Chapter 45: Curious

2.2K 84 0
                                    


Zoey's POV

"Ah.. eh.. ano.. Aalis na ako" agad akong tumayo at naglakad ng mabilis, pero nahawakan niya ang kamay ko.

Ito nanaman yung puso ko. At parang may dumaloy pa atang kuryente sa buong katawan ko ng hawakan niya ako. Waaah! ayoko ng ganitong pakiramdam! Anak ng! ang weird ko!!

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya at agad akong umiling

Hindi ako makatingin ng deretso sakanya dahil ang totoo ay umiiwas ako..

"Kanina noong sumasayaw ako, bigla ka nalang umalis. Anong tawag mo dun?" tanong niya

Shet nemen! anong sasabihin ko? dahil tumibok ng pagkabilis bilis yung puso ko ng makita siyang sumayaw? Hindi niya pwedeng malaman yun!

Tsaka ano naman kung umalis ako? Bakit ako lang ba ang pwedeng manood sakanya? Ang dami-dami niyang fans diyan oh!

Tsaka baka pagod lang talaga ako nun! kaya mabilis yung tibok ng puso ko! TAMA! ayun nga!

"Tawag ng kalikasan" pagsisinungaling ko "Oo tama.. Tawag ng kalikasan, tsaka bakit naman kita iiwasan? May ginawa ka ba na kailangan kong ikaiwas?" tanong ko.

Mahulog ka sa pagsisinungaling ko please!

"Wala naman. Kala ko kasi iniiwasan mo ako eh" malungkot nitong sabi. Bakit siya malungkot?

"May nangyari ba?" tanong ko at umiling naman siya "Tara na at may fireworks display daw maya-maya. Maganda yung view sa mismong rooftop" tumango ako at hinila niya nanaman ako.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga paa ko ngayon.. Bakit parang mas kinikilig ako ngayon? Dahil ba hawak hawak niya ang kamay ko?

Bumalik ako sa realidad ng tulala sa kamay ko. Binitawan niya kasi ito at pumunta siya banda kila Red.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko namalayan na nasa rooftop na pala kami. Wala na ako sa sarili ko! Baliw na ata ako!

"Kyo, bakit ka tumakbo kanina?" nag-aalalang tanong ni Kaine sa akin at pinisil pisil niya pa ang kamay ko

Mukhang nag-alalala siya sa akin "Tawag ng kalikasan. Hehehe sorry kung pinagalala kita." napayuko ako.

"Kyo, favorite mo oh" napaangat ang ulo ko at napatingin sa nagsalita.

Si Maru!

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya doon ang dalawang chocolate bar.

"Salamat dito. Nag abala ka pa" ngumiti ako sakanya at tumango lang siya "Basta ikaw"

At napatingin naman ako kay Ryu. Hindi ko alam kung bakit parang hinahanap siya ng mga mata ko.

Nakatingin siya sa amin at ng makita niyang nakatingin ako ay bigla niyang iniwas ang tingin niya.

Problema nitong lalaking to?

"Halika kyo, dito tayo" inakbayan ako ni Maru at nag tungo kami sa isang upuan. Pero hindi ako umupo, dahil mas gusto kong tumayo..

"Hayan na!" sigaw ni Red "3...2..1." sigaw naman nina Blaze at Kaine.

*FIREWORKS*

Ang ganda..

Nabaling ang tingin ko kay Ryu na nakatingala rin katulad nila.

Bakit parang malungkot siya? Hindi ba siya masaya? may nangyari ba? kaya siya malungkot ng ganyan?

Napamulsa siya at agad naman siyang napatingin sa akin.

Naku patay na nabuhay!

Bigla akong napaiwas ng tingin. Baka sabihin niya tinitignan ko siya! Pero ayun naman talaga yung ginagawa ko kanina. argh!

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon