Chapter 17: Section 12

3.2K 102 0
                                    

Wednesday

Nasa room na ako ngayon nakatingin sa bintana at ang yung isip ko lumilipad sa kalawakan, medyo sakto lang yung pagkahatid sa akin ni Kuya Gin tamang-tama lang yung oras, hindi late hindi rin maaga. Hinatid niya ako kanina, syempre dumaan muna kami sa tinutuluyan ko para makapagpalit ako ng damit at makuha ko yung mga gamit ko. Nung tumigil nga yung kotse niya sa harapan ng gate ng campus, at ng makababa na ako ng sasakyan lahat ng napapadaan nakatingin sa akin. Tapos yung iba nagbubulungan pa, kaya pinaalis ko agad si kuya para hindi niya mapansin yung mga taong yun. Takot ko nalang sakanya nuh, baka magsumbong pa siya kay Mommy at Daddy, at baka madagdagan pa ako sa stress nila.

Pero ang saya-saya ko talaga, at nakasama ko na sila kahapon, nakatabi ko pa matulog si Mommy.

Umayos na ako ng upo dahil dumating na si Ma'am Sindayen, as usual kasunod nanaman niya yung Alien kong classmate na laging naninira ng araw ko.

Naalala ko tuloy yung kahaponm, nung time na natapon ko siya ng ice cream sa damit niya, waaah sayang talaga yung ice cream huhuhu ang sarap pa naman nun. Naiinis talaga ako pag nakikita ko yung mukha niya, lalo sa tuwing maiisip ko yung utang ko sakanya na sumang-ayon akong babayaran ko. Hmmm, ano nanaman kayang plano nitong unggoy na alien na to?

Ngumiti siya sa akin, yung nakakaasar na ngiti, yung tipong pag ngumiti siya maasar ka talaga, ewan ko nalang sa mga fan girls niya ginawa yung ngiting yun. For sure naman imbis na maasar yung mga yun sa ngiti niya, baka nga kiligin pa sila at mangisay nalang sa sahig dahil ngiti nitong unggoy nato.

"Ms. Cassanova?"

Hala?! bakit?

"Yes, Ma'am?" tumayo pa ako

"Diba sabi ko sainyo, walang aabsent sa klase ko, lalo na't pag nagpa quiz ako" napakunot siya ng noo niya

Anong pinaglalaban ni Ma'am? Uh-oh, I smell something fishy. Malakas ang pakiramdam ko na merong mangyayari na hindi maganda, at sa tingin ko hindi ko magugustuhan yung mga susunod na sasabihin niya.

"Ma'am pwede pa naman po akong bumawi eh" napahawak ako sa batok ko, tama! babawi ako sakanya sa mga quizzes niya, papakita ko sakanya na kahit umabsent ako, kaya kong makabawi sakanya ng sobra-sobra.

"Hindi ka na makakabawi"

Lahat ng mga atensyon ng mga kaklase ko napunta sa akin. Meron kasi silang kanya-kanyang mundo.

What the heck? ako hindi makakabawi? seryoso ba siya? Duh, si Ms. Cassanova po kaya itong kausap niyo oh

Damn! pinagiinitan talaga ako nitong teacher ko nato. Asar! hindi man lang ako binigyan ng chance para makabawi, yung may karelasyon nga binibigyan ng chance yung isa't isa para maayos e, tapos itong isang na missed na quiz ko hindi man lang ako binigyan ng chance nakakaasar (-__-)

"Get your things and go to the room of section 12"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon.

Section 12? waaaah, ayun yung lower section ah! mga sira ulo at mayayabang yung mga estudyante dun. Tsk! zoey naman hindi kapa ba nasanay?, yung mga nakapaligid nga sayo araw-araw mayayabang at mga sira ulo.
Pero lower section kasi yun, ano ba! mas magulo at mukhang mas malala pa yung mga yun dito.

"Ma'am" sumimangot ako

"No buts, nakausap ko narin si Sir. Miller, at pumayag na siya kaya wala ka ng magagawa." Tinaasan niya ako ng kilay.

Asar talaga yung teacher nato, hindi naman siya halatang excited na ilipat ako sa ibang section nuh? Badtrip talaga! plano niya talaga ito eh! nakakuha lang siya ng tyempo, haayyyy..

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now