Chapter 53: Drunk Confession

2.5K 84 2
                                    

Ryu's POV

Hindi ko alam kung anong nagyayari kay Kyo.

At ito nanaman siya tumagay nanaman. Parang tubig lang sakanya yung laman ng isang bote. Pag pinipigilan ko siyang uminom, magagalit. Ewan ko ba kung anong problema nitong babaeng to.

Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa amin. I mean, bakit niya ako iniiwasan? bakit sa tuwing kakausapin ko siya parang wala siyang nakikita? Ang sakit kayang iwasan! Yung huling pakikipag-usap ko sakanya ng matagal yung prom night. Pagkatapos nun, hindi niya na ako masyadong kinakausap... Pero inaamin ko sobrang ganda niya noong gabi ng prom. Halos hindi ko maalis yung tingin ko sakanya. May iba pa ngang gustong lumapit sakanya, pero kinakalabit ko lang at nginingitian ko lang ng napakatamis ayun natatakot at hindi na tinutuloy yung pagyaya sakanya ng sayaw. Hehehe bakit ba diba?

Ngayon nasa stage siya..

"Ehem" hinawakan niya yung microphone na nasa harap niya "Guys kung alam niyo yung kanta sabayan niyo ko ah"

"Wooo! Sige Kyo" sigaw ni Blaze at Shin.

Ang masakit pa nito, lagi niyang kasama si Shin! argh! bwisit talaga! ang sarap mag wala!

"Go! Bespren!" sigaw naman ni Kaine

"Go kyo!" parang pupunta pa ata sa stage si janine at buti nalang pinigilan siya ni Red. Isa pa yan si Janine, alam kong lasing na din yan eh.

Grabe talaga, parang kailan lang sila nagkakilala ah? Parang kailan lang pinagseselosan pa ni Janine si Kyo, at ngayon parang close na close na talaga sila.

At si red sumipol ng pagkalakas-lakas, yung parang kay clark na sipol sa palabas na superman.

Kinuha ko yung bote ng alak at tsaka uminom.

Pambihirang kyo to oh, kanina pa ako hindi pinapansin kung papansin niya man ako o kakausapin man niya ako tipid lang. Tsk. Ewan ko ba sa babaeng to, napaka cold niya na talaga sa akin. Mas malamig pa nga ata siya sa yelo na nasa baso na nakalagay sa lamesa ngayon at nag-uumpisa na akong mainis dahil dun. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko sakanya, kung bakit siya nagkakaganyan sa akin? wala naman akong naalala na may ginawa akong mali sakanya.

Hindi man lang niya ako kausapin, ewan ko ba. Pero malakas ang pakiramdam kong may nililihim siya sa akin. Kung bakit siya ganyan, tss mga babae talaga kahit kailan hindi ko maintindihan yung ugali.

I sigh

At muling ininom ang alak na nasa bote, pang pitong bote ko nato pero hindi parin ako natatamaan. Pero isa lang ang tinitiyak ko, yung babaeng nasa stage ngayon alam kong doon ako natatamaan talaga, sobra-sobra pa ata ang pagkakatama ko sakanya.

"Palakpak muna"

Tss. Lasing na talaga tong babaeng to.

Pumalakpak ang mga tao, pwera lang ako. Nakatitig lang ako sakanya, pinagmamasdan ang kagandahan niyang taglay.

Kinuha niya yung acoustic guitar ni Red at sinabit niya ito sa katawan. At muli niyang inayos yung microphone.

Haist. Kanina niya pa inaayos yung microphone na yan. Hindi na matapos tapos!

At umupo na siya.

"Sa tropa kong nandiyan!" Kumaway siya sa may side namin "Labyu all!" Sininok pa siya

"I love you too" bulong ko.

Yung ako lang makakarinig hehehe.

"We love you Kyo!" Sabay-sabay nilang sabi.

Teka? Si Kyo lang ba ang lasing dito o pati sila lasing na din?

Kita mo tong babaeng to, lakas talaga ng tama. Kaya pa ba niyan kumanta? At mag gitara Teka? Nag gi-gitara ba siya?

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora