Chapter 54: He's Confession

2.4K 82 1
                                    

Zoey's POV

Napabangon nalang ako dahil nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Para itong pinupok-pok ng martilyo huhuhu (╥__╥). Ano bang nangyari kagabi o ano bang nangyari sa akin kagabi? Bakit ganito nalang kasakit yung ulo ko?

Kinusot ko ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog pero sumasakit yung ulo ko. Siguro iinom muna ako ng gamot para mawala yung sakit ng ulo ko.

Waah! papasok ba ako? O hindi? argh! Ang sakit talaga ng ulo ko!

Napahawak ang isang kamay ko sa kaliwang sintido at marahan ko itong minasahe. Habang patuloy sa pagkusot ang isa kong kamay sa kanang mata ko.

"Gising ka na pala, breakfast in bed?" Tanong nito

Napatigil ako sa pagkusot ng mata ko ng marinig iyon.

Teka? Napababa ang tingin ko. May damit naman ako. Ano nanaman bang kagagahan yung ginawa ko kagabi? Nakipag one night stand ba ako kagabi? katulad sa mga nababasa ko sa libro at napapanood ko sa tv?

Nilibot ko ang piningin ko sa paligid. Nasa kwarto naman ako..

At tsaka ako napatingin sa nagsalita.

"Kumain ka na para makainom ka na ng gamot" ngumiti ito

"Ba-bakit ka nandito? ha? A-anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong ko

Anak ng kalabaw na may maliit na sungay! Anong ginagawa dito ni Ryu? At may pa breakfast-breakfast in bed pa siyang nalalaman? ha?

Ito nanaman yung puso ko at dumadagundong nanaman kapag nakikita siya.

Umupo siya sa kama at inilagay niya ang tray sa lamesa na malapit sa kama.

Ngayon nakangiti at nakatingin lang siya sa akin.

Napayuko ako at pakiramdam ko nag blublush yung mukha ko dahil sa ginagawa niya. (>////<)

"Alam mo ba yung nangyari kagabi? Ha?" Napaangat ang tingin ko sakanya.

Ha? Ano bang nangyari kagabi? Bukod sa uminom ako ng marami... Shocks! Uminom ako ng marami!

"Hindi eh" iniwas ko yung tingin sakanya, nakangiti ang loko na parang may pinapahiwatig.

"Talagang wala kang alam?" Tinignan ko siya ulit "Wala akong maalala... Kung meron man yung uminom lang ako ng marami. At tska bakit ka ba nandito ha?"

"Gusto mo bang ipaalala ko sayo?" Napalunok nalang ako

Ginulo ko yung buhok. Anak ng tipaklong oh! Bakit hindi ko maalala yung nangyari kagabi? Nasukahan ko ba siya? Nasampal ko ba siya? O baka may sinuntok ako na isa sakanila... O baka naman nahalikan ko si Maru? Shocks! Talaga ba? Mukhang malabo ata yung huli.. Aish.. Isip zoey! mag-isip kapa!

Nilapit niya yung mukha niya sa akin "Gusto mo bang maalala?" Napaka sexy ng boses niya.

Teka... Waaah! Umagang umaga ito nananaman ako (>////<)

Napaka lapit ng mukha niya sa akin. Naiilang tuloy akong tumingin sakanya, ang lamig naman dito sa kwarto ko pero bakit parang pinagpapawisan ata ako?

"You don't need, baka-

Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi ko kaya hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko.

"Alam mo ba yung the drunk confession?"

Anong pinagsasabi nito?

"Oh, anong meron dun?" Kunot noong tanong ko sakanya.

Naiilang talaga ako kapag ganito kalapit yung mukha niya sa akin.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon