Chapter 8: Partner

4.6K 123 0
                                    


Ryu's POV

Bakit kaya sila magkasama ni Shin? Tsaka ano kaya yung ginagawa nilang dalawa sa kwarto? Na silang dalawa lang? Hmmm. Pero hindi talaga mawala sa isip ko yung mukha niya kanina, nakakatawa talaga kasi yung mukha kung makikita niyo lang, para siyang bruha o mangkukulam sa itsura niya. Gusto ko sana siyang tawanan ng malakas, kaso pinipigilan ko lang, mamaya kasi mabayagan pa ulit ako nun e. Pero bakit kaya siya basta-basta nalang umalis? parang hindi naman tama yun? Bastusan lang?

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room, merong humarang sa akin na dalawang babae. Kaya napahinto ako sa paglalakad ko.

"R-ryu" nauutal niyang sabi "What do you want?" napakunot ako ng noo at napamulsa nalang "Ta-tanggapin mo sana yung cookies na ga-gawa ko" napayuko siya at inabot nalang ito sa akin. Tinignan ko lang ito "Oo nga ryu, pinaghirapan niya yan" sabi ng isa

So what? kung pinaghirapan niya yan? Hindi ako mahilig sa matamis, kaya sakanya nalang yan.

"Kainin mo nalang yan. Nerd" pagkasabi ko nun ay nilagpasan ko na silang dalawa

Naka nerd glasses kasi siya tapos yung buhok niya pigtails. Sino ba naman ang hindi magtatawag sakanya na nerd diba?

Habang naglalakad nalang ako at lahat ng atensyon nasa akin.

Kung kasalanan talaga ang pagiging gwapo, naguumapaw na ako. Hay buhay.

"Ang pogi niya talaga"

"Oo nga e"

"Nakakalaglag panty siya"

Kawawa naman yung mga panty niyo hindi man lang makapit, dahil nakikita ako. Siguro maluluwag na ang garter kaya basta-basta nalang nahuhulog. HAHAHA

"Oo nga friend"

Ayan ang mga narinig ko bago ako tuluyang makapasok sa classroom.

Malayo palang ay nakikita ko na agad si Sugpo, nakapikit siya at nakangiti? Bakit kaya siya nakangiti? Nag dadaydream siguro siya, na kasama niya ako?

Humakbang ako papalapit sakanya, iinisin lang kita ng kahit kaonti.

"Hoy sugpo! anong ngini-ngiti mo diyan?!" sigaw ko

Nang makalapit ako sakanya ay doon ko napagtanto na para siyang baliw, nakangiti ba naman tapos nakapikit. Nababaliw na ata siya kakaisip sa akin? HAHAHA well, sa gwapo kong to pati siya napapagtanto niya na meron na siyang gusto sa akin.

Nakaupo siya at nakapatong ang mga kamay nito sa table niya at samantalang ako, nakatayo lang sa harapan niya at pinagmamasdan siya.

Inilapit ko ang mukha ko sakanya.

"Sugpo" bulong ko

At unti-unti naman siyang napadilat.

"Anong kailangan mo?" kunot noong tanong niya at nilayo ang mukha niya sa akin.

Wow! Choosy pa siya, ako na nga itong lumalapit sakanya. Para mahalikan niya e, tapos lalayo siya. Sayang naman yung pagkakataon na binigay ko sakanya.

"Ikaw" nginitian ko siya at pinamulahan naman siya sa sinabi ko

"Wag ako! Iba nalang" inis na sabi nito

"Okay class, take your seat."

Hindi ko namalayan na dumating na pala si Ma'am. Kaya bigla nalang akong umupo, umupo ako malapit ako sakanya. Para ma bully ko siya.

"Pst!" bulong ko, ngunit hindi niya ito nililingon "Sugpo" bulong ko ulit.

Abay! matigas ito oh, walang lingon-lingon na nagaganap.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon