Chapter 33: Bipolar

2.9K 93 0
                                    

Zoey's POV

Isang linggo narin pala ang nakalipas no? Ang bilis pala talaga ng lumipas ang araw.. At ngayon lunes nanaman, papasok nanaman ako. Waaaa! Bakit tinatamad ata akong pumasok ngayon? Parang kailan lang yung monday na nag-umpisa akong hindi pumasok. At ngayon monday nanaman at papasok nanaman ako... Shemay! Nakakatamad talaga huhuhu..

Isang linggo narin pala ng malaman namin ni Kuya na comatose si Mommy. Nakakalungkot isipin na comatose siya, at lalo akong mas nalulungkot dahil hindi man lang nagpapakita si Dad sa amin.

Masyado kasi siyang busy sa work niya, yeah I know that f*cking thing! Hello? Pwede naman kasing isantabi muna niya saglit yung trabaho niya at kahit dalawin niya man lang si Mom dito maski ISANG beses lang oh.

Medyo mahaba-haba narin yung pagpapahinga na ginagawa ni Snow white, haaayyy snow white can just wake up na? I miss you na kasi e..

"Kyo, tara na..." Tawag sa akin ni Kuya. Sasabay kasi ako sakanya sa pag pasok, bale ihahatid niya muna ako tsaka siya papasok sa school ganern! Ayoko pa sanang pumasok, kaso itong si kuya masyadong mapilit alam mo yun? Yung kulang nalang hampasin niya na ako para lang pumasok na ako sa school. Ganun pala talaga yun no? Kapag nasanay kanang hindi pumasok sa school parang mas gugustuhin mo pang hindi na pumasok ng tuloy-tuloy. Uyyy, aminin niyo kapag once na hindi kayo pumasok ng isang araw parang pakiramdam mo ayaw mo ng pumasok ulit kinabukasan hahaha, estudyante problems pak! Ang BI ko ba? Hehehe Pero wag niyong gagawin yun ah, bad yun.

Nasa hospital parin kami, kasama namin si Manang sula. Bale si Manang Sula muna ang magbabantay kay Mommy, hanggat wala kami ni Kuya. Si manang sula isa sa kasama namin sa bahay

"Yes kuya ito na" tumayo na ako "Snow white, gising na tanghali na" bulong ko at tsaka ko siya hinalikan sa pisngi niya.

Paulit-ulit ko yun binubulong dahil naniniwala ako na malapit na siyang magising.

"Manang alis na po kami" nagmano ako kay Manang at ganun din si Kuya"Sige, hija at hijo ingat kayo " kumaway pa si Manang sa amin.

"Opo Manang, salamat po" sabay naming sabi ni Kuya.

Naglalakad na kami sa hallway ng hospital ni Kuya Gin.

*Yawn*

"A-aray naman" hinimas himas ko yung pisngi ko, pisilin ba naman ng pagkasakit sakit yung pisngi ko.

May pisngi naman siya e! Pero masakit yung ginawa niya ah, kulang nalang mawala na yung pisngi ko sa sobrang sakit huhuhu.

"Ayan gising na ba yung diwa mo?" Ngumiti siya ng pangaasar

Kahit kailan talaga tong kuya ko nakakaasar!

"Tss, sapak you want?" Tinaas ko pa yung kamao ko, at tinaasan niya lang ako ng kilay.

Aba! Aba! Ginaganyan mo na ako ngayon ah.

"Kuya may pick up line ako sayo dali!" Masayang sabi ko

Napakunot nalang siya ng noo, kala mo naman talaga oh! Kala mo alam na alam niya na agad yung pick-up line ko tsss akala mo talaga e

"Kuya naman e" sinundot-sundot ko pa yung tagiliran niya.

"Oh ano ba kasi yun?" Napangiwi nalanag siya

"Tae, kaba?" Nakangiting tanong ko

Oo na kasi! Dali!

"Hindi, sa gwapo kong to? Ako.. Tae?" Nakangising tanong niya

Umagang-umaga oh! Ang hangin-hangin na agad

"Enebe yen" sumimangot ako

"Oh! Sige na nga, bakit?"

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя