Chapter 57: Battle of the bands

2.3K 69 0
                                    


Ryu's POV

Nagising ako ng maaga dahil susunduin ko si Kyo. Medyo okay na yung nagiging relasyon namin. Konting push pa pakiramdam ko malapit niya na akong sagutin. Gwapo ko kaya hahaha.

Tama nga si Red gusto ng mga babae ang roses at chocolates.
Akalain mo may mga ganyan palang alam yung lalaking yun sa panliligaw. Akala ko noon joke lang yun, pero sinubukan ko parin itry at ayun nakita ko naman na natuwa si kyo. Ibig sabihin gusto yun ni kyo at effective yun hehehe.

Kasalukuyan kasama ni Red si Kyo ngayon. Nag prapractice kasi sila para sa battle of the bands na gaganapin mamayang gabi. Umalis lang ako sandali para bilhan ng pagkain si Kyo sa canteen.

"Ryu!" Boses mula sa likod

Si Blaze at Kaine

Ngumiti ako "Oy!" Nag fist bump kaming dalawa ni Blaze "Punta ba kayo mamaya?" Tanong ko at tumango silang dalawa.

"Pero may pupuntahan muna kami. May kinuha lang kasing papers si Kaine dito kaya kasama ko siya." Sagot ni Blaze at may patingin-tingin pa siya kay Kaine.

Napakamot ako ng ulo hindi ko kasi alam kung ano yung ibig sabihin ni blaze.

"Kaine!" sabay-sabay namin itong tinignan. "Oh sunshine, bakit?" tanong ni Kaine at hinihingal pa ito. Tumatakbo kasi siya palapit sa amin. "Nakalimutan mo" inabot niya yung isang papel at binuklat niya yung papel na yun. At nanlaki ang mga ni Kaine ng makita ang nakasulat sa papel at masaya siyang niyakap yung sushine. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Blaze at nagkibit-balikat lang si blaze sa nangyayari.

"Waaaah! thank you!" masayang sabi ni kaine sakanya "Blaze nakapasa ako sa scholarship!" pinapakita niya pa ito kay blaze.

Wow, ang galing naman ni kaine. Hindi ko alam na meron palang ibubuga si kaine sa mga ganyan.

"Congrats" sabi ko at ngumiti nalang siya sa akin. "O sige alis na ako kaine. Congrats ah" nag paalam na sa amin si sunshine "Shine! thank you ulit ah" tumango sakanya si sunshine at nag thumbs-up pa ito.

[A/N: Happy birthday Sunshine Trogon, labyu! (^__^)]

"Naks! ang galing naman ng girlfriend ko!" mabilis hinalikan ni blaze si kaine sa labi at ito din ang naging dahilan kung bakit natulala si kaine.

Hahaha! tulala at namumula siya oh! napapailing nalang ako.

"Basta mamaya ah." Sabi ko nalang "Sige kita kits nalang tayo mamaya." sabi ni blaze. Tumango ako at kumaway na ako sakanila at tuluyan na silang umalis. Hinihila ni blaze si kaine. Wala eh, natulala na si kaine dahil sa ginawa ni blaze sakanya. Haist! yung lalaking yun talaga!

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko. At nagmamadali akong nagtungo sa pinto dahil nakita ko si Shin! Loko yun ah pupuntahan nanaman si kyo!

Agad akong nagtungo sa kwarto.

Aba't!

"Kamusta jin?" Nakangiting bati nito habang hawak-hawak yung kamay ni Kyo. Tinignan ko lang ng masama si Shin at kunot noo akong lumapit sakanya para tanggalin yung kamay niyang nakahawak sa kamay ni kyo.

Nakakabadtrip talaga itong ginagawa niya! (-__-)

"Ito naman minsan ko na nga lang mahahawakan yung kamay ni kyo pinagkakait mo pa" natatawang sabi nito at binatukan ko siya

Hindi pa man kaming dalawa, pero alam kong sa simula palang pagmamay-ari ko na siya! grrr!

"Alam mo namang napaka selfish ko diba? Tsaka wala kanang pag-asa dahil gusto din ako ni kyo" dumila ako sakanya at dumila din siya.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now