Chapter 21: Childish

3.3K 131 3
                                    


Friday

Naglalakad na ako papuntang school, kailangan ko nito para naman matagtag yung taba ko hehehe. Ang dami ko kasing nakain kahapon, sobrang dami talaga. Hay nabuntis nanaman ako ng pagkain hehehe, anong magagawa ko kung masarap kumain tsaka gutom kasi ako kahapon kaya ito busog lusog ako. Ang sarap talaga ng cake na tinakeout ni Kuya, nutella cake siya take note white chocolate tapos chocolate magkasama sa iisang cake. Iniisip ko palang yung nutella cake naglalaway na agad ako, hihihi sorry na pagkain nanaman yung nasa isip ko. Ang sarap kasi niya e.

Habang naglalakad ako feeling ko merong sumusunod sa akin, kaya nag umpisa akong maglakad ng mabilis. Huminto ako at mabilis lumingon, pero wala namang tao. Tanging ang nakikita ko lang ay yung mga naglilinis sa mga tapat ng bahay nila. Muli akong naglakad, at pakiramdam ko meron paring sumusunod sa akin. Mabilis na yung paglalakad na ginagawa ko pero pakiramdam ko nakasunod parin siya sa akin.
Shemay naman sino batong sumusunod sa akin.

"Uy pre chicks oh" nanlaki yung mga mata ko ng marinig yun galing sa likod ko.

Shemay!

Bigla niyang hinablot yung braso ko kaya bigla akong napahinto sa paglalakad ko. Pinaharap niya ako sakanya, waaah! Tao ba to?! Ayy oo nga pala tao nga pala akala ko naman multo, nahahawakan kasi ako. Bakit mukha silang mga ispasol? ang puputi ng mga mukha nila, alam mo yung harina na nilagay sa mukha na basang basa? ganun yung mukha nila.

"Pre, parang pamilyar yung mukha niya" lumapit pa yung dalawa niyang kasama niya sa amin

Waaah! Tatlo na silang multo este tao pala!

Hinawakan ako ng isang lalaki sa ulo ko at hinihimas niya pa ito.

Kinikilabutan ako sa ginagawa niya.

"A-nong kailangan niyo sa akin?" Nauutal na tanong ko.

"Shh.. Wag kang matakot miss" he bit he's lower lip.

Wtf! Anong gagawin nila sa akin, nag-uumpisa na akong matakot ah. Paanong hindi ako matatakot e, sa mukha niyo palang nag-uumpisa na akong matakot.

"Oo nga miss, masaya naman yung gagawin namin sayo e" hinawakan niya yung braso ko pababa hanggang kamay ko.

Nag-uumpisa na akong kilabutan sa ginagawa nila sa akin, yung dila ko parang umuurong narin sa sobrang takot sakanila. Sigurado ba talaga ako na mga tao itong mga ito? Baka naman hindi..

"Tu-

Manghihingi sana ako ng tulong kaso naputol ang sasabihin ko ng biglang takpan ng isang lalaki yung bibig ko.

"Tsk. Tsk." Napailing ang isang lalaki na nakahawak sa braso ko, naramdaman kong humihigpit ang hawak niya sa braso ko.

Aray ko po! gusto kong sumigaw para humingi ng tulong, pero paano ko yun gagawin kung nakatakip naman sa bibig ko yung kamay niya.

Nangilid na lang ang luha ko dahil sa nangyayari, nilibot ko yung mga mata ko sa paligid. Nasan na yung mga taong naglilinis kanina sa mga tapat ng bahay nila? Bakit sila nawala?! Sino nang tutulong sa akin?

Wag kang iiyak zoey, lumaban ka.. Wala kang pag-asa ngayon dahil nagiisa kalang.

Huminga ako ng malalim.

Kinagat ko yung kamay ng isang lalaki na nakatakapit sa bibig ko. Hindi ko maalis yung kamay ng lalaki na nakahawak sa braso ko dahil napakahigpit ng pagkakahawak sa akin.

"Aba! G*go ka!" inis na sigaw ng kasama nila

Pinigilan siya ng isang kasama niyang lalaki. Aakto kasi siyang sasampalin ako, buti nalang napigilan siya ng kasama niya.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz