Chapter 70: Give Him another chance

2.3K 74 0
                                    

***
Ang daming sinasabi ni ryu sa akin at tanging tango at ngiti lang ang madalas kong isagot sakanya.

Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko sakanya eh.

Sabay kaming pumasok dahil wala naman akong magagawa. Pagpasok ko sa kotse ko nandun narin siya sa loob. Magagawa ko pa ba siyang paalisin? Hmmm.

"Ryu!" Tawag sakanya ng isang babae.

Tumigil kami sa paglalakad sa hallway dahil sa boses na yun.

Sabay namin itong nilingon at nakita ko ang isang babaeng maganda at sexy na babae.

In short siya si Alyana. Kahit hindi ko siya nakasama, matandain ako sa mukha lalong lalo na kapag sa mga taong... Ayoko ng ituloy at baka masapok ko yung mukha ko, ayoko ng balikan pa ang mga nakaraan.

"Una na ako" walang ganang sabi ko.

May narinig akong tumawag sa akin pero hindi ko yun pinansin.
Hindi ko na hinayaan na sumagot si ryu at nagmamadali akong nagtungo sa 'music room'. Nasa dulo lang kasi ito ng hallway at tanaw na tanaw iyon sa kinatatayuan ko.

Ayoko naman mag stay doon kasama silang dalawa baka kasi nakaka istorbo ako sa scene nilang dalawa kaya mas mabuting lumayo o umalis nalang ako diba? Baka mainis lang ako at ibalibag ko silang dalawa! Hahaha ang sama ko ba? Hindi kaya hehehe.

Kung iniisip niyo na baka magselos ako, tsk. Ako magseselos? Duh! Ibalibag kaya kita diyan? Gusto mo?

Tsaka at least hindi ako panira sakanilang dalawa. Ayun kasi yun!

Kahit alam ko na yung reason, hindi ko parin maalis sa sarili ko yung nararamdaman ko.

Teka bakit nga ba ako dito nagpunta?

Waaah! Gusto kong tumugtog! Hihihi.

Kagaya noong una kong pagpunta dito walang katao tao. Pumunta ako sa stage at umupo ako sa upuan malapit sa piano.

"Kyo" napatingin ako sa nagsalita.

Napangiti ako at napatayo at lumapit sakanya. Tsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Humarap siya sa akin.

"Tsk. Gumanda ka lang lalo hindi mo na ako pinapansin" malungkot nitong sabi at nag pout pa siya.

Grabe wala parin siyang pinagbago abnormal parin siya hahaha. Abnormal dahil pogi at cute parin siya. Kilala niyo na ba siya?

"Naku! Tinawag mo ba ako? Hehehe sorry hindi ko kasi narinig eh" napakamot nalang ako sa ulo ko.

Akala ko kanina si ryu yung tumawag sa akin ayun naman pala siya pala yung tumawag sa akin.

Kumalas kami mula sa pagkakayakap naming dalawa.

"Marunong kang tumugyog ng piano?" Tanong niya at masaya naman akong tumango.

Pupunta ba ako sa music room at tatapat sa piano kung hindi? Ito talagang si maru parang ewan.
(-__-)

"Tara nga. At papakinggan muna kitang kumanta" hindi pa man ako nakakasagot ay hinila niya na agad ako. Parehas kaming umupo sa upuan. Kasya kaming dalawa dahil sexy kami pareho hehehe.

"Namiss kita kyo" tumawa pa ito at ginulo ang buhok ko.

Aish. Ginulo niya pa talaga yung buhok ko.

Inayos ko ang buhok ko at nag pout pa ako.

Ang laki talaga ng problema nila sa buhok ko nuh?

"Namiss din kita maru. Sumayaw ka naman" natatawang sabi ko at tumango siya. "Namiss mo ba yung sexy kong sayaw?" Natatawang sabi nito pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now