Chapter 65: It's Over

2.1K 79 0
                                    

Zoey's POV

Tinext ko si ryu kung nasan ba siya ang sabi niya nasa bahay daw siya ngayon at may inaasikaso lang daw siya. Pero makikipagkita rin daw siya mamaya sa akin, tatapusin niya lang daw yung gagawin niya.

Naghihinala ako dahil noong mga nakaraang araw na naging okay kami ay malimit lang siyang magtext. Biriha lang din siyang dumalaw at makipag bonding sa akin. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko siya. Parang may mali at kailan kong alamin kung nagsasabi ba  talaga siya ng totoo sa akin o hindi.

Kaya ngayon nandito ako sa school niya para malaman ang totoo. Kung niloloko niya lang ba ako o sadyang praning lang ako at kung anu-ano ang iniisip ko. Kung totoo nga bang nasa bahay siya o nandito siya sa school at nakikipaglandian sa ibang babae niya?

Lahat ng hinala at mga tanong sa utak ko ay tuluyan ng masasagot kapag nakita ko siya.

"Your kyo right?" Napatingin ako sa nagsalita. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

Sino tong lalaking to? Nakakagulat naman siya.

"I'm yohan by the way." Nilahad niya ang kamay niya at tinignan ko lang ito.

Yohan? parang familiar siya sa akin, hmmm. Saan ko nga ba narinig yung pangalan niya at familiar yung mukha niya?

"Anong kailangan mo?" Seryosong sabi ko.

Bahagya siyang ngumiti sa akin at bago siya nagsalita.

Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Saan nga ba?

"Alam mo ba na ang boyfriend mo ay niloloko kalang?" seryosong sabi nito.

Napakunot ako ng noo.

Anong ibig niyang sabihin doon?

"Niloloko mo ba ako? Kung nakikipag lokohan ka wag ako ang lokohin mo dahil wala akong oras makipaglokohan sayo." Tumalikod ako sakanya. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis sa kinatatayuan ko ay muli siyang nagsalita.

"Bakit hindi mo siya tanungin ngayon kung nasan siya ngayon. Bakit hindi mo siya tignan kung ano ba talaga ang ginagawa ng jowa mo ngayon" nilingon ko at lumapit ako sakanya ng seryoso.

Bakit niya sinasabi to sa akin? Bakit niya sinisiraan si Ryu sa akin?

"Hindi ako naniniwala sayo. Ang sabi niya nasa bahay siya ngayon, at may inaasikaso siya." Tumawa lang siya at sumeryoso siya ng mukha

May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala akong maalala na nag joke ako.

"Hindi mo na pala sila kailangang hanapin dahil sila na mismo ang lumalapit sayo. Tsaka inaasikaso, marahil tama ka. Dahil may inaasikaso nga siyang iba." hinila niya ako at sinandal niya ako sa isang pader.

Sila? May kasama siya? ang sabi niya sa akin sa text wala siyang kasamang iba? Tapos ngayon meron na?

"Ano-

Tinakpan niya ang bibig ko.

Ano bang gusto nitong mangyari?

"Tignan mo lang ang gagawin ko at makinig ka ng mabuti sa mga sasabihin ko at sasabihin niya." Tinanggal niya ang kamay niya at tsaka siya umalis sa harapan ko.

"Kamusta ryu?" Narinig kong sabi ni yohan sakanya.

Siya yung lalaking nakita ko sa field? Oo siya nga yun!

"Alam mo yohan kahit anong gawin mo hinding hindi na babalik si alyana sayo. Dahil masaya na siya sa akin"

Napahawak ako sa dibdib ko. May onting kirot akong nararamdaman sa mga sinasabi ni Ryu.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now