Give Me Love

3K 77 1
                                    

"Anne! Sino yung guy na 'yon?" Pagtatanong ni Karylle sa kanyang bestfriend at sabay turo sa bagong dating na lalaki



"You mean gay?" Paglilinaw ni Anne na ikinagulat ni Karylle



"H-he's G-gay?" Halata sa mukha ni Karylle ang pagkagulat at natawa naman si Anne sa reaksiyon ng kaibigan



"Bakit pogi ba? Hahaha! Actually,madami din nasasayangan sa kanya eh."



"Kilala mo siya?"




"Yup! He's my cousin at kakauwi lang nila dito sa Pilipinas." Napansin ni Anne na nandoon pa din sa kanyang pinsan ang tingin ni Karylle "Don't tell me na na love at first sight ka sakanya?"



"Hindi ah! May kamukha lang siya!" Depensa ni Karylle at napalakas ang sabi niya



"Chill ka lang,gurl.Masyado kang defensive." Natatawang sabi ni Anne


Babalik na sana si Karylle sa pag rereview nang marinig niya ang pag usog ng upuan sa kanyang tabi.Napatingin siya sa gawing iyon at muli na naman siyang napatulala.



"Jusko,Anning nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap,gurl!" Baklang-baklang sambit nito at bumeso sa pinsan  "Teh,okay ka lang?" Napansin niyang nakatulala sakanya si Karylle at medyo nailang siya doon


"Huy,Ana Karylle!" Sigaw ni Anne at tinapik siya kaya napabalik siyang muli sa sarili



"U-uhm may sinasabi ka? Nag me-memorize kasi ako sa isip ko." Pagdadahilan niya ulit at hindi magawang tapunan ng tingin ang dalawa



"Lagi ka ng tulala ngayong araw ah.Mahirap 'yan,bes." Biro ni Anne kaya nahampas siya ng slight ni Karylle "By the way,Karylle.I want you to meet my cousin,Jose Marie Viceral."


"Salamat,Anne ha?" Sarcastic na sabi ni Vice at inirapan ang pinsan.Narinig niyang napatawa ng mahina si Karylle marahil ay dahil sa pangalan niya



"Ang chaka 'no?" Inabot niya ang kanyang kamay at ngumit ng bahagya sa dalaga "Vice nalang," 



"H-hi..uhm,Karylle nga pala." Inabot din niya ang kanyang kamay at kahit naiilang ay nakipag kamayan siya sa bagong kakilala



"Ang ganda mo pala 'no?" Puna ni Vice na ikinapula ng kanyang pisnge "I like your eyebrows.On fleek,teh! Ikaw nag linis niyan? Tapos bet ko din pagkakulot ng buhok mo. Natural na natural!" Ayon lang...




"Ah,oo.Napag tripan ko kasi ayusin nung isang araw.Buti hindi ko nga nasira eh." Nahihiyang balik ni Karylle na hindi nakatakas sa mata ni Anne



"Ayos din pala trip mo 'no pero huwag ka mag alala kasi ganyan din ako.Kung gusto mo, minsan punta ka saamin tas ayusan kita." Nakangiting alok ni Vice



"Sige,kapag may time."



Dahil nga pinsan nito si Anne na kanyang bestfriend,halos buong araw na silang tatlo magkasama.Panay tawa lang at konting kwento ang ginawa ni Karylle dahil likas talaga sakanya ang mahiyain.


"Gurl,ikaw.Kwento ka naman about yourself. Kanina pa kami dada nan dada ni Anne." Puna ni Vice habang kumakain sila sa may field


"Boring lang maku-kwento ko.Tanong mo pa kay Anne." Tugon ni Karylle kasabay ng mahinang pagtawa


"Keri lang basta magkwento ka lang.Baka mapanis laway mo.Sayang naman 'di ba?" Biro ni Vice at hindi niya maiwasan na matawa dito


"Ano ba gusto mo malaman tungkol saakin?"



ViceRylle: The Playlist Where stories live. Discover now