Chapter 69: Let's be friends

2.3K 77 0
                                    


"I'm sorry kyo kung sinaktan kita. Hinding hindi na yun mauulit. Please bumalik na tayo sa dati, yung dating tayo na masaya at sweet sa isa't isa. Magsimula ulit tayo ng panibagong kabanata ng buhay nating dalawa. Patawarin mo na ako kyo." Tuloy parin siya sa pag-iyak niya.

Matagal ko na siyang napatawad. Pero sadyang meron parin akong hinala na kayang kaya niya ulit gawin yun. Natatakot ako na umibig muli ako sakanya at masaktan nanaman ako sa bandang huli. Ayoko na ulit yun mangyari. Hindi niyo naman ako masisi dahil nasaktan talaga ako.

"Shhh.." Hinagod ko ang likod niya "Sorry kyo.. Bumalik na tayo sa dati" tuloy parin siya sa pag-iyak niya.

Para siyang bata na inagawan ng laruan.

"Alam kong hindi ko na maibabalik ulit yung tiwalang binigay mo sa akin noon. Pero nagmamakaawa ako, hayaan mong buohin ko ulit yun paunti-unti at pinapangako ko na oras mabuo iyon ay hinding hindi na yun mababasag ulit" umupo kaming dalawa at nakayap lang din siya sa akin.

Humarap ako sakanya at pinunasan ang luha niya.

Hindi ko alam na pang best actor pala ang pag-iyak nitong lalaking to. Pakiramdam ko tuloy naiiyak ako sa nakikita ko. First time ko siyang makitang umiyak ng ganito.

"Hindi ko maipapangako sayo na magkakabalikan tayo, I mean hindi ko maipapangako na makakabalik agad tayo sa dati ng ganun kadali. Bigyan mo lang ako ng sapat na oras para pag-isipan yung mga sinabi mo" lumiwanag ang mukha nito at ngumiti sa akin.

Bakit ganun nalang kabilis ang magbago ang reaksyon nitong lalaking to? Kanina ang lungkot lungkot niya tapos ngayon mukha na siyang masaya. Yung totoo? Artista ba to dati? o artista to ngayon? Yung totoo lang ha?

"Sa ngayon hanggang sa pagkakaibigan lang muna ang maibibigay ko." Masaya siyang tumango sa akin.

Ngayon ko lang napansin na mas lumalim yung dimples niya. Hehehe, ang cute lang (^__^)

"Wag kang mag expect sa akin ng iba pa. Baka masaktan kalang." Tumango siya.

Baka masaktan lang tayo...

"Thank you" ngumuso siya at tinulak ko yung mukha niya palayo sa akin.

Kakasabi ko lang eh, hay ang kulit talaga.

***

I sigh

Siguro kung laser lang yung mga mata niya kanina pa ako dito natunaw. Kanina niya pa kasi ako tinitignan at nakangiti pa siya sa akin.

Napapailing nalang ako. Lumabas agad ako pagkatapos kong marinig yung bell.

Nagtungo ako sa canteen upang kumain. Nagugutom kasi ako.

"Kyo?" Boses mula sa likod kaya napalingon ako.

Si Jiro! Nilahad niya ang mga kamay niya at tumakbo ako palapit sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Ang tagal naming hindi nagkita. At matagal na panahon ng huli kaming nagkita.

Nakarinig ako ng mga papuri sa mga taong nakapaligid sa amin. Sa gwapo ba naman at artistahin ba naman ng kasama ko diba?

"Wow ang gwapo naman niya" 

"Shocks! dito ba siya nag-aaral?"

"Ang swerte naman ni girl."

"Taga saan kaya siya?"

"Girlfriend niya ba yan? pero in fairness, bagay silang dalawa"

Napangiwi nalang ako sa huling narinig ko. Girlfriend? hahaha! magkapatid na nga ang turingan naming dalawa tapos girlfriend pa ang nais nila hahaha.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now