Chapter 7: Crush

4.7K 130 0
                                    


Zoey's POV

Hindi ako pumasok ng 1st subject ko dahil basang-basa nanaman ako. Bakit kaya ganoon umaapaw sa basa ang pag-ibig nila sa akin. Haaay, ayun wala kasi akong dalang extrang damit, kaya umuwi nalang ako sa bahay. Para makapagpalit ng damit.

Tinignan ko ang phone ko, pero wala man lang akong nareceived na text at tawag galing kay Mommy.

I hope everything is fine.

I sigh

Nag unat-unat ako para tuluyan na akong magising sa katotohan, na hindi bangungot ang lahat ng nangyari sa akin kahapon.

Sino kaya yung Maru na yun?

Mabait din kaya siya kagaya ni Red? O sira ulo din siya kagaya ni Ryu? O kaya isa rin siyang mapaglaro kagaya ni Blaze?

Hindi nagtagal ay nakapag palit na ako ng uniform.

Bago ako tuluyang umalis ng dorm ay nilabhan ko muna yung mga damit ko, para kinabukasan may isusuot ako.

***

"Can we call on the stage The Raise Dance Troupe."

Nasa Auditorium ako ngayon, nakaupo..

*CLAP CLAP*

Naantok talaga ako sa tuwing nanonood ng mga ganito, paano ba naman ako hindi maantok kung wala akong ibang gagawin kung hindi umupo at manood nalang. Kung hindi lang talaga required sa subject itong kalokohan na ito, hindi ako pupunta e. Para-paraan lang din sila, para mapuno itong auditorium.

Maya-maya pa'y isa-isa na silang nagsilabasan sa back stage.

At napapatakip nalang ako ng tainga ko dahil kung makatili sila akala mo wala ng bukas.

"Go! Jude" sigaw ng nasa kaliwa ko

"Go! Maru" sigaw naman ng nasa harapan ko

"Go! Breeze" sigaw naman galing sa likod

Parang sa starcity lang yun ah FRISBEE. Orayt!

"Go! Min" hindi ko alam kung saan galing yung sigaw nito.

Sa sobrang dami ng binabanggit nilang pangalan hindi ko na sila maintindihan sa sobrang dami.

"Go! RDT" sabay-sabay nilang sabi na galing sa likod ko.

Hay naku naman! hindi ba sila puwedeng manood ng walang halong sigaw at tili?

Hindi pa sila nagsisimula, sa reaksyon ng mga mukha nila meron pa silang hinihintay na kagrupo nila.

Ano ba! O Sino ba kasi yung paimportanteng tao na hindi pa dumadating.

Tinggal ko ang mga daliri kong nakasuksok sa magkabilang tainga ko dahil wala na akong marinig na ingay galing sa mga fans nila.

Nagulat ako ng meron tumabi sa akin. Kunot noo ko siyang tinignan at naningkit ang mga mata ko ng makita siya.

Si Kaine?

"Hi bespren, nagumpisa na ba?" Umiling-iling ako "Bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko sakanya

Si Kaine pala ang bestfriend ko, ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko man lang namalayan na dito rin pala siya nagaaral.

Magkababata kaming dalawa, halos sabay na kaming lumaki. At hindi kami masyadong nakakapag kita dahil magkaiba kami ng pinapasukan na school. Tsaka matumal narin kaming magkita dahil hindi malayo na ang bahay nila sa amin. Tapos nag dorm pa ako, diba?

Nagkatinginan muna kami bago magyakapan.

"I miss you bespren"

"I miss you more bespren" at hinalikan niya ako ng limang beses pisngi ko. At hinalikan ko naman siya sa noo niya ng limang beses, para sweet parehas kami.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon