Lagi nalang work at kami ang iniisip mo." Kinuha ni Karylle ang kamay ni Vice at hinaplos ito ng malambing


"Siyempre,kailangan ko din kayo alagaan ng mga bata.Kayo source of happiness ko eh. Kanina nga pagkapasok ko,nawala lahat ng pagod ko kasi nakita ko kayo." Ngumiti ng pilyo si Vice na ikinatawa ni Karylle


"Tama na.Masyado na nagiging corny." Biro ni Karylle na ikinasimangot ni Vice "Joke lang ito naman! Sige na,you wash first para makatulog ka na.Ayusin ko na din higa nitong mga 'to para maayos tulog mo."


Dahil nga sa pagod,hindi na umalma si Vice at nagtungo na ng cr para makapag linis ng katawan.Hindi na rin siya masyado nag tagal dahil hinihila na talaga siya ng antok at pagod.


"Anong oras ka aalis bukas?" Tanong ni Karylle pagka higa ni Vice ng kama


"Mga 5:30 siguro.May mga ilan pang kailangan ayusin eh.Why?"

"I'll cook your breakfast.Gugutumin mo na naman sarili mo buong araw.Kilala kita." Parang batang nakagawa ng kasalanan si Vice at niyakap ng mahigpit ang asawa "Let me guess,ang huli mong kinain yung pinaabot ko kaninang lunch 'no?"


"Hehehehe...I love you,mahal.Good night." Napakamot nalang si Vice ng batok dahil sermon na naman siya pihado


"Vice,I'm going to remind you about your eating habits AGAIN.Hindi talaga ako natutuwa na nagpapalipas ka ng gutom.Lagi mong pinapagalitan si Pio sa hindi pagkain ng tama pero ikaw din itong pasaway." Naiintindihan naman ni Vice si Karylle.Alam niyang concern lang ito kaya siya napapagalitan.


"I'm sorry,mahal.Ang dami lang kasi talagang ginawa kanina kaya hindi ko na naisip kumain. Pagod na din ako kaya wala akong gana.Sorry." Hinalikan niya si Karylle sa pisnge kasabay ng paghingi ng tawad


ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now