Chapter 15: Family

3.7K 111 0
                                    

Zoey's POV

Tuesday

Bumangon na ako, kahit hindi ko tuluyang naririnig ang alarm ko. Nag unat-unat muna ako, pero hindi parin tuluyan dilat ang mga mata ko.

*yawn*

Nakakaantok, tsss bakit kasi hindi ako pinatulog ni Maru kagabi eh. Ayan tuloy napuyat ako, hehehe sinisi ba naman yung walang kamalay-malay na tao. Napuyat kasi ako dahil sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko, nakikita ko siya tapos hindi ako makatulog dahil iniisip ko yung gwapo niyang mukha tapos yung smile niyang napaka cute. Sa tuwing naiisip ko talaga siya, kinikilig talaga ako hihihihihi.

Kinusot ko ang dalawang mata ko at kinurot ko ang pisngi ko para tuluyan na akong magising, at naging effective naman siya.

Nagtungo ako sa kusina at nagluto ng almusal ko, nagtimpla rin ako ng vanilla coffee ng matuluyan ng magising ang natutulog kong damdamin hehehehe.

Pagkatapos kong kumain ay mabilis kong ininom ang vanilla coffee ko, dahil kating-kati na yung katawan ko sa pagligo. Pagkatapos kong maligo at nagtungo ako sa kwarto upang magbihis. Binuksan ko ang kabinet ko, at bigla kong naalala ni ookasan dahil sa blue dress na nasa harapan ko.

I miss you Ookasan, ano na kayang ginagawa niyo ngayon?

Pagkatapos ko mag bihis, umupo muna ako sa kama ko at tinutok ko sa akin ang electric fan.

Mag ditch kaya ako ng dalawang subject? Para naman madalaw ko sila? hhmmm... Okaya, magpapaalam nalang ako sa mga teachers na hindi ako papasok kasi emergency? hehehehe papayag kaya yung mga yun?

Napailing nalang ako

Next time ka na nga lang dumalaw..

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko, ay nag-ayos na ako. Sinukbit ko ang bag ko at nilock ko na ang pinto ng bahay tsaka umalis.

Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad ko ay nakarating narin ako sa school.

Nakakarinig nanaman ako ng tilian at sigawan ng mga pangalan nila. Sa ibang building ako dumaan para hindi ko sila makita o makasalubong, at hindi nila ako makita. Ayokong magpakita sakanila, mamaya maging artisa nanaman ako at pagkaguluhan din pag nagpakita ako sa mga fans nila. Alam kong kaibigan ko na sina Blaze at Red, pero hindi naman ibig sabihin nun e lagi na akong magpapakita sakanila at sasama na sakanila.

Habang naglalakad ako, pinagtitinginan nila ako. Hindi ko alam kung bakit, teka bakit hindi parin ako nasanay sa mga titig nilang kakaiba. Alam kong maganda ako, pero hindi niyo naman kailangan makipag bulungan. Ang weird talaga nila.

"Tignan mo nga naman meron palang naligaw na High school dito oh"

"Nice-nice, mukha ngang merong naliligaw dito"

Napalingon ako sa sinabi niya, meron dalawang lalaking estudyante na nasa likod ko.

High school? Ako ba tinutukoy nila? Teka-teka, nasa building ba ako ng College ngayon? Ayan na nga ba sinasabi ko Zoey, sa kakaisip mo sakanila pati yang sarili mo napabayaan mo na.

"Bawal dito High school ah"

Eeehhhh??? diba iisang school lang naman to? So, ibig sabihin pwede akong dumaan dito. Paano nilang nasasabi na hindi pwede ang high school dito?

"Bakit nandito ka?"

Bumalik ang tingin ko sa harapan, pati ba naman sa mga college meron ding bully?

Tinignan ko nalang yung dalawang babaeng nasa harapan ko, at yung dalawang lalaki sa likod ko pinapabayaan ko nalang sila.

Nagmamadali akong maglakad ng malagpasan ko yung dalawang babaeng nasa harapan ko ay bigla naman nilang hinila ang bag ko, kaya napatigil ako sa paglalakad ko.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now