Chapter 11: Practice

4K 107 2
                                    


Ryu's POV

Sabado ngayon at nakakabagot dito sa bahay. Wala rin naman akong magawa dahil na kay sugpo na yung mga assignments ko. As if naman gagawa ako ng assignments diba? Boss ata to!
Naisipan kong tawagan sina Red at Blaze. Hindi ko na sinama si Maru, kasi alam kong busy na busy siya ngayon sa paghahanda dahil meron silang laban sa ibang school.

Speaking of laban, may laban kami sa basketball next next week. Hindi na ako nagprapractice, hari kaya ito ng court! Manood naman kayo ah, para naman makita niyo kung gaano kagaling ang Captain ng basketball ng RU. Naku! Paki check nalang yung garter ng mga panty niyo at baka malaglag yan pag nakita niyo ang hot na hot na si Ryu maglaro.

Dinaial ko ang number ni Red.

Calling Red Riding Hood....

Red Riding Hood kasi bagay sakanya yun, hahaha. Hindi lang sa pangalan niya bagay, madalas kasing naka hoddie jacket ito kaya bagay na bagay sakanya ang pangalan niya sa phone ko.

"Oh hello" sagot ni Red sa kabilang linya

"Anong hello ka diyan, punta ka dito sa bahay. Pag hindi ka pumunta sabog bungo mo sa akin bye." At binaba ko na agad para wala na siyang dada.

Hindi ko na hinabaan yung sinabi ko dahil, alam ko pag papatahimikin niya lang ako at marami nanaman siyang irarason sa akin na hindi siya pupunta. Kaya lang naman siya hind pupunta dahil tinatamad lang yun HAHAHA!

Next si Chiksilog

Calling Blaze....

Wala akong maisip napangalan ni Blaze sa phone ko kaya Blaze nalang. Blazing teens? Hindi naman kasi bagay sakanya yung tawag na yun, tsaka hindi naman siya mukhang astigin kaya wag nalang.

"Hello, ryu?" sagot nito sa kabilang linya

"Hawak ko mga babae mo, kailangan mong pumunta dito sa bahay kung hindi papasabugin ko mga ulo nito." tapos tumawa ako ng malakas

"Sira! Nandito kaya sila sa bahay." at tumawa naman siya sa kabilang linya

"Punta ka dito ah, hihintayin ka ng boss mo. Kung hindi deads ka sa akin."

"Okay po boss, on the water na ako." narinig ko pa siyang tumawa ng sabihin niya iyon

On the water, ang bilis naman niya, parang may pupuntahan talaga siya

"Ge bye."

At tuluyan ko ng pinatay.

Ilang oras ang lumipas. Isa-isa na silang nagdatingan.

"Anong meron bakit mo kami pinapunta dito?" Nagtatakang tanong ni Red

Kung alam niyo lang HAHAHA!

"Oo nga naman Ryu, bakit nga ba?" Napakunot ng noo si Blaze

"Magiinom ba tayo ngayon?" Nakangiting tanong ni Red

Mahilig kayo sa inom, wala naman kayong mga binatbat.

"Yun oh magiinom tayo oh" bakas naman kay Blaze ang kasiyahan

Tignan lang natin kung magiging masaya kapa, kung malalaman mong hindi tayo iinom.

"Maling-mali kayo" umiling-iling pa ako

"Huh? Hindi tayo iinom?" Sabay nilang sabi at tumango naman ako

Kala niyo naman makakainom kayo ulit. Noong isang araw lang uminom kayo ng hindi niyo ako kasama, pwes ngayon hindi kayo iinom kahit kasama niyo ako. Tsaka may guguluhin tayo kaya maghanda sila ng pambubully nila.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now