Chapter 10: Audition

4.5K 113 2
                                    

Zoey's POV

Naalimpungatan ako at napabangon nalang ako. Kinusot ko ang mga mata ko, at ibubuka ko palang ang bibig ko ng bigla ko maalala ang isang bagay.

"Yung Powerpoint!" sigaw ko

Hala anong oras na!?

Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko ng naka tapat ang malaking kamay sa nine, at ang maliit naman nakaturo sa six.

So ibig sabihin 9:30 na ng umaga?

Mabilis akong tumayo at pumunta ako sa sala.

Napanganga nalang ako sa nakikita ko, nang iwan ko kasi ang lamesa kanina makalat ito at gulo-gulo ang mga gamit ko. Tapos ngayon ayos na ayos na ito.

Tsaka wala akong maalala na humiga ako sa kama kagabi, or sadyang lutang lang ako kaya hindi ko maalala?

Hay! Zoey naman.

Teka! nasan na ba si Alien?

Napansin kong merong nakatuping papel na nakalagay sa lamesa, malapit sa laptop. Kinuha ko ito at binuklat, nakapaloob sa sulat na ito ay

Sugpo, okay na ang lahat, meron narin diyang pagkain baka malimutan mo pangalan mo pag natikman mo luto ko. (wow, baka may lason yan. Tsaka never kong makakalimutan pangalan ko nuh!) Don't worry napasa ko na kay Ma'am yung powerpoint natin, kaya wala kanang aalalahanin. Hindi na kita ginising dahil nakakahiya naman sayo, tulog mantika ka e. (what? Ako pa yung tulog mantika? Sino kaya sa ating dalawa yung natulog ng maaga?) Wag kang mag-alala lahat ng ginawa ko may kapalit, at pag nagkita tayo makikita mo at mararanasan mo ang hinahanap mo.

-Ryu

Para akong nakaramdam ng paro-parong lumilipad sa loob ko ng mabasa ang sulat niya, kinikilig ba ako? bakit ako kikiligin kung sakanya ito galing? Buti ba kung kay Maru to galing, naku! baka mabasa pa lang yung first letter ng sulat niya mamatay na agad ako sa sobrang kilig.

Mabilis akong umiling-iling sa iniisip ko.

Pero na appreciate ko talaga yung ginawa ni Alien, akalain mo napasa na pala niya yung powerpoint. At nag-abala pa siyang magluto para sa akin. Hay, for sure yung niluto niya hindi masarap! Okay na sana yung sulat niya e. Kaso meron pang threat na kasama.

Nag punta na ako sa kusina upang tignan kung totoo nga ang sinabi niyang meron siyang niluto.

Lumipas ang ilang minuto...

Okay naman yung lasa ng niluto niya, konting kembot pa para naman mas mag level up yung lasa. Nagtataka ba kayo kung ano yung niluto niya para sa akin? Sunny side up lang naman ang niluto niya. Akala ko naman kung anong niluto niya.

Pagkatapos ko kumain ay kinuha ko na ang tuwalya ko at pumunta na ako ng banyo.

***

Ryu's POV

Nagising ako bigla ng may maalala ako, inilibot ko ang mga paningin ko sa paligid at napagtanto ko na nandito pala ako sa dorm ni Sugpo.

Teka? Bakit may kumot ako? tsaka unan? Marahil si Sugpo ang naglagay nito sa akin

Tumingin ako sa orasan ko, it's already 5:00AM in the morning.

Maaga akong nagising ngayon dahil maaga akong nakatulog kagabi, ganoon naman yun diba?

Tumayo ako at lumapit ako kay Sugpo upang buhatin siya. Nakahiga kasi siya sa sahig, though may carpet pero sahig parin iyon. Kahit sabihin mong may carpet dun madumi parin yun, pero okay lang din naman yun kasi madumi naman din siya HAHAHA.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now