Chapter 16: Mall

3.3K 113 0
                                    

Garden

Kumakain na kami ngayon, bale kaharap ko silang dalawa at ako lang mag-isa, oo wala akong katabi, sanay naman akong mag-isa e chos lang!. Namiss ko talaga yung ganitong moment, sayang lang at wala si Daddy, si Dad kasi ang pumalit muna kay Mom sa trabaho para meron siyang pahinga, bale palitan lang silang dalawa ni Mom sa company. Pero masaya parin ako dahil kasama ko na sila, kulang man kami pero naniniwala akong mabubuo din kami. Lahat ng lungkot at sakit, sakit talaga? hahahaha masakit kasi talaga, lalo na yung makikita mo silang magkasama! wooaahhh! walang forever! hahaha bitter lang ako nuh? Basta lahat ng nararamdaman kong kakaiba ay nawala nalang ng isang iglap dahil sa mga kasama ko ngayon. Masaya akong okay sila, at masaya akong normal parin sila what i mean is, yung healthy parin sila at wala silang sakit ganern.

"Kyo, mag kwento ka naman samin ng kuya mo"

"Oo nga" pagsang-ayon ni Kuya at ngumunguya pa siya ng sabihin iyon.

Kahit kelan talaga itong kuya ko medyo baboy talaga pag kumain hahaha.

"Tungkol po saan ookasan? hehehe" patay malisya kong tanong at sumubo ako

For sure, yung tatanungin niya sa akin. Yung about sa nangyayari sa school, at yung mga nangyari sa akin doon.

"About sa school mo, yung mga classmates mo. Yung mga ganoong bagay hehehe"

I told yah

About sa school? Ayun ayos lang yung school, pero yung mga estudyante lang yung hindi okay yung pag-uugali. At yung mga classmates ko? sobrang babait nilang mang bully sa akin.

"Okay naman po yung mga facilities, tapos..." kunwari nag-isip ako "Yung Classmates ko po, puro kaibigan ko na" ngumiti ako

The hell! ano ba tong mga pinagsasabi ko? Ayoko man magsinungaling sa kanila, pero kailangan lang talaga, dahil ayoko silang nag-aalala sa akin.

"Eh, bakit nawala yung nerd kong kapatid?" pag-iiba ng topic ni Kuya

Panira talaga itong si Kuya kahit kelan oh! Pero okay narin siguro ito, dahil nasa akin na yung topic hehehe.

Gusto ko lang sagutin yung tanong niya hindi naman nawala yung nerd niyang kapatid, sadyang sinasanay niya lang talagang hindi mag-suot ng salamin. Ako kasi sinasanay ko pa yung sarili kong hindi magsalamin, at tsaka hindi naman ako nagbabasa ng libro kaya hindi ako nakasalamin.

"Eh bakit ba? Ikaw lang ba pwedeng magbago?" nakangising tanong ko

Na bully na si kuya noong high school siya, sa ibang school. Alam niyo kung anong dahilan? Dahil sa itsura niya, naikwento sa akin ng best friend niyang si Kuya Leo ang nangyari noon. Para ako lang siya ngayon, sinasabihan na panget, nerd, weird at kung anu-ano pa, kaonti lang ang kaibigan niya dahil sa taglay niyang itsura. Nakita ko nga yung picture niya dati, mahaba yung buhok niya, may malaking salamin at makapal pa yung lenses, patpatin, at puro pimples yung mukha niya. Pero ano na siya ngayon? Isa na siyang Makisig, yung dating patpatin naging matipuno na ang pangangatawan, wala na siyang salamin dahil sinanay niya na yung sarili niyang hindi mag suot salamin, yung buhok niya pinaiklian na at mas gwapo siya doon, yung puro pimples na mukha niya ngayon napaka kinis na waaaaahh! wag kayong maingay na sinabi ko sainyo to ah, kapag nalaman niya kasing sinabi ko to waaaahh! patay ako sakanya. Syempre hindi siya magiging ganyan kung hindi sa tulong na ginawa ni Kuya Leo sakanya, nag make-over sila hahaha. Para silang bakla noon sa mga action na ginagawa nila, tinuturuan kasi siya ni Kuya Leo na maglakad ng tama ang lamya-lamya kasi maglakad ni Kuya Gin kaya na bubully siya noon kagaya ko ngayon. Haist!

"Dati ka din namang nerd diba-diba? hahaha" tinaas baba ko pa yung dalawang kilay ko, napatigil siya sa pag nguya niya at tinignan niya ako ng masama.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now